CHAPTER 2

1009 Words
SUMIKIP ang dibdib ni Trick nang marinig ang hagulgol na nag-e-echo sa second floor hallway ng Alfonso mansion. Sa nakaraang mga taon, mula nang tumira siya sa Bachelor’s Pad ay bihira na siya umuwi roon. Pero sa buwang ‘yon, halos araw-araw na siyang nagpupunta para bisitahin ang kanyang ina. At palagi, ang iyak nito ang bumubungad sa kaniya. Huminto siya sa tapat ng pinto ng master’s bedroom, huminga ng malalim at sandaling nanatili lang nakahawak sa doorknob. Hindi na siya kumatok nang hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak ang Mama niya. Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob. Tanghali na pero nakahiga pa rin sa kama ang kanyang ina. Patalikod sa pinto pero alam niyang naramdaman nito ang pagpasok niya sa master’s bedroom kasi na-tense ito at naging pigil na singhot na lang ang kanina ay hagulgol. Bumuntong hininga siya. “Ma. Kumain ka na ba?” malumanay na tanong niya. Matamlay na bumangon paupo ang Mama niya pero hindi pa rin humarap sa kaniya. “Hindi pa ako nagugutom,” paos na sagot nito. Suminghot at nang lumingon sa kaniya halatang pilit ang ngiti. “Bakit nandito ka na naman? Paano ang trabaho mo?” Lumapit si Trick sa ina at umupo sa tabi nito. Tinitigan niya ang mukha nito. “I’m worried about you.” Namasa na naman ang mga mata nito. “Mas nag-aalala ako sa Papa mo. W-wala pa bang balita kung nasaan siya? K-kahit anong sign na… b-buhay pa siya.” Kumuyom ang mga kamao ni Trick at nagbaba ng tingin. “Nothing, Mama. The coast guards are still looking for him. The local government is also cooperating with us. Wala pa silang nakikita kahit piraso lang ng damit na suot niya nang araw na mahulog siya sa yate.” Humagulgol na naman ang kanyang ina. Tiim ang bagang na niyakap niya ito ng mahigpit. His heart is heavy and painful inside his chest. Mag-i-isang buwan na mula nang mangyari ang aksidenteng nagpayanig sa mundo nilang mga Alfonso. One month since his father’s birthday celebration had ended into a tragedy. Minsan kahit alam ni Trick na lalong sasama ang loob ng kanyang Mama, hindi niya maiwasan isisi rin sa tatay niya ang nangyari. Hindi na talaga maganda ang panahon ilang araw bago ang planong Yacht Birthday Party nito. Sinabi na nila na huwag na ituloy. Lalo at ang ruta na tatahakin ng yate ay direktang dadaanan ng bagyo. Pero katulad ng dati, matigas ang ulo ng Papa niya at sarili lang ang pinapakinggan. Kaya kahit kalahati na lang ng inaasahan nitong bisita ang sumakay sa yate, itinuloy nila ang paglalayag. “This is a bad idea.” Naalala niyang sinabi ng kaibigan niyang si Ryan Decena hindi pa man nakakalayo ang yate. Sumama ito sa party at ang dalawa nitong staff para i-cover ang birthday celebration ng Papa niya. “I know it is. Pero walang ibang pinapakinggan ang tatay ko maliban sa sarili niya. Siya palagi ang tama,” mapait na sagot niya sa kaibigan nang araw na ‘yon. Kahit ang Mama niya halatang worried nang dalawang oras mula nang maglayag sila nagsimula nang tumaas ang mga alon at dumilim ang kalangitan. That time, lihim siyang nagpasalamat na hindi nakasama ang Lolo niya kasi may business trip ito. Kung hindi, madadagdagan ng isa pa ang inaalala ni Trick. His father on the other hand, didn’t look worried at all. Siguro akala nito kahit ang panahon ay aayon sa kung ano ang gusto nito. At na kahit hindi umayon sa plano, hindi ito ang tipo ng taong aaminin na mali ito. Nasa karagatan na sila ng Camarines Sur at lango na sa alak at kasiyahan ang mga bisita lalo na ang kanyang Papa nang gumuhit ang kidlat at dumagundong ang malakas na kulog sa kalangitan. Sinundan ‘yon ng malakas na pagbuhos ng ulan at pagtaas ng alon. Mabilis na nagtakbuhan mula sa deck ang mga tao pababa sa cabin area para hindi mabasa. Pero ang Papa ni Trick na sobrang lasing na ay tumawa-tawa pa habang nakasandal sa railings. Walang pakielam kahit naiwan itong nababasa sa ulan. And then the tragedy happened. Kumidlat at kumulog. Humangin ng malakas, humampas ang malaking alon na halos magpataob sa yate. Nagsigawan ang lahat nang habang tumatawa pa rin ang Papa niya ay nawala ito sa balanse at nahulog sa dagat. Sinubukan nilang tingnan kung nasaan na ito pero ni hindi nila nakitang umangat ang ulo nito mula sa tubig. The men tried to save him. But the storm was too strong for anyone to risk jumping into the sea. Besides, masyadong naka-focus sa sarili nilang kaligtasan ang mga bisita. Thirty minutes later and kilometers away mula sa kung saan nahulog ang kanyang ama, saka lang humina ang hangin at ulan. Histerikal ang Mama niya at halos lahat ng bisita. Sila lang ni Ryan ang may presence of mind na tumawag para humingi ng tulong sa coast guard at sa local government ng Camarines Sur. Another thirty minutes bago dumating ang tulong. Pero hindi na nila natagpuan ang kanyang ama. At ngayon, halos isang buwan na ang lumipas pero wala pa ring balita. Marami ang nagsasabi kapag akala nila hindi naririnig ng mga Alfonso, na patay na raw ang Papa niya. Hindi sila naniniwala. Lalo na ang Mama niya. Hangga’t walang natatagpuang katawan, naniniwala silang buhay pa ito. “At least, eat something, Mama. Gusto mo bang kapag umuwi na si Papa makita ka niyang may sakit?” malumanay na sabi ni Trick. Huminga ng malalim ang Mama niya, pinahid ang mga luha at pilit na ngumiti. “Eat with me?”                “Of course.” Tumayo siya at inalalayan itong makatayo rin. Then he wrapped his arm around her shoulders and kissed her temple. “Be strong, Mama. Everything is going to work out fine,” bulong niya.                Sumingkot ang kanyang ina at isinubsob ang mukha sa dibdib niya bago sumagot, “Sana nga, anak. Sana nga.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD