Mabigat ang katawan ng siya ay magising mula sa pagkakahimatay. Lugmok ang kaniyang pakiramdam at masakit ang kaniyang ulo. Pakiramdam ni Hera ay mamatay na siya sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman ngayon. Hindi na lang p********e ang masakit sa kaniya, pati na rin ang kaniyang ulo ay masakit din. Parang minamartilyon iyon nang paulit-ulit sa sobrang sakit. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan at gustong uminom ng tubig. Naalimpungatan siya dahil doon. Nauuhaw siya. Tuyong-tuyo ang kaniyang lalamunan maging ang kaniyang bibig at mga labi. Minulat ni Hera ang kaniyang mabigat na mga talukap at nilibot ang paningin sa buong silid. Ang pamilyar na puting kisame at ang pamilyar na amoy ng hospital ang nagpagising bigla sa kaniyang diwa. Mukhang na hospital na naman siya. Pangalawang beses