Announcement of winners na ngayon. Pero ako windang pa rin sa sagot ni Joaquin, 'yong pakiramdam na relate na relate ako sa sagot niya. Si Number 1 Boy and Number 4 Girl naman sa Best in Production Number. Nanalo ng best in beach wear si Lienel at 'yong candidate number 3 na babae. Best in Chic Attire naman si Joaquin at si Claire.
Si Joe na ang nagkabit ng sash kay Joaquin, 'yon rin kasi ang napag-usapan naming tatlo na isa-isa kaming magkakabit kay Joaquin. Sa best in formal attire nanalo rin si Joaquin at 'yong candidate number 5. Kaya si Divine naman ang nagkabit ng sash kay Joaquin. Mukhang ubos award si Joaquin ah.
Si Lienel ang nanalo sa best in Q&A at si Claire naman sa babae. Nakikita ko namang napapatingin si Joaquin sa akin kaya ngumingiti ako sa kanya.
"For our Hanap ng Ganda Non-Univeristy Friends Version..." marami ang sumisigaw ng number 1,4 and 8.
"Candidate number....8! Claire Dela Cuesta!" ang lakas ng hiyawan ng mga tao lalo na sa bandang gitna kung asan ang mga tropa nila. Pumunta naman agad sa gitna ang loka at kumaway-kaway.
Binigyan siya nga bouquet tapos kinabitan ng sash at crown. Meron ring gifts and such. Ako tuloy ang kinakabahan para kay Adonis.
"Now, the most awaited Hanap ng Adonis Non-University Friends!" ang hype na ng crowd. Mas malakas na sa sigawan kesa kanina sa female version.
"Candidate number...." Please, gusto ko talagang manalo si Joaquin.
"8! Joaquin Maharlika!" Nanlaki ang mata ko at napatayo ako sa sobrang tuwa. Kahit si Joaquin nagulat rin, sobrang lakas na ng sigawan ng crowd. Sinisigaw na rin nila ang pangalan ni Joaquin.
Pumunta na sa gitna si Joaquin para kabitan siya ng sash at crown.
"Calling the attention of Miss Hannah Flores to put the sash to Mr. Joaquin Maharlika." napakagat pa ako ng labi ko habang paakyat ako sa stage.
Kinuha ko 'yong inabot na sash sa akin ni Stella kahit ang sama sama ng tingin niya sa akin.
Lumapit na ako kay Joaquin na sobrang lapad ng ngiti. Mukhang tuwang-tuwa siya na nanalo siya. Ang lakas lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko.
"Binibini, panalo ako." parang bata niyang sabi pagkalapit ko sa kanya.
"Edi mabuti." Pagtataray ko pero alam ko namang nakangiti pa rin ako. Ikinabit ko na 'yong sash sa kanya kaya ang lapit lapit ng mukha namin sa isa't-isa kasi ang tangkad niya naman sa sapatos niya tapos sobrang kabado pa ako kaya hindi ko makabit ng maayos ang sash sa kanya.
Narinig ko pa siyang tumawa kaya pinalo ko siya sa braso niya. Bwisit na 'to.
"Bakit ang ganda mo ngayon, Binibini?" hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag-ayos ng sash kasi nag-iinit na naman ang mukha ko.
"Hindi ko gustong nagsu-suot ka ng mga ganitong damit, Binibini. Maraming lalaki ang napapatingin sa ganda mo." natigilan naman ako sa sinabi niya, buti na lang nakabit ko na 'yong sash.
"Picture!" sigaw ng camera man kaya tumayo agad ako ng maayos sa tabi ni Joaquin pero kita ko sa peripheral vision ko na sa akin pa rin nakatingin si Joaquin kaya nilingon ko siya.
Kasabay ng paglingon ko ay ang pag-flash naman ng mga camera.
--
Puro picture taking na ang kaganapan ngayon at nasa likod lang ako ni Joaquin habang maraming nagpapa-picture sa kanya, sina Joe at Divine naman ang naglalayo kaonti ng mga babae kay Joaquin.
Bigla ko namang nakita sina Sabrina, oo nga pala, gusto nilang makilala si Joaquin sa malapitan. Lumapit naman sa akin sina Sabrina kaya ngumiti ako at naglakad kay Joaquin.
