Kabanata 15

1803 Words
"Woy love birds! 4:30PM na po, baka gusto niyong magpakasal na lang?" nagising ako sa matinis na boses ni Joe at napa-upo agad ako ng maayos nang makita kong tulog pa rin si Joaquin. Ang sakit ng leeg ko, mukhang magkaka-stiff neck pa ako nito. "Ang ganda ng tulog niyong dalawa ha? Nakakakilig!" inayos ko na lang ang sarili ko at di na pinansin si Divine. "4:30PM na? Kailangan na ni Joaquin magprepare." sabi ko habang nakatingin sa dalawa kaya napatango naman sila. "Gisingin mo na si Adonis kung ganon." Tinapik-tapik ko nang marahan ang pisngi ni Joaquin para magising siya. Maya maya minulat niya na rin ang mga mata niya tapos ngumiti agad siya sa akin. "Ang ganda sa pakiramdam na ikaw 'yong huli kong nakita bago ako natulog at pagkagising ko, Binibini." nag-iinit na naman ang mukha ko sa sinabi ni Joaquin. Ba't ba ganito 'tong Mokong na 'to? "Tama na ang landian at mukhang pati ang harina 'e lalanggamin na sa sobrang sweet niyo!" Kaya tumayo na rin kami ni Joaquin at sinabihan ko siyang magbihis muna siya ng first attire nila. Meron kasi 3 Portions ang contest, first 'e ang beach wear, syempre hindi ako papayag na topless si Joaquin kahit gusto ng dalawa na mag-topless lang daw si Joaquin para game over agad. Pero di pa rin ako pumayag, kaya isang polong bulaklakin ang suot niya at shorts rin na pang-beach. Buti na lang nga tumulong sina Joe sa akin sa paghahanap ng mga susuotin ni Joaquin at same size sila ng mga damit ng Kuya ni Joe, at pati si Divine tumulong rin sa mga susuotin na sapatos ni Joaquin. Parang wala na nga akong nadala para kay Joaquin. Pagkalabas ni Joaquin halos maglaway na naman ang dalawa sa kanya, at oo ang gwapo niya talaga sa suot niya, bulaklakin ang polo niya pero dark color pa rin 'to para hindi raw masyadong girly. Pumunta na rin kami agad sa backstage ng CA 3 para mamake-upan na si Joaquin. Sayang-saya nga sina Joe at Divine kasi mahahawakan na daw nila ang mukha ni Joaquin, mahilig kasi sa mga make-ups ang dalawa at magaling rin sila. "Ang gwapo mo talaga, Adonis!" puro sila papuri kay Joaquin habang mine-make-upan nila siya. Ako naman nakatayo lang sa likod at tinitingnan lang sila. "Hoy Hannah! Ikaw? Di ka pa ba magbibihis?" napataas naman ang kilay ko. Kaya nilapitan ako ni Joe at binulongan. "Magpapatalo ka ba kay Claire? Loka loka, may isang dress ako na dinala sa bag ko, kunin mo 'yon tapos mag-ayos. May mga make-up rin ako doon." magre-reklamo pa sana ako pero pinagtabuyan na nila ako. Ano ba yan! No choice ako na nagpunta ng Restroom at nagbihis. Nagandahan naman ako sa dress na dinala ni Joe kasi off-shoulder tapos fit rin kaya medyo klaro ang shape ng katawan ko at hindi rin naman sobrang iksi. Pagkatapos kong magbihis, naglagay ako ng kaonting foundation at eyeliner. Hindi na ako nagkilay at nag-eyeshadow, tutal gabi naman. Naglagay lang rin ako ng matte light pink lipstick. Hindi kasi bagay sa aking ang dark colors. Nang medyo okay na ako sa pagmumukha ko 'e inalis ko naman ang tali sa buhok ko kaya kulot ang buhok ko kasi naka-braid ako. Mukha na rin akong tao. Bumalik ako sa backstage para i-check silang tatlo at ang gwapo ni Joaquin. Nilagyan nila ng spray net ang buhok ni Joaquin kaya parang bad boy ang datingan niya. Effortless naman masyado ang pagme-make up sa kanya kasi gwapo pa rin naman siya. Hindi na ako nagpakita sa kanila at pumunta na sa upuan ko, ang dami na kasing tao. Napag-usapan kasi namin na si Divine ang magre-ritouch kay Joaquin at si Joe naman ang mag-aayos ng mga suot niya. Kasi hindi naman pwede na walang mag-represent kay Joaquin. Mga ilang minuto na lang 'e magsisimula na ang contest tapos ang dami talaga ng tao, punong-puno na ang mga benches. Nagsimula muna sa pana langin at pagkanta ng Lupang Hinirang at ang Hymn ng school tapos nag countdown na ang lahat para sa pagsisimula. May opening number ang mga dancers ng school tapos sa gitna ng pagsasayaw nila 'e nagsimula nang lumabas ang mga contestants kaya ang lakas lakas ng hiyawan ng mga students sa loob ng CA 3. Ang po-pogi at gaganda nilang lahat. Napa ‘ko lang ang tingin ko kay Joaquin na para bang hindi niya first time kung sumali sa contest na 'to, well more like pageant na talaga. May mga actions lang sila na ginawa tapos rampa-rampa then backstage ulit. Mukhang magpapakilala na sila. Nang si Joaquin na ang magpapakilala 'e tumahimik muna ang lahat. "Goodevening, everyone. I am Joaquin Maharlika, your Adonis of the night." tapos nag bow pa siya kaonti. Nagulat talaga ako sa pagpakilala ni Joaquin, maayos na 'yong accent niya tapos ang ayos pa nang pagkakasabi niya. Wow. Parang ibang Joaquin 'yong nasa harap ko kanina. Pagkatapos magpakilala ni Joaquin, sobra sobra na naman kung makasigaw ang mga audience. Next attire na nila, ang sabi ni Joaquin, parang bad boy style daw. At hindi ko alam kung anong isusuot ni Joaquin basta napag-usapan namin nina Joe, walang open chest na damit o open stomach. Magaganda rin naman ang mga suot ng ibang contestants pero nang lumabas si Lienel at 'yong partner niya ang lakas ng hiyawan. Kasi naman ang sabi 'bad boy' pero ang suot ng loko, bingi ata, 'e 'macho dancer.' Nakasuot siya ng leather jacket na walang sleeve tapos wala siyang suot sa loob ng jacket kaya hiyawan ng hiyawan ang lahat dahil kita ang katawan niya. Nakita ko pang kumindat siya sa akin nang mapatingin siya sa gawi ko pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Kung dati, magla-laway ako makita ko 'yang katawan niya, ngayon, nandidiri na ako. Halos tumigil na naman ang mundo ko nang lumabas si Joaquin, bagay na bagay nga sa kanya ang bad boy style. Kahit malakas ang hiyawan ng mga tao hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya, nakasuot siya ng white shirt tapos meron ring denim jacket then 'yong pantalon niya fit sa kanya kaya klarong-klaro 'yong mahaba niyang paa. 3 words for Joaquin. Ang gwapo niya. Habang si Claire naman halos kita kaluluwa na, open na open 'yong cleavage niya tapos sobrang iksi pa ng skirt na suot niya. Tss. Matapos nilang mag-rampa merong intermission number tapos susunod na ang formal attire nila. Maya maya pa nagsimula na ulit silang rumampa, slow music na ulit ang pinapatugtog. Wala na masyadong humihiyaw, mukhang nawindang rin silang lahat sa mga suot ng mga contestants. Nang lumabas sina Contestant number 6, naghiyawan na ulit ang lahat, mukhang famous nga 'tong dalawang 'to. Wala ng tigil sa paghiyaw ang lahat nang lumabas sina Lienel at ang partner niya. Naka-tuxedo siya na color blue at nag mukhang tao naman siya kahit papaano. Sumunod nang lumabas sina Joaquin, napakagat ako ng labi ko. Hindi ko expected na may ikakagwapo pa talaga 'tong isang 'to. Potek, naka-ilang puri na kaya ako sa kanya? Last attire na nila 'to pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Bakit kaya? Nakasuot siya ng velvet na black coat tapos white polo sa loob. Si Claire naman naka-black dress rin na may mahabang slit sa gilid ng legs niya. Myghad! Ba't di na lang kaya niya punitin ang dress niya hanggang sa tyan niya. Nahiya pa siya. Hindi na bumalik pa ng backstage sina Joaquin kasi Q&A na ang susunod na portion at pinalabas na lang ang ibang contestants sa stage. Nagsimula nang magtanong ang MC base sa tanong na binunot ng mga contestants. May ibang maganda ang sagot, may ibang sakto lang at may iba namang hindi na nakasagot ng maayos siguro dahil sa sobrang kaba na rin. Nang si Lienel na ang tatanungin ay naghiyawan ulit ang mga tao. "Lienel, I heard girlfriend mo raw si Contestant number 8?" tanong ng MC. At ngumiti naman si Lienel. "Yes, at masaya ako na makasama ang babaeng mahal ko sa contest na 'to." weh? Di nga? Pinabunot na siya ng question niya at binigay na rin 'to agad sa MC. "So, here's your question, Mr. Lienel. Ano ang mas pinapairal mo? Ang isip mo? o ang puso mo?" wala, parehong wala sa kanya 'yang dalawang 'yan 'e. "Para sa akin, mas pinapairal ko ang isip ko. Kahit na alam ko naman talaga kung ano 'yong sinisigaw ng puso ko, mas pinipili ko pa ring sundin ang sigaw ng isip ko kasi 'yon ang akala kong laging tama. Kasi 'yon ang akala kong makakabuti para sa taong mahal ko." ang seryoso ng sagot niya. Naghiyawan ang lahat pagkatapos niyang sumagot. Sumunod nang tatanungin si Claire kaya rumampa na loka sa gitna. "You look so stunning tonight." papuri ng MC kay Claire kaya todo ngiti naman ang loka. "Thank you." tapos bumunot na siya ng question niya. "Papano kung 'yong taong akala mong para sayo ay nakalaan para sa ibang tao? Anong gagawin mo?" sumeryoso naman agad ang loka. "Then, I have no choice but to let him go. Matututo akong maghintay para sa taong nilaan talaga para sa akin. Lahat naman ata nakakaranas ng sakit at lungkot bago dumating 'yong para sa atin talaga. I'm willing to let go kung 'yon 'yong gusto ng tadhana. Kasi alam ko darating rin 'yong panahon na dadating sa buhay ko 'yong taong para sa akin talaga." Ano ba naman yang mga questions puro related sa love life. Nacu-curious tuloy ako sa question ni Joaquin. Last question na kaya wala na siyang pagpipilian pa. Pagkadating ni Joaquin sa gitna puro hiyawan agad ang lahat. Ngumiti lang naman si Joaquin sa mga audience. Hanggang ngayon hindi pa rin siya tumitingin sa gawi ko. Hindi niya kaya ako nakikita? "Mukhang ang dami mong fans, Mr. Joaquin." ngumiti lang naman si Joaquin kay MC, mukhang di niya alam anong ibig sabihin ng fans 'e. "So, here's your question, Mr. Joaquin. Para sa'yo, posible bang umibig ka sa isang taong kakakilala mo lang? At bakit?" Parang natigilan ako sa tanong ng MC. Akala ko matatapos ang contest nang hindi niya ako titingnan pero ngayon, titig na titig siya sa mga mata ko. "Para sa akin, posible. Wala naman kasing pinipili ang puso natin. Kusa na lang itong titibok ng hindi natin namamalayan. Kasi kapag umibig ka, hindi mo na ma-ipaliwanag 'yong nararamdaman mo kapag nakakasama mo siya. 'Yong mga ngiti niyang bumubuo lagi ng araw ko. 'Yong boses niyang parang musika sa pandinig ko. At 'yong mga titig niyang dinadala ako sa kalawakan." Nag-wawala na naman ang puso ko dahil sayo, Joaquin. Bakit kailangan mong sabihin ang mga salitang 'yan habang naka-titig sa akin? Bakit kailangang ganyan ang sagot mo? Nagpapa-puntos lang ba sa Judges o 'yan talaga ang sinisigaw ng puso mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD