Sabado na ngayon at maaga pa pero napag-usapan na namin ni Joaquin na aalis na kami at pupunta kami sa bahay ni Tita Helen. Nagpe-prepare ako ng almusal namin ni Joaquin habang siya naman 'e naglalaba. Oo, ang Adonis na nilalang nag-lalaba. Nagtataka nga ako 'nong nakaraang araw kasi parang luminis ang bahay.
'Yon pala kapag wala ako sa bahay 'e naglilinis siya, sanay na sanay siya sa mga gawaing bahay. At sobrang na-appreciate ko naman 'yon. Nilalabhan niya 'yong mga kurtina dito sa bahay, akala ko nga nagbibiro lang siya pero 'nong tingnan ko kanina parang sanay siya. Pati ang mga book shelves ko skbrang linis. Kaya hinayaan ko na lang din.
Pagkatapos kong ayusin ang hapagkainan 'e tinawag ko na si Joaquin pero nang mapadaan ako sa pinto, nataranta ako ng sobra kasi nasa labas sina Tita Ana! Dali-dali kong tinago 'yong mga damit ni Joaquin sa kwarto ko at agad ko siyang pinuntahan.
"Joaquin kailangan mong magtago! Nasa labas 'yong Tita ko!" magsasalita pa siya pero hinila ko na agad siya papasok ng kwarto ko. Naririnig ko ng tumatawag sa akin 'yong Tita ko.
"Wag na wag kang gagawa ng ingay, okay? Hindi naman pumapasok si Tita sa kwarto ko kaya safe ka dyan hangga't hindi ka nag-iingay! Tapos ahm, punasan mo na lang yang kamay mo kasi may mga sabon pa at magbihis ka na muna." Agad kong nilock ang kwarto at inayos ang sarili ko.
Potek, ang bilis bilis ng t***k ng puso ko. Lumabas na ako ng bahay at nakita ko na si Tita. Mukhang nagdala siya ng mga grocery.
"Tita!" pilit na pilit ako sa ngiti ko tapos pinagbuksan ko si Tita ng gate.
"Dugay ka lagi kaayo?" (trans: Ba't ang tagal mo?)
Niyakap ko na lang agad si Tita tapos dinala ko na lang 'yong mga bitbit niya. Nakita ko pang sumilip sa bintana ng kwarto ko si Joaquin kaya agad ko siyang pinandilatan ng mata, natakot naman siya at umalis agad.
"Oh ba't nanlalaki 'yang mga mata mo dyan?" potek!
"M-May nakita kasi akong malaking daga sa bubong, Tita." malaking daga na sobrang pilyo, Tita. Tsk.
"Mao ba? Sulod na ta kay bug-at nga daan ng mga gipandala ko kay hatag na nila pinsan mo." (trans: Ganoon ba? Pasok na tayo kasi mabigat 'yang mga dala ko dahil bigay yan ng mga pinsan mo.)
"O-Opo, Tita."
Pagkapasok namin sa loob nilagay ko na sa sala 'yong mga groceries na dala ni Tita.
"Ngano duwa-duwa lagi ning imong mga plato diri?" (trans: Bakit dala-dalawa ang mga plato mo dito?)
Potek! Oo nga pala, naghahanda ako ng almusal namin ni Joaquin!
"K-Kaya ako natagalan kanina, Tita kasi nang makita kita inayos ko rin 'yan para pagdating mo kakain na lang tayo."
"Mao ba? Oh, dali na." (trans: Ganoon ba? Oh, halika na.)
Agad naman akong naupo sa tabi ni Tita. Hanggang ngayon tense na tense pa rin ako. Dahil kapag nalaman ni Tita na may lalaki sa bahay na 'to paniguradong i-susumbong niya ako kay Mama. Huhu.
Bago kami kumain sinabayan ko si Tita na magdasal.
"Mabuti naman at natututo ka ng magdasal. Kung dati kasi 'e nauuna ka lang kumain." ngumiti na lang ako kay Tita. Nakakahawa naman kasi 'yong ugali nang malaking daga dito, Tita.
Nagsimula na kaming kumain na dalawa. Hindi naman ako mapakali kasi nasa loob ng kwarto si Joaquin at paniguradong gutom na gutom na 'yon.
"Dito ako matutulog ngayong gabi, hija ha?"
"Po?!" napalakas ata ang pagkasabi ko kaya agad akong yumuko.
"Kasi naman 'yong mga magagaling mong pinsan may sleep-over sa mga kaklase nila kaya naisipan ko na samahan ka na lang muna kahit ngayong gabi lang."
Potek na yan! Bukas pa makakalabas si Joaquin sa kwarto! Hindi na ako makakain ng maayos sa sobrang kaba at tense ko.
Pagkatapos naming kumain ako na rin ang naghugas ng mga pinggan tapos inayos na ni Tita 'yong mga grocery. Pagtapos kong maghugas ay tinulungan ko na si Tita, pumunta naman siya sa banyo at nakita niya 'yong mga labahin ni Joaquin na hindi pa natapos kaya naman siya na ang nagtapos sa panlalaba.
Minsan rin namang natutulog si Tita Ana dito at sa guestroom siya natutulog kaya medyo sanay na rin ako. Hindi ko lang talaga expected na sa sobrang daming araw 'e kung kailan andito pa si Joaquin sa bahay. Huhu. Lord, taaabang! (trans: Lord, tuloong!)
Mukhang postpone muna ang pagpunta namin ni Joaquin kina Tita Helen. Hays. Sorry, Joaquin.
Tiningnan ko muna si Tita sa banyo at mukhang busy pa siya sa paglalaba kaya dali-dali akong kumuha ng kanin at ulam para kay Joaquin. Meron naman akong maliit na water dispenser sa loob ng kwarto at may baso rin ako doon.
Pagkapasok ko ng kwarto nakahiga siya sa kama ko. Nilock ko muna ang pinto at nilagay ko ang plato sa mesa. Napansin naman ako ni Joaquin kaya agad siyang tumayo.
"Binibini, tama ba ang narinig ko dito matutulog ang iyong tiyahin?"
"Oo, Lalaki. Kaya manahimik ka lang hangga't andito siya. Oh, kumain ka na. Magde-dekwat na lang ako ng makakain mo. Buti na lang nalagay ko 'yong mga damit mo dito." umupo ako sa tabi niya tapos nagdasal muna siya at nagsimula ng kumain.
Kumuha naman ako ng tubig sa dispenser at nilagay din 'yon sa mesa. Maliit lang naman ang table ko kasi dito ako nag-aaral tapos may dalawang upuan lang.
"K-Kung ganon, Binibini, s-saan ako matutulog?"
Potek! Di ko naisip 'yon. Sabay kaming napatingin sa kama at nag-iwas ng tingin sa isa't-isa.
"M-Meron naman akong extra bed sheet dyan. Okay lang naman sayong dito sa baba matulog diba?" nahihiyang tanong ko. Tumango-tango naman siya.
Hinintay ko siyang matapos kumain then sumilip muna ako at baka nasa sala na si Tita pero wala pa naman kaya bilis bilis kong hinugasan 'yong pinagkainan ni Joaquin.
Tapos tinulungan ko na si Tita magsampay ng mga labahin. Nagpaalam siya sa akin sa guestroom lang daw muna siya at matutulog dahil maaga pa siya umalis sa bahay nila at kulang pa siya ng tulog. Kaya hinayaan ko na lang siya.
Ako naman dumekwat na ng mga biscuits, juice at chips sa cabinet at dinala sa kwarto. Pagkarating ko sa kwarto ko, nilock ko agad tapos nilagay ko sa basket 'yong mga dala ko.
Naabutan ko naman na nagbabasa ng libro si Joaquin. Ang sipag siguro nitong mag-aral. Teka, nag-aaral rin kaya siya?
"Lalaki." napatingin naman siya sakin tapos nilagay niya 'yong book na hawak niya. Umupo ako sa kama ko tapos humarap sa akin si Joaquin kaya magkaharap kami.
"Nag-aaral ka rin ba?" curious na tanong ko sa kanya.
"Oo naman, Binibini. Nakapagtapos na ako ng kolehiyo."
"Talaga?! Buti ka pa. 'E ako may isang taon pa." tapos napa-pout na lang ako sa harap niya. Pinat niya naman ang ulo ko. Ginawa na naman akong aso!
"Malapit na rin naman pala 'e. Wag kang mag-alala, sa araw na 'yan. Sisiguraduhin kong nandoon ako."
"Talaga?" tapos pinaningkitan ko siya ng mata.
"Oo nga, Binibini. Pangako. Itaga mo pa sa puso ko." ayan na naman siya sa gesture niyang ako 'yong kino-cross niya!
Hindi ko na lang siya pinansin at nagbasa na lang rin ng libro ko. Magre-review na lang muna ako.
--
Nang papalubog na 'yong araw nagluto na si Tita ng hapunan namin. Hindi naman nabo-bored si Joaquin sa loob ng kwarto ko kasi interesado siya ng sobra sa mga aklat ko doon.
Mabuti na lang nga 'e wala naman masyadong kainteres-interes si Tita sa pagpasok ng kwarto ko. Isa pa, tulog lang rin naman siya ng tulog.
Pagkatapos maghanda ni Tita, nagdasal na kami tapos kumain na. Mabuti na lang medyo marami ang niluto niya kaya may maiiwan pa kay Joaquin.
"Alam mo ba hija na namatay na 'yong mangingisdang suki ko sa palengke?"
"Po? Bakit naman?" Meron kasing tindahan si Tita sa bahay nila tapos nagbebenta siya nga mga isda at gulay rin. Nakakagulat naman 'tong balita ni Tita, halos ilang taon niya na ring binibilhan ng isda 'yon.
"Nalunod daw 'nong sabado ng gabi. Mabuti nga 'e nakaligtas pa ng buhay 'yong dalawang mangingisdang kasama niya at naidala pa nila 'yong katawan niya. Kasi naman ang lakas ng ulan 'nong nakaraang sabado ng gabi. Linggo na nga ng hapon nakabalik dito 'yong dalawang mangingisda. Ang sabi nila may tumulong daw sa kanila kaya ang laki ng pasasalamat nila sa Diyos at binigyan sila ng pangalawang pagkakataon na mabuhay. Di ko nga alam kung bakit sinasabi ng mga tindera sa palengke na nagbagong buhay na 'yong dalawa."
Oo nga, malakas 'yong ulan 'nong nakaraang sabado. Kaya kahit si Joaquin, napadpad sa isla hardin kung saan kami unang nagkita. Kawawa naman 'yong mangingisdang namatay, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.
Pagkatapos naming kumain ni Tita, ako ulit ang nag-ligpit at naghugas ng mga pinagkainan. Agad namang nagpaalam si Tita na sa kwarto niya na siya at magbuburda pa daw siya.
Ako naman dumiretso na ng banyo para makapag-hugas. Ang lagkit na kasi ng pakiramdam ko.
Pagkatapos kong maghugas, bumalik na ako sa kwarto ko. Pero nasa pinto palang ako nang may naalala ako pero huli na dahil pareho kaming gulat na gulat ni Joaquin. Agad naman siyang tumalikod. Potek!!!!
Nakatuwalya lang ako! Bakit ba nawala sa isip ko si Joaquin!
Bilis bilis naman akong kumuha ng pampalit at lumabas ng kwarto. Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin, sobrang pula na naman ng mukha ko. Nakakainis naman. Paano ko haharapin si Joaquin nito? Shet!
Pagkatapos kong magbihis dinalhan ko lang ng pagkain si Joaquin tapos lumabas rin ako ng kwarto at tumambay na sa sala. Hindi ko pa rin siya kayang harapin dahil sobrang nakakahiya pa rin. Huhu.
Mga 9PM na nang mapagdesisyonan kong pumasok ng kwarto. Gising pa rin si Joaquin kaya dali-dali kong kinuha 'yong pinagkainan niya at hinugasan agad 'to.
Isang oras pa ulit ang tinambay ko sa sala bago ako pumasok ng kwarto. Pinatay ko na rin ang mga ilaw. Pagkapasok ko ng kwarto nakasandal si Joaquin sa kama ko habang nagbabasa pa rin. Nakaayos na rin 'yong hihigaan niya.
Nilock ko na 'yong pinto kaya napansin niya ako. Pero hindi pa rin kami makatingin sa mata ng isa't-isa.
"M-Matutulog ka na ba, Binibini?" tanong niya na hindi nakatingin sa akin.
"O-Oo. Papatayin ko na ang ilaw ha?" pagkapatay ko ng ilaw, humiga na ako agad sa kama ko.
Mga ilang minuto siguro akong nakatingin lang sa kisame at hindi ko rin alam kung natutulog na ba si Joaquin.
"Binibini, natutulog ka na ba?" hindi ko siya sinagot dahil naiilang pa rin ako sa kanya.
"Gusto mo bang mag-kwento ako?" kinagat ko 'yong labi ko at pinipigilan kong sumagot.
"Alam mo ba na pinaka-magandang buhay pag-ibig na nalaman ko ay ang pag-iibigan ng Lolo't Lola ko? Nagkakilala raw sila sa Sugbu at hindi sa isla. Isang dayuhan si Lola habang taga-isla naman si Lolo. Nang una raw silang magkakilala, nabihag raw agad ni Lola ang puso ni Lolo. Noong una ay hindi matanggap ni Lolo na umibig siya sa isang dayuhan kaya bumalik siya ng isla at hindi na bumalik sa Sugbu. Pero nang isang buwan ng hindi nakikita ni Lolo si Lola ay hindi niya na talaga napigilan at sinuway niya ang utos ng kanyang mga magulang, 'yon ang pakasalan si Lola na isang dayuhan. Dahil sa pag-iibigan ni Lolo't Lola, mas lalong yumaman ang lugar namin dahil sa ganda ng pamamalakad nilang dalawa."
Napapangiti ako sa kwento ni Joaquin pero hindi pa rin ako nagsasalita.
"Pero isang araw, naaksidente si Lolo, nakalimutan niya lahat."
Nagka-amnesia ang Lolo niya? Nakakalungkot naman 'yon.
"Pero alam mo, Binibini, isang wika lang ng Lola ko sa Lolo ko na mahal niya ito ay bumabalik 'yong pagmamahal ni Lolo kay Lola. Nakalimutan man ng isip niya kung sino si Lola sa buhay niya, hindi naman nakalimutan ng puso niya kung gaano niya 'to kamahal."
Ang ganda nga ng love story nila. Sinong mag-aakala na ang pag-iibigan pa rin nila ang mananaig?
"Kaya ako, Binibini, gusto ko 'yong pagmamahalan na tulad sa Lolo't Lola ko. Napipili ng puso at hindi lang ng isip."
Nagkunwari agad akong nakapikit nang maramdaman kong gumalaw si Joaquin. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.
"Sana ganoon rin tayo." mahina lang 'yong pagkakasabi niya pero halos maglupasay sa tuwa 'yong puso ko.