Mugto ang mga mata ni Hera habang blangko pa rin na nakatitig lang sa kawalan. Hindi niya alam kung ilang oras na ba ang nakalipas. Nakatitig lang siya sa isang sulok at wala ng pakialam sa paligid. Mula noong sinabi iyon ni Lucas sa kaniya kahapon ay parang nawalan na rin siya ng gana sa kaniyang buhay. Parang pinipiga pa rin ang kaniyang puso at walang tigil sa pagkirot. Wala na siyang iba pang maisip kung hindi si Lucas. Hindi niya ito maintindihan. Bakit kailangan pa siyang palayasin? Wala naman siyang ginawang hindi nito nagustuhan. Sabi pa ng lalaki ay ayaw siya nitong saktan pero kahit kailan man ay wala itong ginawa na nagpasakit sa kaniya. She finds his reason not enough. Parang may mas malalim pa na rason ang lalaki pero hindi lang siguro iyon masabi sa kaniya. Gusto niyang m