Minabuti niyang huwag muna itong gambalain. Batid niyang galit ito sa kaniya ngayon. Pero babawi siya. Hihingi siya ng tawad kapag lumabas na ito. Ipinangako niya sa sariling hinding-hindi na niya ito sasaktang muli. Oo at galit siya sa ginawa nito sa kambal niya pero nakaraan na iyon. Gusto niyang pagbigyan ang sariling damdamin ngayon. Ayaw niya nang ungkatin ang nakaraan nito at sisihin si Ysabelle sa nangyari. Baka hindi lang talaga sina Ryan at Ysabelle ang magkapalaran. Maaring may nakalaang iba para sa mga ito. And Belle is for him. Asawa na niya ito. She's his now. Tiklop na ang kuwento ng kakambal niya at ng kaniang sawa. Pero animo nag-echo sa pandinig niya ang sinabi no Ysa kanina. Napatiim-bagang siya. Pero noon iyon. Sa tingin ba nito'y hahayaan niyang gawin nito ang tulad