Hera was caught off guard. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng kaniyang Ina. Nagtagis ang kaniyang bagang at hindi mapigilang magalit sa babae na kaharap niya ngayon. Noon ay kapag sinasabihan siya nang ganito ng kaniyang Ina ay hinahayaan niya lang ito at sinusunod ang gusto. Pero iwan niya ba, ngayon ay hindi niya mapigilang makaramdam ng galit. Sobrang kapal ng mukha nito para humingi sa kaniya ng tulong. Matapos ang lahat ng ginawa ng mga ito sa kaniya, sa tingin ba nito ay gana pa siyang tumulong? Grabe ang kaniyang naranasan noong kasama pa siya ng mga ito. Ang mga masasakit nilang salita, ang pagmamaltrato ng mga ito sa kaniya at iba pa. Kailan man ay hinding-hindi niya iyon malilimutan. Sawang-sawa na siya na magpakatanga pa sa pamilya na walang magandang dinulot sa kaniy