Third Person's POV "Gusto kong sumama ka sa akin sa Maynila, Ate Zaida. Meron akong kakilalang sikat na fashion designer na nangangailangan ng assistant. Ang gusto niya ay may back ground sa pananahi. Diba nakatapos ka ng dressmaking at sikat ka dito sa baranggay natin? Kaya nang marinig ko siyang nagpapahanap ng bagong assistant ay ikaw agad ang pumasok sa isip ko." "Gano'n ba? Kung ako ang papipiliin ay gusto kong makapag trabaho sa Maynila ang iniisip ko lang ay sina Inay at Itay, wala na silang makakatulong dito sa bahay," naga-alalangan na sabi niya. "Kaya nga naparito ako para ipagpaalam ka kina Tiyo Nestor at Tiya Linda. Magandang opportunity na ito, ate. Maraming naghahangad ng ganoong trabaho. Masarap magtrabaho sa fashion world, marami kang makikitang models at celebrities. Me