SUMAPIT ang gabi, nagulat at natataranta dahil maraming nagsisigawan at nagtitilian sa labas ng bahay namin. Ang akala ko ay may sunog o 'di kaya ay may gulo at dali-dali akong bumangon. "Ate… Ate Havanna..." sigaw ng aking kapatid na parang sinapian ng masamang espiritu. Sapagkat nagtatalon ito at parang nagkumbulsyon sa sobrang kilig niya. "Hoy! Moneta, anong nangyayari sa iyo?" pag-alala kong tanong. "Eh! Ate kasi..." sabi niya na hindi pa rin humupa ang kumbulsyon sa katawan. "Ano— Monet?!" bulyaw ko rito. "Hanaaa..." sambit ni Mama at patakbong itong lumapit sa akin na abot hanggang tainga ang ngisi. At tulad ng aking kapatid ay para siyang may kumbulsyon. "Hala! Anong nangyari sa earth? Mama, pati rin ikaw sinapian?" tanong ko sa kanya, dahil para itong teenager na kinikili