LAGLAG ANG panga ni Ysabelle nang makarating sila sa Villa Royale. It was a splendid and ancient Italian house na puno ng mga elegante at antigong dekorasyon. Hindi gaanong kalakihan ang dalawang palapag na bahay pero masasabing perpekto ang location para sa mga honeymooners. Tatlo ang bedroom at bawat silid ay nakaharap sa dagat at nasa ikalawang palapag. Yari sa makapal na transparent glass ang wall to ceiling na bintana kaya malayang mapapanood ang mga alon sa dagat. It also features a nice private terrace with a view of the sea. Sumagap siya ng sariwang hangin at pumikit. Sa terasa siya naglagi nang malibot ang buong bahay dahil naakit siya sa ganda ng tanawin sa labas. Tanaw na tanaw ang asul na dagat at berdeng paligid. The place was breathtaking. "Nagustuhan mo ba?" tanong ni Ry