Chapter 5°

1508 Words
Third Person's POV Six thirty na nang makarating ang magkakaibigan sa bayan, nagmamadali ang mga ito na tinungo ang tailoring shop. "Hay, salamat naman at hindi pa tayo huli." Nakahinga nang maluwag si Lawrence nang makita na bukas pa ang patahian. Nadismaya naman si Grey. Kanina habang nasa biyahe ay panay ang hiling niya na sana ay nakauwi na ang matandang mananahi para hindi na matuloy ang kanyang dare kaya naman nanlumo siya nang makitang bukas pa ang shop nito. "Bakit hindi pa nagsasara? Akala ko ba hanggang alas sais lang 'yan bukas, mag aalas siyete na, ah," reklamo niya. "Huwag kang atat! Maghintay ka muna, napaghahalatang excited ka, eh," pambubuska ni Jigs. "Ul*l!" singhal ni Grey at nag death glare pa rito na tinawanan lang nito. "Maghintay muna tayo, kapag eksaktong magsasara na siya at saka ka papasok para pigilan siya, magkunwari kang magpapatahi," ani Lawrence na hindi pansin ang pag aasaran ng dalawa. "What? Ano naman ang ipatatahi ko?" kunot noong tanong ni Grey. "Yang butas sa p*wet mo!" maagap na sagot ni Jigs na humagalpak pa nang tawa. "F*ck you!" singhal ni Grey dito. "F*ck you too!" ganting sagot nito. Nagkatinginan ang tatlo nang biglang umalis si Carl, tinawid nito ang kabilang daan at pumunta sa tindahan ng mga kagamitan sa bahay. "Anong gagawin no'n?" takang tanong ni Jigs. "Ewan!" Iiling-iling naman na sagot ni Lawrence. Ilang sandali pa at tumatawid na ito pabalik sa direksyon nila, may dala itong gunting. "Oh, ano naman ang gagawin mo d'yan sa gunting?" tanong ni Grey. "Basta, makisama ka," ang sagot nito sabay upo sa harapan niya, medyo napaatras pa si Grey. "Hey, what are you doing?" takang tanong niya nang umabante ito palapit sa kanya. "Don't you dare move! Sisirain ko ang pantalon mo para mayroon kang idadahilan sa paglapit mo sa papunta mo sa shop niya. Ipatahi mo sa kanya, sabihin mo sumabit ka sa alambre or something, mag imbento ka nalang ng dahilan," suhestiyon nito. "Hoy! Malapit na sa pundya 'yan, makikita na ang brief ko," reklamo niya. "That's the deal, kailangan mong i-seduce siya. Brilliant idea, pare!" tuwang sabi ni Lawrence na tinapik pa sa balikat si Carl. "Wow! Oh, diba ang ganda, ang galing ko talaga, mukhang sumabit talaga sa matulis na bagay," humahanga sa sariling sabi ni Carl. "Tsh! I can't take you any more," dismayadong sabi ni Grey habang pinagmamasdan ang mamahalin niyang pantalon na winarak lang ni Carl. "You have a cellphone with you?" ang tanong ni Jigs kay Grey. "Yes, here... Why?" balik tanong naman ni Grey na kinapa ang kanyang cellphone na nasa likurang bulsa ng suot na pantalon. . "You have to take a video with you together with that girl na nagme-make out," seryosong sabi nito. "What?!" Nanlaki ang mga mata ni Grey sa narinig buhay dito. "Oh, come on, that's ridiculous! Are you f*cking serious? Talagang gusto mo pa akong gumawa ng s*x scandal, ha," asar na sabi niya. "Of course not, we will going to delete it later naman. We just want to make sure na nagawa mo yung dare, paano namin malalaman if you don't have proof?" "Jigs is right, kailangan namin ng pruweba so you need to film it," sang ayon ni Lawrence. "F*ck! Hindi ko na talaga kinakaya ang kalokohan ninyo," ang sabi niya na napapailing na lang. "Wait, guys! Mukhang magsasara na siya." Nakuha ni Carl ang atensiyon ng tatlo at sabay-sabay silang napalingon sa shop ng babaeng mananahi. Tinatanggal na nito ang karatulang 'open' sa pinto. Sabay-sabay na itinulak ng tatlo si Grey, halos mapasubsob na ito sa lakas nang tulak ng mga kaibigan. "It's now your turn, do your move. Good luck!" sigaw ni Jigs. Kakamot-kamot ulong napilitang umabante si Grey. There's no turning back, napasubo na siya. ___ Wala pang balak umuwi si Zaida, hinawi niya ang kurtina ng salaming dingding sa kanyang shop upang hindi siya makita sa loob. Lumabas siya upang tanggalin ang 'open' sign sa harap ng kanyang pinto at baliktarin iyon para naman maging 'close' ang signage. Katulad ng paalam niya sa kanyang mga magulang ay mag o-overtime siya. Kailangan niya pang lagyan ng mga sequence at beads ang gown na kanyang tinahi para matapos na ito dahil kukunin ito ng maaga ng kanyang kustomer. Nakapag commit na siya dito kaya naman hindi pwedeng hindi niya tapusin ngayong gabi. Papasok na sana siya sa loob para ipagpatuloy ang kanyang ginagawa ng sa pagbukas niya ng pinto ay may pumigil sa kanyang mga kamay. Kamay ng lalake ang nakita niyang nakadantay sa kanyang kamay, awtomatikong napatingala siya para lingunin ang tao sa kanyang likuran. "Miss, sarado ka na ba?" ang tanong nito nang magtama ang kanilang mga mata. Natigilan si Zaida nang makita ang mukha ng estrangherong lalake. Makapal ang kilay, bilugan ang mga mata na may mahabang pilik, matangos ang ilong, mapula ang mamasa-masa at mukhang malambot na labi. Halos madikit na ang katawan nito sa kanya at naramdaman niyang may matigas na bumubukol na bagay mula dito ang tumatama sa kanyang likuran. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na init, kanina lang ay parang nilalamig naman siya ngunit nang dumating ang lalaking ito ay para bang biglang nagbago ang klima. Sinubukan niyang umalis sa pagkakadikit nito sa kanya dahil hindi na siya nagiging komportable, bahagya namang umatras ang lalake at binigyan siya ng espasyo. Huminga muna siya ng malalim bago pumihit paharap dito. Bahagya pa siyang natigilan nang masilayan ang kabuan nito, matangkad at morenong lalake na may mamula-mulang kutis ang tumambad sa kanya. Sa kabuuan ay hindi sapat na sabihing gwapo lamang ito dahil napakaperpekto ng mukha at katawan nito. Sa tagal niyang nabubuhay sa mundo ay ngayon lang siya nakakita ng ganito ka-gwapong lalake. "Oh... Oo, magsasarado na ako," medyo utal na sagot niya dito. Napakamot ng kanyang ulo ang lalake. At sa ginawi niyang iyon ay hindi napigilan ni Zaida ang lihim na mapangiti, nasiyahan siya sa cute nitong reaksyon. Batang-bata pa ito at sa tantiya niya ay lagpas lang ng konti sa bente ang edad nito. "I have a problem and I need your help. Nasira ang pantalon ko at kailangan niyang matahi," sabi nito na tumingin pa sa ibabang parte ng kanyang katawan. Artista si Grey at madali na lang para sa kanya ang umarte. Sa sitwasyon ngayon ay parang nagugustuhan na niya ang mga nangyayari lalo pa at nakikita niya ang reaksyon ng babae sa kanyang harapan na para bang na-shock ng husto nang ibaling ang tingin sa kanyang butas na pantalon. Nakaawang ang bibig nito na para bang ngayon lang nakakita ng butas na pantalon. Ngunit, ang totoo ay hindi inaasahan ni Zaida ang tanawing nakikita, malaki ang naging butas ng pantalon nito at halos lumabas na ang itim na brief na suot nito, tanaw niya ang kaumbukan ng estrangherong lalake na sa tingin niya ay siyang tumatama sa likod niya kanina na nagdulot ng hindi maipaliwanag na init sa kanya. "Okay lang ba kung ipatahi ko muna ito sa'yo ngayon? Nakakahiya naman kasing maglakad ako sa bayan ng ganito ang itsura." Napalunok ng kanyang laway si Zaida, yung init na naramdaman niya kanina ay nanumbalik na naman ngayon at lalo pa itong tumindi ng sadyang ipakita sa kanya ng estrangherong lalake ang butas ng kanyang pantalon dahilan para tuluyang lumabas ang brief nito. "Ah, eh... Sige halika, pumasok ka sa loob at tatahiin ko ang pantalon mo," aya niya sa binata. Binuksan niya ang pinto at nauna nang pumasok, sumunod naman si Grey dito ngunit bago siya tuluyang makapasok sa loob ay nilingon muna niya ang mga kaibigan na nasa 'di kalayuan. Nag thumbs up pa ang mga ito sa kanya at napapalakpak ng walang tunog. Napapangiti na napapailing na lang si Grey ng tuluyang makapasok sa loob ng shop. Nakita niyang maayos naman ang kabuuan ng patahian. May dalawang manikin na naka display sa loob isang babae at lalake na nabibihisan ng magandang damit, sa tingin niya ay ang mismong mananahi na ito ang gumawa ng mga iyon. Maliit lang ang shop ngunit malinis, may upuang kawayan na nagsisilbing upuan na kanyang tanggapan para mga customer na gustong magpatahi ng damit. May dalawang makinang panahi at maraming iba't ibang klase ng tela na nakasalansan ng maayos sa estate. May whole size mirror din na nakasabit sa dingding. Sa kabuan ay nagustuhan naman niya ang nakikita ng kanyang mga mata. Ngunit ang kabuang itsura ng mananahi ang nagpadismaya sa kanya. Sa manang nitong kasuotan na pinaglipasan na ng husto ng panahon ay talaga namang nakakabagabag. Hindi niya lubos maisip na may ganito pang babae na hindi marunong pumorma sa panahon ngayon. Sa modernong panahon at makakakita ka ng ganitong tanawin ay talaga namang masakit sa mata. Balot na balot ang katawan nito. Mahihiya sa kanya ang suman. Nilagay niya ang sarili sa sitwasyon na isa siyang artista at ang gagawin niyang pag-akit sa babaeng ito ay parte lang ng kanyang pag-acting. He's not Grey Ilustre for nothing. Tinitingala ng mga kalalakihan at pinagpapantasyahan ng mga kababaihan. Isang malaking prebelihiyo ng makasama siya ng ilang saglit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD