Third Person's POV
Nang umaga ring iyon ay maagang nagising ang grupo ni Grey, hindi nila pinalampas ang sandali na makalibot sa Brgy. Mabato.
"Why don't we go to town just to make sure that the first thing my eyes can see is not an old woman, we've been walking around for a while now that we only meet old people here," suhestiyon ni Grey sa mga kaibigan habang inililibot ang mga mata sa paligid.
Maraming nagkalat na bata sa lansangan at naglalaro nang habulan, abala naman ang kanilang mga magulang sa paglilinis ng kani-kanilang mga bakuran. Nasisiyahang pinagmasdan niya ang mga bahay na halos lahat ay gawa sa kahoy, sa old movies lang niya nakikita ang ganitong klase ng bahay na ang bintana at tinutukuran pa ng kawayan para bumukas. Payak ang pamumuhay ng mga mamayan dito ngunit makikita mo ang kakuntentuhan at kasiyahan sa kanilang mga mukha. Ang libangan ng mga bata ay nakatutuwang panoorin. May naglalaro ng luksong baka, patintero, agawang bola, sipa at iba pa. Malayo sa kinamulatan niyang buhay sa siyudad.
Nagkatinginan ang tatlong kaibigan nito na sina Lawrence, Carl at Jigs dahil sa sinabi niya.
Sinenyasan ni Lawrence ang dalawa na lumapit sa kanya na siya namang ginawa ng mga ito. Nagpulong ang tatlo at naiwan si Grey na 'di kalayuan sa kanila. Mahina lang ang kanilang naging paguusap sinadyang gawin iyon ng tatlo upang hindi marinig ng binatang aktor. Napakunot noo si Grey, sa isip niya ay mukhang hindi niya magugustuhan ang pinaplano ng mga ito.
"f**k! You know what, guys? You're driving me crazy!" reklamo niya ng makitang nagtatawanan ang mga ito na para bang may naisip na magandang kalokohan habang nakatingin sa kanya.
"Okay, we have decided to grant your request.
We are going to town today but, on one condition. We have to blindfold your eyes. Remember, the rule is the first woman your eyes can see is the one you will make out later in the evening," ang sabi ni Carl.
Ito ang napagkasunduan nilang tatlo at siya ang nautusang magsabi kay Grey.
"Wait, why are you going to blindfolded me?" kunot noong tanong ni Grey nang makalapit na sa mga ito.
“It’s simple like you have no way to choose,” nakangising sagot naman ni Jigs.
Lalong nagdilim ang mukha ni Grey. Sa totoo lang ay ayaw niya talagang gawin ang dare na ito kaya lang nagkasubuan na and there is no way for him to back out anymore. Not unless, he pays fifty thousand pesos for each of them but he promised himself not to spend any single centavo on his f*****g friends.
"Oh, come on, you can do it!" Hindi niya alam kung inaasar ba siya ni Carl o pinapalakas nito ang loob niya? Ngunit, sa huli ay naisip niya na mas lamang ang una.
"Let's go, the tricycle is here," aya ni Lawrence sa mga kaibigan na hindi nila namalayan na nakapara na pala ng masasakyan.
Sumakay ang mga ito sa tricycle na maghahatid sa kanila sa bayan.
Pumuwesto ng upo sa loob ng tricycle si Grey kasama si Lawrence samantalang sina Jigs at Carl ay umangkas sa likod ng driver.
Sampung minuto ang kanilang ibiniyahe para makarating sa bayan, bago bumaba ng tricycle ay dinukot pa muna ni Lawrence ang itim na panyo sa bulsa ng kanyang pantalon, binuklat iyon at inayos ang tupi upang mapagkasya sa ulo ni Grey, sinimulan na niyang takpan ang mga mata nito gamit ang kanyang panyo. Kinapa-kapa ni Grey ang tricycle at yumukod nang husto para makalabas doon ng hindi nauuntog ang kanyang ulo.
Agad dumalo sa kanya sina Carl at Jigs para siya ay alalayan, pinagtig isahan ng mga ito ang kamay niya at iginiya siya sa paglalakad.
Panay ang senyasan ng tatlo, gumawi sila sa lugar na walang gaanong dumadaan para narin magkaroon ng pagkakataon si Grey na maibaling sa iisang tao lang ang kanyang tingin.
"We're now going to remove your blindfold, it's up to you where to turn your gaze," ang sabi ni Lawrence na pumuwesto na sa likuran ni Grey at sinimulan nang tanggalin ang pagkakabuhol ng panyo sa likuran ng ulo nito.
