Third Person's POV Labis ang kaba na nadarama ni Zaida nang makaharap ang sikat na fashion designer na si Florie Lee lalo pa at mga nanunuring tingin ang ipinukol nito sa kaniya mula ulo hanggang paa. Nakaramdam tuloy siya nang matinding pagkailang. Hinatid lang siya ng pinsang si Wendy sa boutique nito at pagkatapos ay dumiretso na agad ito sa pinapasukang tv station . Maaga ang call time nila dahil sila ang nag-aayos ng mga props at iba pang gagamitin para sa noon time show na umi-ere nang live eksakto alas dose ng tanghali. Maputi, hindi kataasan, medyo may katabaan, singkit at isang bading ang fashion designer na kaharap niya ngayon. "Zaida Flores, right?" naninigurong tanong nito. "O...opo. Tama po kayo, ako po si Zaida," maagap na sagot naman niya. "How old are you?" tanong