"Rina, walang nangyari. Huwag kang makulit!" napipikang suway niya sa kaibigan na nagpipilit para umamin siya. Ano naman ang aaminin niya rito? Totoo namang walang nangyari sa kanila ni Ryder. Walang nangyaring honeymoon dahil na-postpone ito sa susunod na buwan. Marami raw itong aasikasuhin sa opisina dahil sa pagbubukas ng ilang branches sa iba't ibang lalawigan ng bansa. At sa susunod na buwan ay mag-eexport na ng mga Hermanos and Lacostee products sa France at ilan pang mga bansa. Pero kahit nilipat pa ang petsa ng kanilang honeymoon sa Italy ay hinding-hindi magkakatotoo ang maruming iniisip ni Rina. Alam nilang pareho ni Ryder ang limitasyon ng kanilang pagpapanggap bilang mag-asawa. No. Siya lang pala. Sabi nga nito sa kaniya noon, may pangangailangan din ito bilang lalaki at asaw