Chapter 1:

1046 Words
"Welcome back to San Sebastian Beach Resort, Miss Val!" "Salamat, Amy. Pwede na ba akong dumiretso sa cottage ko?" nakangiti kong bati sa receptionist. "Always ready po ang cottage n’yo, Mam Val. Alam n’yo naman po. Sinisigurado ng management na magiging maganda at maayos ang stay n’yo rito sa resort dahil tiyak na mag-aakyat na naman ng milyones sa bank account ng resort ang matatapos n’yong kwento. Heto na po ang susi ng mahiwaga n’yong cottage, Miss Writer," pagbibiro niya sa akin. "Hahaha. Sana nga. Sige, ha? Salamat. Punta na ako roon nang makapagsimula na ako," pagpapaalam ko sa kanya pero agad niya akong pinigil bago ko siya tuluyang iwan. "Teka po, Mam Val. Pwede po bang pa-autograph itong libro n’yo na last na nabili ko? Palagay na rin po ng dedication. Please..." pagpapa-cute pa nito sa akin. "Okay, ‘yun lang pala, eh." Inabot ko ang pocketbook at ballpen. Magsisimula na sana akong magsulat nang maagaw ng bagong dating ang pansin ko. "Miss, can I have a cottage, please?" Baritono ang boses ng lalaking kumuha sa atensyon ni Amy. Nakakamangha rin ang katawan at tangkad nito. Halatang foreigner sa tono ng pananalita. Sayang nga lang at hindi ko maispatan ang mukha dahil napakalaki ng sunvisor niya. May suot din siyang bonnet. ‘Di kaya artista ito o kaya naman ay basketball player o baka naman model? "Okay, sir. How many days do you plan to stay here, Sir?" kinikilig na tanong ni Amy. Lihim akong napatawa dahil sa inaakto niya. Halatang kinikilig ang bruha. Napailing na lang ako sa kanya at ipinagpatuloy na ang naudlot kong pagsusulat sa request niyang dedication. Hindi ko na rin namalayan kung ilang araw ang isinagot ng lalaki sa tanong ni Amy dahil hindi naman ako interesado. Nakangiti ko silang iniwan dahil alam kong kahit magpaalam ako kay Amy ay hindi niya na ako mapapansin dahil busy na siya sa pang-iinterview sa lalaking matangkad. After fifteen minutes of walking ay nakarating na ako sa cottage na exclusive para sa akin dito sa resort na napagawa last year. Simula kasi nang pumatok ang isinulat kong kuwento gamit ang resort bilang lugar kung saan nagaganap ang mga kuwento sa series ng mga libro ko ay kinontrata na nila akong writer ng mga kuwento na usually ay romance ang genre. At kaya nila ako pinagawan na ng sarili kong cottage ay para anytime raw na gustuhin kong magsulat ay may lugar ako sa resort. Utang din daw nila sa akin iyon dahil noong magsimula nang sumikat dito sa Pilipinas pati na tin sa mga karatig na lugar ditto sa Asya ‘yung mga sinulat kong mga kuwento ay naging world class na rin ang resort. Sabi nga ng management ay trumiple ang kita ng resort dahil sa mga isinulat ko kaya spoiled na spoiled ako tuwing naririto ako. Libre lahat ng services plus malaki rin silang magbayad. Nakasampung libro na ako na sinuwerte lahat sa market. Yung iba nga ay kinontrata pa ng piling international publication houses para i-translate at i-publish sa mga bansa nila. Next month nga ay kailangan ko pang pumunta sa California para sa book signing ng  isang libro kong sumisikat ngayon doon. Tignan n’yo nga naman ang suwerte ko pagkatapos ng mga unos sa buhay ko. Halos sunud-sunod. After naming manalo sa lotto ay nag-resign na ako sa pinagtratrabuhan kong private school. Lumipat nga kami rito sa San Sebastian para magsimula ng bagong buhay. Pagkatapos kong mag-donate sa simbahan at sa munispyo namin ay bumili kami ng lupa rito at nagpatayo ng dalawang two storey na bahay. Isa para sa amin ng mga bata kasama si Nanay at isa para sa kapatid ko at sa pamilya niya. Nag-business din kami ng kapatid ko na siya ang nagma-manage. ‘Yung ibang pera na napanalunan namin ay ibinili namin ng lupang pwedeng sakahan ng mga kamag-anak namin para naman may hanapbuhay din sila. ‘Yung iba naman ay in-invest ko sa business at sa stock market. Okay na okay na ang buhay namin ng mga bata. Kahit hindi na ako magtrabaho ay mabubuhay kami nang marangya. Kaya naman pinagbigyan ko na ang hilig ko sa pagsusulat. Hindi ko nga inakala na papatok ang unang gawa ko na siyang nagpasikat sa akin bilang si Val Caballero o VAL dahil sa pangalan naming tatlo ng mga bata: Vanessa, Athan at Liam. Nine years old na si Athan at seven years old na si Liam. Mabilis talaga ng panahon. Twenty eight years old pa lang ako, single mother na ng dalawang makukulit at diborsiyada na. Actually, five years na pala akong annulada. Diborsiyada ba ang dapat kong itawag sa sarili ko dahil wala naman atang annulada, ‘di ba? Pwede rin siguro ‘yung separada pero mas ramdam ko ‘yung annulada. Ibang-iba na ako sa 23 year old na losyang na Vanessa na ipinagpalit ng asawa sa iba. Dahil sa mga suwerteng dumating sa akin ay natuto na akong mag-ayos ng aking sarili. Nakatikim na ako ng parlor at spa. Gumanda na rin ang katawan kong dati ay payatot dahil natuto na rin akong mag-gym. Pumuti na rin ang balat ko dahil sa mga beauty treatments na ginagawa sa akin dito sa resort. Libre naman kaya ine-enjoy ko na. Ibang-iba na ako sa dating Vanessa. Sabi nga nila ay mas gumanda, mas sumeksi, mas tumatag, at mas naging matapang na raw ako. Pero ang totoo niyan, panlabas lang ang nagbago sa akin. Ako pa rin iyong simpleng Vanessa na naka-duster kung matulog. Ako pa rin iyong Vanessa na hikaw lang ang alahas na gustong isuot. ‘Yung mga alahas ko nga na nakatago ay puro regalo lang. Ako pa rin iyong Vanessa na tuyo ang paboritong almusal sa umaga. Hanggang lipstick lang ang kaya kong kolorete sa mukha ko. Nakakatikim lang ako ng todong make up kapag may contract signing sa mga publication houses na gustong mag-publish ng aklat ko. Kung naaalala ko ang nakaraan kong puno ng pait o kaya ay nilalamig sa aking pag-iisa sa aking silid, umiinom din naman ako kahit papano ng alak. Redhorse nga lang at hindi ‘yung mga mahal na wine. Wala na talagang kulang sa buhay ko kundi... ang lovelife ko.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD