CHAPTER 12

1063 Words

NAPANGITI si Anika nang dumating siya sa opisina sa araw na ‘yon na wala pa si Trick. Sa wakas. Sa loob ng dalawang linggo mula nang magtrabaho siya bilang assistant nito, ngayon lang siya nauna makapasok kaysa rito. Palagi kasi dumarating siya na nakatutok na sa trabaho ang binata. Workaholic nga talaga. Pero narealize niya na bilang assistant nito, dapat mauna siya rito. Kaya sa unang pagkakataon hindi siya sumabay kay Patrick papasok. Nagpahatid siya sa driver ng mga Alfonso na nag-iisang tao sa mansiyon na kumakausap at mabait sa kaniya. Wala siyang balak magpahatid araw-araw kaya habang nasa biyahe sila tinanong niya kung paano siya magko-commute papunta sa opisina. Bukas susubukan niya bumiyahe mag-isa. Inilapag niya ang bag sa lamesa at binuhay ang computer. Pagkatapos binuksan ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD