ABALA SI RYDER sa pagpaparikit ng bonfire at si Ysabelle ang naglalatag ng picnic mat sa seaside. Nag-aagaw-dilim na at katatapos nilang maghapunan nang magpasya silang uminom ng red wine sa may dalampasigan. May iilan ng bituing naaaninag sa kalawakan at ang buwan ay nag-uumpisa nang magbigay liwanag sa dumidilim na paligid. Ilang minuto ang itinagal bago natapos ni Ryder ang pagpaparikit. Malayang pinagsawa ni Ysabelle ang kaniyang mga mata sa bawat galaw ng lalaki. Bawat kilos nito ay kalikitaan ng katigasan at kagaspangan, which made him more manly. Lalong sumisikdo ang puso niya sa bawat paggalawan ng muscles nito sa braso habang inaayos ang mga panggatong at ang pag-igting ng panga nito. His firm jaw, his sensual lips, his nose looks perfectly sculpted, his thick eyebrows and hid d