"Ugh!"
"Sh*t!"
"Faster!"
"Aaah!"
Iyan ang sigaw ng mga kababaihang pinanonood ang karera ng isang lalaking kinahuhumalingan nila.
Kinabig niya ang manibela pakanan upang makasingit sa mahigpit niyang kalaban. Tinitigan niya iyon nang matalas at sumaludo siya na may halong pang-aasar. Tuluyan na niyang nilagpasan ang lalaking kinapopootan niya.
Ang nasabing katunggali ay ang nang-agaw sa dati niyang kasintahan.
Naalala niya ang mga panahon na kasama pa niya sa karera ang babaeng minahal at sineryoso na niya. Sa bawat pagbilis ng kanyang kotse ay mas nananaig ang galit niya dahil lahat ng babaeng inibig ay iniiwan lamang siya.
Nais man niyang lumagay na sa tahimik ay sadyang minamalas siya sa love life niya. Nahuli pa niya ang pinakahuli sa mga ex-girlfriend na nakikipaglaplapan sa malupit na kakumpitensya sa racing ngayon. Tandang-tanda niya nang matagpuan ang dalawa na sa garahe pa niya mismo naglalampungan.
Simula noon ay ayaw na muna niyang maghanap ng nobya dahil sawang-sawa na siya sa sakit ng ulo.
Nang malampasan niya ang finish line ay halos himatayin na ang fans niya dahil sa excitement.
Mula sa magarang sportscar ay lumabas si Uno. Sa kanyang tikas at tindig ay hindi mapagkakaila na isa siyang anak-mayaman at habulin ng mga babae. Isang tingin lamang mula sa kanyang mapupungay na mata ay siguradong malalaglag ang panty ng pinagtuunan niya ng atensyon.
Kinukunsidera man na isang bad boy at suplado ng media, marami pa rin siyang tagahanga. Kakaiba talaga ang dating niya, isang karisma na karaniwan na sa mga kalalakihang Semira. Halos lahat silang magkakamag-anak ay biniyayaan ng ganda ng itsurang pwedeng ipantapat sa mga leading men ng mga telenobela o koreanobela pa man.
Ganoon pa man ay dala nila ang sumpa ni Kungfu kaya karamihan din ng lalaki sa kanila ay iniiwan ng babaeng mahal, pinagpapalit sila sa iba o kaya naman ay nauunahang mamatayan ng asawa. Isang baldeng luha at pasakit ang naranasan ng mga Semira pero lahat sila, maging sa kanunu-nuan nila ay umasang malalabanan pa rin ang sumpa subalit tila ba lahat sila ay nabigo.
Sinalubong si Uno ng mga reporter at fans upang siya ay batiin sa tagumpay na natamo. May isang baguhang mamahayag na biglaang bumulaga sa kanyang daraanan. Nabitawan pa niya ang hawak na helmet dahil sa sobrang pagkagulat nang tumalon ito sa harapan niya.
"Ay, kabayo!" impit na napabulalas niya nang nakita ang babae na nakasuot pa ng sumbrerong hugis-kabayo, ang simbolo ng isang sikat na beer na Pulang Kabayo*.
(Hindi po related sa Red Horse)
Nayamot pa siya dahil halos matamaan na nito ng mikropono ang kanyang handsome face. Mabilis na siyang umilag sa mga agresibong reporter katulad nito dahil minsan ay aksidente pa niyang naisubo ang malamig na mic nang dagsain siya ng paparazzi. Lasap na lasap niya ang mangakalawang na lasa nito, kasama ang mga germs at samu't sari na laway na naroon din kaya nangako siya sa sarili na hindi na mauulit pa ang masaklap na pangyayari.
"Congratulations! Do you have anything to say to your fangirls out there?"
"A...hi? Hello?" matipid na tugon niya rito. Kahit matagal na siyang nangangarera ay hindi pa rin siya sanay sa mga ambush interview kaya feeling awkward pa rin siya.
"Is that all?" pangungulit nito. "Won't you express your love for them?"
"Miss..." pagtawag niya na sa atensyon nito. Marahan niyang hinawakan ang braso ng babae upang magtungo sa tagong parte ng kotse.
"Y-Yes, Uno..." tugon ng reporter habang kumurap-kurap na nagpapa-cute. Pinipilit man niyang maging professional reporter ay akit na akit talaga siya sa katabi. Maging ang samyo nito na amoy imported na sabon ay tuwang-tuwa siyang malanghap. Na-starstruck siya dahil mas pogi pala sa personal ang atleta na sa telebisyon at internet lang niya nakikita.