"Hoy Lalaki!" tawag ko kay Joaquin tapos sinamaan agad ako ng tingin ng mga babaeng nagpapapicture kay Joaquin.
"Bakit, Binibini?" humarap naman agad sa akin si Joaquin.
"Gusto kang makilala ng mga kaklase ko." sabi ko tapos pinakilala ko sa kanya sina Sabrina. Kaya ayon sila na ulit ang nagpa-picture kay Joaquin, Out of place na ulit ako.
Bumaba na lang ako sa stage at naupo ulit sa bench. Sumasakit na ang paa ko dahil sa heels na pinasuot din ni Joe sa akin. Hinubad ko muna 'to tapos minasahe ang paa ko. Bwisit nakaka-alay talaga sa paa ang heels.
Natigilan naman ako nang may kumuha ng paa ko at minasahe ito.
"Sabi ko naman sayo, Binibini, kapag kailangan mo ng tulong wag kang magdalawang-isip na tawagin ako." Hindi pa rin siya humaharap sakin at nakayuko lang siya. Inalis niya ang coat niya tapos pinantakip niya sa legs ko.
"Tss. Bakit mo tinatakpan ang legs ko? 'E kanina nga halos kaluluwa na ni Claire 'yong nakikita mo." reklamo ko sa kanya pero di ko rin inalis 'yong coat kasi minamasahe niya pa rin 'yong paa ko.
"Hindi naman ako nakatingin sa kanya, Binibini. Ikaw lang naman ang babaeng tinitingnan ko 'e."
Inirapan ko na lang siya.
"Hoy kayong dalawa, magpa-picture naman kayo!" dumating na naman si Joe. Kaya sinuot na sa akin ni Joaquin 'yong heels ko.
"Wow, cinderella ka, Dai?" binatukan ko na lang si Joe tapos hinila ko na siya paakyat ng stage. Nakasunod lang rin naman si Joaquin sa amin.
Pero pagkarating namin sa stage nandoon sina Claire tapos nilagpasan niya kami ni Joe at dumiretso siya kay Joaquin.
"Dudukotin ko na talaga yang mata ng lokang 'yan." biglang dating naman ni Divine na mukhang galing sa backstage.
Mukhang gusto ni Claire na magpa-picture silang dalawa ni Joaquin. Nakatingin lang kami sa kanilang dalawa tapos nagpunta na palapit sa amin si Joaquin.
"Halika na, Binibini. Magpapakuha pa tayo ng litrato, diba?" nagulat naman ako sa sinabi niya. Tinanggihan niya si Claire?
"Oh wag ng aarte. Pumunta na kayo dyan sa gitna. Akin cellphone mo, Dai!"
Wala na akong nagawa kasi sina Joe at Divine na nag-papunta sa amin sa gitna. Pinagtitingnan tuloy kami ng mga tao dito sa stage.
"Ano ba naman yan! Para kayong tuod na dalawa." reklamo ni Joe kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Dumikit nga kayo konti. Tapos ilagay mo dito ang kamay mo, Adonis." lumapit na si Divine sa amin tapos nilagay niya ang kamay ni Joaquin sa balikat ko kaya naka-akbay sa akin si Joaquin. Kahit siya parang nagulat.
"Uso humarap sa camera, 'no?" rinig kong sabi ni Joe kaya humarap na ako sa camera at ngumiti. Hindi ko na napansin ang naging reaksyon ni Joaquin.
Pagkatapos ng nakakapagod na araw 'e umuwi na rin kami. Nasa labas na kami ng gate ng school ngayon, 9PM na, kaya wala na masyadong sasakyan tapos kaonti na lang din ang tao. Inalis na rin ni Joaquin 'yong mga nakakabit sa kanya kaya ang dami niyang bitbit. Nag-insist na kasi siya na siya na lang daw magda-dala.
Nagpaalam na 'yong dalawa sa amin ni Joaquin kaya kaming dalawa na lang ang naiwan. Nakita ko namang palabas na rin ng gate sina Claire. Tapos lumapit pa sila sa amin ni Joaquin.
"Congrats again, Joaquin." malanding sabi ni Claire. Napa-irap na lang tuloy ako sa kawalan.
"Salamat." napaharap tuloy ako kay Joaquin at sinamaan siya ng tingin. Ngiti-ngiti rin ang Mokong, nakakabwisit.
"Hannah, gusto mo bang ihatid na kita?" narinig kong sabi ni Josh. Ngumiti naman ako at umiling.
"Wag na, Josh. Sabay naman kaming uuwi ni Joaquin." sabi ko tapos hinila ko na si Joaquin. Nabu-bwisit ako sa mukha ni Claire 'e. Nakita ko pang masama rin ang tingin sakin ni Lienel pero di ko na siya pinansin at umalis na kami doon ni Joaquin.
--
Kinabukasan, malakas ang ulan kaya mukhang hindi pa kami makakapunta kina Tita Helen. Medyo malayo-layo rin kasi ang bahay nila. Hindi na rin muna ako bumalik ng school kasi medyo pagod rin ako dahil sa mga kaganapan sa school nitong mga nakaraang araw.
Naisipan ko na lang na manood kami ng movie ni Joaquin para naman mas mahasa pa 'yong accent niya. Naka-upo na kaming dalawa sa sofa tapos nagluto rin ako ng popcorn at gumawa ako ng mainom naming dalawa.
"Binibini, hindi ka ba napagod sa pagluto nito?" takha naman akong napatingin sa kanya tapos tinitingnan niya 'yong popcorn kaya natawa ako ng kaonti nang maalala kong 'yong curler ko nga pala ang pinakita ko sa kanya 'nong nakaraang araw.
"Pfft, oo. Ang sakit nga ng kamay ko kaya kailangan mong ubusin yan ah." natatawang sabi ko.
"Pangako, Binibini." parang bata niyang sabi tapos tinaas niya pa 'yong kanang kamay niya na parang nag-promise.
"Talaga? Cross your heart nga." biro ko sa kanya. 'Nong di niya na-gets pinakita ko sa kanya kung paano.
"Ah. Parang itaga pa sa puso ko, Binibini?" ganoon ba 'yon? Tumango-tango na lang ako sa kanya saka sumubo ng popcorn.
"Pangako, Binibini. Itaga pa sa puso ko." Nag-takha naman ako sa ginawa niya kasi imbis na sa sarili niya gawin 'yong pag-cross ng puso 'e sa akin niya ginawa.
"Bakit naman ako ang nilagyan mo ng cross?" sabay subo ko ng popcorn.
"Kasi ikaw ang puso ko." halos mabilaukan naman ako sa sinabi niya kaya dali-dali akong uminom ng nestea.
"A-Anong nangyari sayo, Binibini?" worried na tanong niya. Gago na 'to. Siya na nga ang may kasalanan magtatanong pa.
"Ano ba naman kasi 'yang pinagsasabi mo!" inis na sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya at tumingin na ulit sa TV. Ang ganda sapukin ng bwisit na 'to.
Kaya nanood na lang kami ulit ng movie. Aladdin 'yong pinapanood namin at enjoy na enjoy naman sa panonood 'tong isa. Hindi ko nga alam kung nage-gets niya 'yong sinasabi ng mga casts 'e.
"Binibini, ayaw kong nangangalay ka kakatitig sa akin." tapos tumingin siya sa akin.
"A-Anong nakatingin ako sayo? A-Asa ka!" nag-iinit na naman ang mukha ko. Bwisit.
"Talaga, Binibini? Bakit parang nagiging kulay pulang rosas na naman ang mukha mo?" tapos nag-ngising nakakaloko na naman siya.
"Mainit kasi! H-Heh!" umiwas na lang ako agad ng tingin sa kanya pero tumatawa pa rin siya.
"Wag kang tatawa-tawa dyan!" tapos pinalo ko siya unan.
"Ang ganda mo kasing pagmasdan kapag naaasar ka, Binibini." natatawa niya pa ring sabi kay pinalo ko siya ulit. Bwisit na 'to. Nag-eenjoy na asarin ako.
"Ako, naiinis akong pagmasdan ka!"
"Talaga? Kaya pala sobra ka kung makatitig sa akin kasi naiinis ka, Binibini." Halata namang sarcastic 'yong pagkakasabi niya kaya umiinit ulit 'yong mukha ko sa sobrang inis.
"Bwisit ka talaga!" tapos pinagpapalo ko na siya ng unan. Nakaka-asar.
Hindi ko na lang siya pinansin ulit at nanood na lang ako. Naririnig ko pa siyang tumatawa kaya sinasamaan ko rin siya ng tingin.
Asar ka talaga, Joaquin!