Episode 7: Peace Offering Twenty Sacks Of Rice and Groeries

1113 Words

Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumasok sa kuwarto ng aking mga magulang para kamustahin ang aking butihing ama na may sakit. "Kumusta, Pa?" tanong ko sa aking ama na hindi nakakapagsalita. At sabay halik ko sa kaniyang pisngi. Uupo na sana ako sa tabi niya nang biglang sumigaw ang aking ina. "Hana… Hana!" sigaw ng aking ina na parang natataranta. "Dali-dali naman akong lumabas sa pag-akalang may nangyari na hindi kanais-nais sa labas. "Bakit, Ma? Na paano ka?" pag-alala kong tanong ko. "May naghahanap sa iyo sa labas! May pinapa-deliver raw na mga bulaklak!" pahayag ni Mama na halatang kinikilig. "Huh! Bulaklak na naman?!" Lumaki ang aking mga mata sa pagka gulat. Lumapit ako sa pinto at tiningnan ko ang mga nag-deliver kung sila pa rin ba ang mga tao na naghatid sa boutique.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD