CHAPTER SIX

2021 Words

DUMATING ang araw na pinakahihintay para sa modeling event ng Hermanos Clothing Line. Marami nang tao sa loob ng magara at malawak na bulwagan. Dumating na rin ang mga kilalang business men sa bansa at maging mga mayayaman at kilalang negosyante sa buong mundo sa larangan ng fashion. Abala na ang mga makeup artist sa pag-aayos sa mga modelo. Ilang sandali pa ay natapos na rin ang isang baklang make-up artist. "Perfect!" Bulalas ng trainor na si Jela. Humanga ito sa tila Diyosang kagandahan ni Ysa. Alam nitong maganda siya pero mas lalo pang gumanda nang maayusan nang husto gamit ang newly invented makeups ng Lacostee Cosmetic Company na joint company ng Hermanos. Napasinghap si Ysa nang masilayan ang kanyang repleksyon sa salamin. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang aura ngayon. "Woa!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD