GANADO SI RYDER sa trabaho nang araw na iyon. Magaan ang pakiramdam niya. Inspired. At dahil iyon kay Ysabelle. Nang matapos pirmahan ang bunton ng mga papeles sa kaniyang mesa ay binuksan niya ang drawer at kinuha ang brown envelope kung saan nakasilid ang dalawang back and forth ticket pa-Italy. He smiled widely. Kung may makakakita lang sa kaniya sa sandaling iyon ay baka isiping nasisiraan na siya ng bait. Siguro nga, nababaliw na siya. At nag-umpisa iyon noong dumating si Ysabelle sa buhay niya. He's the reason of he's smile. Hindi iyon alam ng asawa pero pakiramdam niya, walang araw na nakakabagot basta kasama si Ysa. Nasa ganoong ayos siya nang biglang magbukas ang pinto at mabilis na pumasok ang nagpupuyos na si Nika, kasunod ng kaniyang sekretarya na putlang-putla. "Sir,