"MAMA,.AYOS LANG si Belle pati ang baby kaya wala kang dapat ipag-alala. Hindi ko sila pababayaan at lalong hindi gugutumin." Nahinto si Ysa sa pagbaba sa hagdan, pinagmasdan ang asawang tutok sa laptop. Kausap nito ang señora sa Skype at hindi siya namalayang nagmamasid dahil suot nito ang headphone. "Tulog pa si Belle. Pagod iyon, 'Ma, kaya mamaya na ninyo kausapin." Muli itong natahimik, tutok sa kausap. "She's eating well, of course, 'Ma. Pinapakain ko siya nang mabuti. Alam ko namang kailangan niyang maging malusog dahil sa baby namin." Sukat sa narinig ay tila hinaplos ng mainit na kamay ang puso niya. Masuyo ang pagkakasabi ni Ryder ng huling dalawang salita, 'baby namin'. "Tatawagan na lang namin kayo ulit mamaya, Mama. Drink your medicines and please, sundin ninyo ang pay