"OMG, makahulog-panty talaga!" hiyaw ng kanyang isipan na nagde-daydream na ka-date raw niya ang binata at naghahabulan sila sa dalampasigan na mala-Adan at Eba ang costume.
"Ang panty mo, hanggang tuhod na..." mahinang binulong ni Uno sa kanya kaya bigla siyang nagising sa katotohanan. Hinubad niya ang suot na jacket at pasimple niyang tinakpan ang babae upang hindi na mapahiya sa publiko.
"Ay! Naku, maluwag na kasi kaya naka-safety pin lang ang garter!" Hiyang-hiyang na tinaas niya muli iyon sa kanyang baywang. Napailing na lang si Uno at umalis na dahil ayaw na niya ang atensyon. Tinawag pa siya ng ibang mga reporter ngunit hindi na niya sila pinansin.
Nais lamang niyang magpahinga.
Ilang araw na rin siyang pagod sa pag-eensayo at kaka-attend ng fan meetings.
Pagtungo niya sa kanyang silid ay masaya siyang binati ng kanyang mga pinsang lalaki na abalang kumakain ng chicken joy mula sa Jollibee.
"Congrats, 'Tol!" masayang pagbati ni Wiz. "High Five!"
Ang nasabing binata ang pinakahalatang may lahing intsik. Singkit ang mga mata niya at maputi ang mala-porselanang kutis. Katulad ng iba niyang mga pinsan, siya rin ay matangkad at matikas ang dating. Sabay silang lumaki ni Uno pero mas naging masayahin at madaldal siya dahil na rin sa dami ng mga kapatid at mga alagang aso, pusa at mga bibe. Subalit sa likod ng kanyang mga ngiti ay may mapait siyang nakaraan.
Namatay ang kanyang asawa sa gabi ng kanilang kasal. Bali-balita at tsismis ng mga kapitbahay na bago pa man siya maka-score sa bagong misis ay nagka-heart attack na ang babae. Hindi raw nito kinaya ang pangitain ng abs at v-line kaya bumigay ang kanyang puso. Dahil raw sa pangyayaring iyon, madalas ay balot na balot si Wiz at kahit mataas ang araw ay naka-jacket pa. Kahit nga raw nagsu-swimming siya ay hindi nila mahuling naghuhubad ng pang-itaas. Gamit ang mga binoculars, nakikiusyoso sila kung totoo bang malupit ang katawang mala-Adonis nito pero hindi sila tagumpay na masilipan ito.
Totoo naman na sadyang makamandag ang katawang-lupa niya.
Pero secret daw muna kung ano ang asset niya kaya hindi na-handle ng misis ang hotness niya!
"High Five mo mukha mo!" inis na sinagot ni Uno. "Hindi niyo man lang ako sinuportahan. Lumalamon lang kayo ng manok! Nom-nom-nom-nom! Sarap ano?"
"Di naman sa ganoon. Lalabas na sana kami, kaso nagdeliver ang sponsor mo na bubuyog kaya ayan, kinain na namin habang malutong at mainit pa." pagdadahilan ng pinsan. "Pero pinanood namin ang karera mo naman, huwag ka nang magtampo. Alam mo naman na todo ang suporta namin para sa iyo!"
Padabog na nilagay ni Uno sa mesa ang hinubad na leather gloves. Inagaw niya mula kay Mike ang isusubo sana nito na chicken leg. Napasimangot na lamang ang nakababatang pinsan habang pinagmamasdan na kinakain ang paboritong parte sana niya ng manok.
"Ang sungit mo," paratang ni Wiz sa kanya. "Siguro ay dahil tumatandang binata ka na."
"Ulol! Halos magkasing-edad lang tayo, pagkatapos sasabihin mo na tumatandang binata na ako!"
"Hindi naman ako bitter katulad mo. Basta ako, feeling young palagi! Hahahaha!"
"Ewan ko sa iyo!"
"Tama na. Huwag na kayong mag-away na mga lolo," pagsingit na ni Mike habang sinisipsip ang buto ng chicken wing. Siya ang pinakabata sa apat na magpipinsan at nasa Junior High pa. Isa siyang campus crush na "beauty and brains" daw. Boyish ang kanyang itsura at maihahalintulad siya kay Kim Taehyung ng bandang BTS. Siya raw ang moreno version ng nasabing mang-aawit. Gayunpaman ay malas rin siya sa pag-ibig. Pinagpalit siya ng nobya sa anak ng may-ari ng eskwelahan na pinapasukan niya. Dahil doon ay natakot na siyang manligaw muli.
"Tutuloy ba tayo sa lakad natin bukas?"
Natigilan ang dalawang lolo, este, mga fafable na mga kuya, nang ipaalala ni Mike ang plano.
"Oo nga pala." Nagtungo si Wiz sa may locker at nilabas ang isang mapa. Nilatag niya iyon sa may sahig upang mapagmasdan ng mga pinsan.
"Nakikita niyo 'yun bundok na 'yan?" Tinuro niya ang nasabing lugar sa papel na medyo nangungupas na. "Diyan raw naninirahan ang duwende. Pwede natin siyang kausapin upang matanggal na ang sumpa mula sa lolo natin na si Kungfu."
"Paano ka nakakasiguro? Mukhang sinauna pa 'yang mapa at baka nag-iba na ang mga lugar," may pagdududa na sinambit ni Uno. "Baka scam lang 'yan! Paasa!"
"Sigurado ako. May mga kakilala ako na taga-KKK na nagpatunay na hindi masyadong nagbago ang probinsya na yan at authentic ang mapa. Sinabi rin ng mga lalaking may mga bayong sa ulo na may mga saksi na nananatili pa ang dwende riyan!"
Nagningning ang mga mata ni Uno at Mike sa pagpapatunay niya. Nakaramdam sila ng super excitement dahil sa pamamag-asang matatanggal na nila ang sumpa.
Sa kasabikan nila ay umumbok ang harapan ni Mike at napunit pa ang zipper ng pantalon niya.
"Brad, pigilan mo ang feelings mo. Nakakahiyang makita 'yan in public," may pagkabahalang pinaalala ni Uno. "Kain ka kasi nang kain ng manok, ayan, handa ka laging makipag-sabong."
"Hindi naman, Kuya," pagde-deny niya habang namumula ang mga pisngi. Dahil sa kahihiyan ay nagtungo siya sa isang sulok habang unti-unting kinakalma ang alaga na medyo bumabakat na sa underwear. Pinilit man niyang itaas ulit ang zipper ay nawarak na talaga iyon. Napabuntong-hininga na lang siya nang mapagtantong ika-pitong pantalon na niya ang nasisira nang hindi sinasadya. Dinodoble na mga niya ang suot na panloob pero sadyang matigas ang ulo ng kanyang alaga at gustong kumawala.
Isa sa mga kahinaan ng mga Semira ang mabilis nilang pagka-excite kahit na natutuwa lamang sila, kaya palagi silang nakasuot ng mahabang t-shirt o kahit pormal man na pang-itaas. Sa sukat nila na seven to nine inches ay siguradong mahahalata iyon kung hindi sila magaling magtago.
Namana nila ang amazing size mula pa kay Lolo Kungfu nila na napabalitang mahilig kumain ng pinya, tahong at oyster kaya pati mga anak niyang lalaki ay mga biniyayaan din. Kaya iwas na iwas na silang magpipinsang kumain ng nasabing mga pagkain ay nababahala silang baka mamaga at humaba pa ang mga birdies nila at hindi na magkasya ang mga brief.
Kung naitatanong niyo kung sino man ang may nine inches ay si Author na lamang ang nakakaalam noon.
Sikreto itong malupit!
"OK ka lang ba?" pangungumusta ni Wiz. "Kalma lang, my friend. Walang madugong labanan!"
"Natuwa lang ako masyado, Kuya," pagdadahilan ni Mike na tinapalan na ng ice pack ang harapan upang magmenor. "Pero naisip ko lang, paano tayo pupunta riyan e wala tayong kaalam-alam sa Tsina at sa mga kabundukan diyan?"
Bigla-bigla ay sumagi sa kanilang isipan ang mailap nilang pinsan.
"Si Francis!" sabay-sabay silang napabulalas. "Kabisado niya ang buong bansa!"
"Korek! Dahil sa kanya, maso-solve na ang problema natin!"
"Hindi na tayo magiging mga sawi sa love life!" pamamag-asa nila.
At sabay-sabay na umumbok ang harapan ng kanilang mga pantalon dahil sa sobrang excitement!