Nanibago pa si Grey nang tuluyang makalaya ang mga mata sa piring na iyon. Medyo malabo ang kanyang paningin at bahagya siyang nasilaw sa araw, nagawa niyang takpan ng kanyang palad ang kanyang mga mata at pumikit nang sandali, maya-maya pa ay iminulat na ang mga ito at sa pagbaling niya sa kanyang kaliwa ay namataan niya ang babaeng may bitbit na asul na plastic bag sa kanang kamay, sa kaliwang balikat naman nito ay may sukbit na itim na mumurahing shoulder bag, hindi niya mawari ang mukha ng babae. Napakahaba ng suot nitong asul na palda na halos sumayad na sa lupa, ni hindi na nga niya makita kahit dulo manlang ng daliri nito sa paa. Nakasuot ito ng itim na maluwag na blusa kaya naman hindi mo mababanaag ang hubog ng katawan nito. Nakapusod ng husto ang buhok at inikot pa iyon sa dulo kaya walang kahit na konting hibla ang makakatakas, nakasalamin ito na sa tingin niya ay may grado. Hindi niya alam kung paanong ide-describe ang itsura nito ngunit sa kabuuan ay maikukumpara siya sa mga palabas sa pelikula na para bang isang terror teacher na matandang dalaga.
Sinundan ng tatlo ang tinutumbok ng mata ni Grey at hindi napigilan ng mga ito ang mapabunghalit nang tawa sa kanilang nakita.
"She's the one, pare!" bulalas ni Jigs.
Napabuga ng hangin sa sobrang pagkadismaya si Grey.
"Pwede bang iba na lang, 'wag lang 'yan, masyado ng matanda para sa akin," reklamo nito habang nagkakamot ng ulo.
"No... Wala ng bawian, that's the rule, siya na ang magiging target mo mamayang gabi," mariing tanggi ni Lawrence sa request ni Grey.
"Oo nga, pare, mukhang okay naman, ah," saad naman ni Carl.
"Okay pala, eh, di sa'yo na lang," nakasimangot na sabi ni Grey kaya naman nagsipagtawanan ang tatlo nitong kasama na lalo lang ikinainis niya.
"Halika na sundan na natin, baka makawala pa sa paningin natin, hindi pa natin malaman kung saan hahanapin 'yan mamaya," aya ni Jigs.
Agad sumunod sina Lawrence at Carl dito, alumpihit naman na lumakad si Grey, kahit sinasabi ng utak niya na maglakad na siya ay ayaw namang sumunod ng kanyang mga paa, namalayan na lang niya nang lumapit sa kanya si Carl at itinulak siya nang malakas sa kanyang likuran para umabante.
Inambahan niya ito nang suntok at tiningnan nang masama na tinawanan lang nito. Kilala na siya ng mga kaibigan kaya naman alam ng mga ito kung kailan siya totoong galit.
Namataan nila ang babae sa loob ng tailoring shop.
"Mukhang d'yan siya nagwo-work," sabi ni Lawrence na tiningala pa ang karatula na nakasabit sa itaas ng shop.
"Zaida's Tailoring Shop," bigkas ni Jigs na binasa ang nakasulat sa karatula.
"Remember this place, because we will be back here tonight," sabi ni Carl.
"Look, open at 8:00 Am to 6:00 PM," ang sabi ni Jigs na itinuro ang nakasabit na maliit na signage sa harapan ng salaming pinto ng shop.
"Huh! 6:00 PM, masyado pang maaga 'yon, maliwanag pa nga ang daan, iba nalang.
'Wag na kasi 'yan, ulitin na lang natin, piringan niyo ulit ako, " reklamo na naman ni Grey.
"Rules are rules and we don't break the rules, she's the one and that's final," asik ni Lawrence, medyo naiinis na siya dahil sa hindi pakikipag cooperate ni Grey.
"Lawrence is right, ikaw lang itong reklamador, lahat naman kami hindi nagreklamo. We almost give our life for our dare. Pero sa'yo, pare, come to think of it, it's so easy. Just think of the pleasure it can give to you later," Carl said trying to convince him.
Napapailing na lang si Grey.
"Okay fine! It's just that, hindi ko type yung girl, mukha na siyang matanda. She's like in her forties, para na siyang tiyahin ko."
"Pare, this is a remote province, hindi ka naman makakahanap ng kasing ganda at sexy ni Mindy Imperial or Lindsey Smith dito. Kung gano'n pala ang gusto mo hindi na dare
'yon, wala ng challenge, sana pala hindi nalang tayo umalis ng Manila at nag bar na lang tayo," anas ni Lawrence.
Namataan silang nakatayo ng babae sa loob ng shop. Lalabas na sana ito.
"Guys, let's go, mukhang napansin na niya tayo. Balik na lang tayo later, hindi niya kailangang makita si Grey, not this early." Agad hinatak ni Jigs si Grey papalayo, sumunod naman sa kanila si Carl at Lawrence. Bago pa tuluyang makalayo ay nilingon pa muli ni Grey ang lugar.
Napansin niya ang babae na lumabas ng pinto at tumingin sa direksyon nila.
Napabuntong hininga siya nang malalim.
"Good luck to me, later," bulong niya sa kanyang sarili.
_
Naglibot ang grupo sa bayan. Kumain sila sa isang karinderya doon na nagse-serve ng masarap na lomi para sa kanilang almusal bago kasi umalis sa kanilang tinutuluyang kubo ay nagkape lang sila.
Masaya si Grey dahil malaya niyang nagagawa ang gusto niya sa lugar na ito. Nakakapaglakad siya na hindi siya dinudumog ng mga tao. Walang nagpapa-picture o autograph sa kanya. Halos lahat naman ng tao na kanilang madaanan ay tumitingin sa kanila ng may paghanga sa mga mata dahil kakaiba naman talaga ang itsura at porma nila sa mga tao sa lugar na iyon. Sa kabuan naranasan niya na mabuhay ng normal kahit na sandali lang at napakasarap sa pakiramdam iyon para kay Grey.
"Pumunta muna tayo sa Mabato Cave and then maligo tayo sa falls, balita ko may hot spring daw doon. Kailangan nating i-kondisyon si Grey, may matinding laban ito mamaya," pambubuska ni Carl.
Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi nito, nag apir pa sina Lawrence at Jigs.
"Ang lakas niyo rin talagang mag-trip, eh. Makakaganti rin ako sa inyo balang araw," banta ni Grey sa mga kaibigan na tinawanan din lang ng mga ito.
Umarkila sila ng tricycle na maghahatid sa kanila sa Mabato Cave. Mahigit isang oras ang biyahe papunta doon. Binaba sila ng tricycle sa gilid ng daan, hindi pa ito mismo ang Mabato Cave. May mga residente malapit doon na nag aalok upang maging guide papunta sa mismong cave na kulang isang oras ang lalakarin para makarating doon.
Si Mang Igme ang kanilang nagsilbing tourist guide at dahil kabisado na nito ang lugar ay wala na lang dito ang paglalakad sa masukal at matarik na daan. Dahil sanay naman sa hiking ang apat ay hindi na bago sa kanila ang ganito. Medyo mainit na at sumisikat na ang araw.
Alas dose na ng tanghali ng marating nila ang mismong cave, inuna nilang maligo sa batis.
Masarap sa katawan ang mainit-init na tubig, ito raw ang hot spring na sinasabi. Malinis at malinaw ang tubig maari ka pang manalamin. Maraming puno sa paligid at mga naglalaki hang tipak ng bato.
Parang mga bata na nagsabuyan ng tubig ang mga ito. Ang lalakas nang tawanan nila at nag e-echo iyon sa buong paligid.
Sabay-sabay silang pumunta sa ilalim ng falls at hinayaan nila ang malakas na tubig na bumagsak sa kanilang katawan, para silang minamasahe dahil sa tindi ng impact ng tubig kapag bumabagsak na.
Ngayon na lang uli sila nakapag-enjoy ng ganito. Matagal-tagal narin mula ng sila ay magkasama-sama kaya naman sinamantala nila ang pagkakataon. Sumakay sila ng bangka kasama si Mang Igme para makarating sa Mabato Cave, humanga ng husto ang apat sa ganda ng rock formation na nabuo sa loob ng kuweba. Ang stalactites na mineral formation na nakasabit sa ceiling na may mga patulis na hugis ay talaga namang nakamamangha at ang stalagmites na mineral formation naman na nabuo sa pinaka sahig ng kweba ay kamangha-mangha rin.
Na-enjoy nila ang buong lugar. Bihira nilang magawa ang ganito. Matapos libutin ang buong kweba at makakuha ng ilang larawan ay bumalik na sa falls ang apat at ipinagpatuloy na ang paliligo. Nagawa pa ng mga ito na mag wrestling sa tubig.
Alas tres na ng hapon ng mapagpasyahan nilang umuwi at eksaktong alas singko naman ng makarating sila sa tinutuluyang kubo.
Nang makapagpalit ng damit ay nag kanya-kanya nang higa ang mga ito, lahat ay kapwa pagod sa maghapong pamamasyal.
"Walang matutulog sa inyo, we have to get back to town before seven in the evening," pagpapaala ni Lawrence sa lahat.
"Pare, maligo kana ng pabango at lumaklak ka na ng mouthwash, kailangan mong maghanda para sa matinding laban," pambubuska ni Jigs. Hinampas naman ito sa balikat ni Grey.
"Why should I? Kahit hindi ako maligo at mag toothbrush ng ilang araw mabango parin ako at bakit ko naman pag aaksayahan na mag ayos pa ng sarili? Hindi naman Miss Universe ang kikitain ko. She's an old maid, mamaya pa nga may asawa at mga anak na 'yon. Baka mapahamak pa ako sa mga ipinagagawa n'yong kalokohan sa 'kin ng 'di oras. My manager will kill me for sure. Siguraduhin niyo lang na hindi ako mapapahamak, may career akong pinoprotektahan."
"Ha! ha! ha!" Sabay-sabay na tawa ng tatlo. Napuno nang halakhakan ang loob ng kubo.