BALAK NIYANG huwag na munang pansinin si Ryder. Masama pa rin ang loob niya sa paratang sa kaniya ng lalaki pero mas hindi niya ito kayang harapin dahil sa nangyari sa loob ng kuwarto kanina. Pero hindi siya hinayaan ni Ryder na mapag-isa. Akala niya makakaiwas siya rito pansamantala nang lumabas siya ng Villa at naglakad sa dalampasigan. Ngunit napaigtad na lamang siya nang magsalita ito mula sa likuran niya. Sinusundan pala siya nito sa paglalakad sa buhanginan. "Hindi ka pa ba gutom?" Ewan kung guni-guni lang niya pero nahimigan niyang may pag-aalala sa tinig nito. Ano ngayon dito kung magutom siya? Sa halip na tumugon, lalo niyang binilisan ang paglakad. Ni limingon ay hindi niya ginawa. Bumilis ang t***k ng puso niya nang mapagtantong hindi pa rin ito tumigil sa pagsunod sa kani