Third Person's POV "Huh! Hindi mo naman sinabi na pati address ng tinitirahan mo ay hindi mo alam, nagkaligaw-ligaw tuloy tayong bruha ka!" nanggagalaiting sabi ni Florie na itinigil saglit ang kanyang sasakyan sa gilid ng daan para tawagan si Wendy. "Hello! Ano ba naman itong pinsan mo? Ang aga-aga hina highblood ako! Saan ba kayo nakatira? Hindi pala marunong umuwi ito. Isa ka pang bruha ka! Pag-untugin ko kayo, eh. Bakit hindi mo tinuruan kung paano umuwi?" Dire-diretso ang bibig nito at walang preno kaya naman hindi magawang makasingit ni Wendy sa kabilang linya. "Pasensiya na Ms. Florie nawala sa isip ko. First time n'ya sa Maynila kaya wala pa 'yang alam. Sa Blk. 5 Lot 23 Nicanor Street Brgy. Santol kami nakatira. May makikita kang apartment d'yan pang anim ang sa'min. Iyong may