Chapter Five

1866 Words
"Ano'ng ginagawa mo, Xceron?!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumabas mula sa pinagtataguan ko. Agad akong lumapit kay Xceron at napatingin sa trash bin na ngayon ay nasusunog ang loob. Nanginginig ang mga kamay na napatakip ako sa bibig ko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. "Denise..." nasabi na lang ni Xceron habang nakatingin sa akin, ni hindi man lang siya mukhang kinabahan na nahuli ko siya sa ginagawa. "Ano'ng ginagawa mo, Xceron?! Bakit mo sinunog ang pills ko?!" Halos maputol ang litid ko sa pagtaas ng boses ko. Hindi ko na nakontrol ang sarili ko at itinulak siya. Hindi naman siya natinag doon. "Relax, Denise. I mean no harm... I just want to know why you don't want to have a child with me because I don't get it. We're both okay. Kaya naman nating buhayin ang magiging anak natin. Bakit ayaw mo?" nakakunot-noong tanong n'ya. "Sinabi ko na sa'yo ang dahilan, Xceron! Hindi pa ako handa!" Halos magtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding galit na nararamdaman ko ngayon. "Hindi ka pa handa o baka naman ayaw mo lang talaga? Why are you still hesitating? Are you planning to choose your modelling over me? Over building a family with me?" Umigting ang panga n'ya. "Akala ko naiintindihan mo 'ko! Hindi ikaw ang Xceron na kilala ko, 'yung Xceron na kilala ko, maiintindihan ako at igagalang ang desisyon ko!" Napatingin ako sa trash bin. Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mga mata ko... Naiiyak ako sa galit at pagkadismaya kay Xceron... Hindi ko inakala na gagawin n'ya sa akin ang ganitong bagay. "Denise..." Nagbago ang boses ni Xceron nang makitang naluluha na ako. Nanginginig ang mga kamay na pinahid ko ang mga luha ko at tumingin kay Xceron. "A-ano ba'ng nangyayari sa'yo, Xceron? Bakit ka ba nagkakaganito? Ano ba'ng problema? G-gusto kitang maintindihan pero hindi mo sinasabi sa akin kung ano'ng problema mo..." Nanginginig na ang boses ko dahil sa halo halong emosyon sa dibdib ko. Hindi agad nakasagot si Xceron. Napaiwas siya ng tingin sa akin at napakuyom ang kamao. "I just want to build a family with you. I just want you to be with me forever... Masama ba 'yon, Denise... Mahal kita, sobrang mahal kita. Ayoko lang na iwan mo 'ko," anas n'ya saka napatingin sa akin. "Hindi ganitong pagmamahal ang gusto ko. H-hindi ka ganito magmahal, eh. H-hindi mo gugustuhin na masaktan ako... May tiwala ka dapat sa pagmamahal ko sa'yo. Alam mo dapat na wala akong balak iwan ka." "Ngayon mo lang nasasabi 'yan. Paano kung magbago ang isip mo dahil sumulpot ang ex mo? You loved him truly before, right? Sinabi mo pa noon na kung hindi lang siya umalis, malamang nagpakasal na kayo... Bakit sa akin nagda-dalawang isip ka pa? Did you love him more? Mas minahal mo ba siya noon kaysa sa pagmamahal mo sa akin ngayon?" Napakunot ang noo n'ya. "I saw how you smiled when you were with him. You were having fun that you almost forgot that you have a boyfriend--" Bago pa siya matapos ay nasampal ko na siya nang malakas sa pisngi. Natigilan siya, maski ako ay hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Ngayon ko lang nagawang sampalin siya. Ni minsan hindi kami dumating sa ganitong punto na nagkakasakitan... Hindi ko alam kung bakit nangyayari 'to sa amin ngayon... Hindi ko maintindihan. Ayos pa naman kami... bakit siya nagkakaganito? "X-Xceron, aminin mo sa'kin... gumagamit ka na naman ba ng droga?" hindi ko napigilang itanong. Hindi kaagad nakasagot si Xceron sa tanong ko. Nanatili siyang nakatingin sa ibang direksyon habang nakakuyom ang kamao. Namula rin agad ang pisngi n'yang sinampal ko. Tinibayan ko na lang ang loob ko at hindi nagpadala sa konsensyang nararamdaman ko. Isa 'tong bagay na hindi ko dapat palagpasin. Tumingin sa akin si Xceron. "You're avoiding the topic, Denise... We're talking about you're f*****g ex." "Sagutin mo ang tanong ko! Kaya ka ba nagkakagan'yan? Kaya ba napa-praning ka dahil sa mababaw na dahilan?! Aminin mo sa akin, Xceron!" Hindi ko napigilang hiklatin ang damit n'ya. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa matinding emosyon... Ang bigat sa dibdib. Inalis ni Xceron ang pagkakahawak ko sa kan'ya saka malamig na tumitig sa akin. Hindi nito sinagot ang tanong ko saka basta na lang akong tinalikuran at lumabas ng bahay. Nanghihinang napaupo ako sa sahig at napahilamos sa mukha ko. Bakit kami nagkakaganito? HINDI AKO NAKATULOG nang ayos. Hindi umuwi si Xceron matapos ng huli naming pag-uusap. Sinubukan ko siyang i-text pero pinigil ko ang sarili ko. Gusto kong panindigan ang galit na nararamdaman ko sa kan'ya. "Sir Xanthos, pasensya na po pero hindi muna po ako makakapasok ulit," sabi ko habang kausap siya sa phone. Hindi muna ako pwedeng pumasok. May kailangan pa muna akong alamin. "Sure. Don't worry, there's someone who's working on your behalf. Don't think about work for a while and take a rest," sabi na lang nito. Kahit talaga suplado si Sir Xanthos, hindi maikakaila na mabait ito sa mga empleyado n'ya. Pagkatapos kong magpaalam kay Sir Xanthos, agad kong hinalughog ang buong bahay ni Xceron para maghanap ng ebidensya. Ayokong isipin na gumagamit na naman siya ng droga... pero iyon lang ang nakikita kong dahilan kaya siya nagkakaganito ngayon. Nagtungo na lang ako sa sala matapos kong haluhugin ang malaking bahay ni Xceron. Kinuha ko ang cellphone ko. Napapitlag na lang ako dahil sakto na tumatawag sa akin si Cadence. Napabuga ako ng hangin bago sinagot ang tawag n'ya. "H-hello..." "Denise... Ginagawa na naman n'ya ulit... diba?" Hindi ako nakasagot sa tanong ni Cad. Napahawak lang ako nang mahigpit sa cellphone ko saka napalunok. "C-Cad..." "Gumagamit na naman siya, Denise... Hindi 'to palalagpasin ng feroci kapag nalaman nila. Kaya bago ko sabihin sa kanila, sa'yo muna ako tumawag... Ano ang gusto mong gawin, Denise?" Hindi agad ako nakasagot. Nanginginig ang mga kamay ko... Tama nga ang hinala ko, kaya nagkakagano'n na naman si Xceron. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko kasabay ng pamumuo ng mga luha mula sa mga mata ko. Alam ko ang mangyayari kapag nalaman ng feroci ang tungkol doon... Paparusahan nila si Xceron, masasaktan si Xceron... Hindi ko na kayang makita ulit ang naging kalagayan n'ya noon. Hindi ko alam ang gagawin ko... Ang hirap magdesisyon. "C-Cad... pwede bang h'wag mong sabihin sa kanila?" Sa huli, nanalo ang pagmamahal ko kay Xceron. Narinig kong nagbuntonghininga si Xceron sa kabilang linya. "So... you want me to keep it a secret?" "O-oo sana, Cad. B-baka may magawa pa ako. Bigyan mo muna ako ng oras," bulong ko. "You're not a rehabilitation center, Denise. You'll just ruin yourself in the process." Napatango ako, naluluha. "A-alam ko... pero bigyan mo muna sana ako ng oras, Cad. Baka maayos ko pa 'to... Pakiusap." "Okay... But you have to know that I'm not a patient man, Denise. Concerned lang din ako sa'yo... Ayoko na gumawa ka ng bagay na makakasira sa'yo," sabi na lang n'ya. Tila naubusan ako ng lakas pagkatapos ng pag-uusap namin. Napabuntonghininga na lang ako at napahilamos sa mukha ko... Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatitig sa sahig. Sa totoo lang natatakot din ako, pero mas natatakot ako na makitang masaktan si Xceron. Ayokong pagdaanan n'ya ulit 'yon sa kamay ng feroci... Baka may magawa pa ako. Napabuga na lang ako ng hangin at humiga sa couch... Hindi ko namalayan na nakatulog ako dahil sa matinding pag-iisip. Nagising lang ako nang maramdaman kong may marahang humahaplos sa buhok ko. Agad kong idinilat ang mga mata ko at napabangon. Napalunok na lang ako nang makitang nasa harapan ko na si Xceron, nakaupo siya sa katapat na mini table... Napaiwas na lang ako ng tingin sa kan'ya at inayos ang buhok ko. "Saan ka galing?" bulong ko, hindi nakatingin sa kan'ya. "Nagpalamig lang ako... Galit ka pa ba sa'kin? I bought new birth control pills for you... I'm sorry," bulong n'ya saka inabot sa akin ang lagayan ng pills. Kinuha ko 'yon at tiningnang maigi. Katulad din iyon ng iniinom ko... pero hindi ko alam kung may sapat ba akong tiwala sa kan'ya para gamitin ang pills na 'to. Napalunok na lang ako at muling tumingin kay Xceron. Malamlam ang mga mata n'ya... mukhang ilang araw na siyang hindi natutulog. Napakagat ako sa ibabang labi ko at hinawakan ang magkabilang pisngi n'ya. Napapikit ako at dinikit ang noo ko sa noo n'ya. Hindi naman siya pumalag o nagsalita, nanatili siyang tahimik. Mapait na napangiti na lang ako at marahang hinaplos ang pisngi n'ya. "M-Mahal kita, Xceron. Mahal na mahal kita," anas ko. "Mahal din kita... sobra." Natahimik na kaming pareho. Inilayo ko na ang mukha ko sa kan'ya saka napatitig sa pagod n'yang mga mata. Mukha siyang hindi natulog... umiyak, pagod, nahihirapan. Napakagat ako sa ibabang labi ko at dinampian ng halik ang labi n'ya saka hinila siya para yakapin. "Xceron... pwede bang hayaan mo 'kong tulungan ka? H'wag mo namang ipagdamot ang sarili mo sa'kin. B-bigyan mo naman sana ako ng pagkakataon na tulungan ka, please, Xceron..." pakiusap ko habang nakayakap nang mahigpit sa kan'ya. Marahang gumanti ng yakap sa akin si Xceron. Naramdaman kong umiling siya saka isinubsob ang mukha sa kurba ng leeg ko... "Kapag nalaman mo... iiwan mo 'ko. H-hindi mo na 'ko mamahalin... Okay na tayo, Denise. Mahal natin ang isa't isa, iyon ang mahalaga." "Hindi tayo okay kung nagkakaganito ka. Hindi ako okay sa ganito, Xceron... H'wag ka namang gumawa ng dahilan..." Naputol ang sasabihin ko, hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kan'ya 'yon. H'wag ka sanang gumawa ng dahilan para bumitiw ako. Natigilan ako nang humigpit ang yakap ni Xceron sa akin. "A-ano'ng sasabihin mo, Denise? Ituloy mo," bulong n'ya, nararamdaman kong umiigting ang panga n'ya ngayon. "Xceron... a-ang higpit ng yakap mo," daing ko saka sinubukan siyang itulak. Nakahinga ako nang maluwag nang bahagyang lumuwag ang pagkakayakap n'ya sa akin. Kumalas siya saka tumingin sa mukha ko... tila natigilan din siya nang mapagtanto ang ginawa n'ya. "I-I'm sorry." Napaiwas na lang ako ng tingin at inayos ang damit ko. "U-Uuwi na muna ako. Walang mangyayari sa pag-uusap nating ganito kung ayaw mong sabihin sa akin ang problema... Kausapin mo na lang ulit ako kapag handa ka ng sabihin sa akin ang tinatago mo." Agad akong tumayo at nagtungo sa pinto, hindi ako pinigilan ni Xceron na nakakapagtaka. Natigilan lang ako nang pihitin ko ang doorknob pero ayaw magbukas no'n. Napakunot ang noo ko at muling pinilit na buksan yon pero ayaw talaga. Agad akong napatingin kay Xceron, tila hindi makapaniwala. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin... walang emosyon sa mga mata n'ya. "X-Xceron, buksan mo 'tong pinto. Aalis na 'ko!" sabi ko na lang habang pilit na binubuksan ang pinto. "No, you're not gonna leave... Hindi ka aalis hangga't hindi tayo maayos," sabi ni Xceron saka tumayo at lumapit sa akin. Napaatras ako at napasandal sa pinto nang nasa tapat ko na siya. Napatingin ako sa mga mata n'ya... Noon, sa tuwing napapatingin ako sa mga mata n'yang 'yan, tila kumakalma ako at nawawala ang pagod ko... pero iba na ang nararamdaman ko ngayon. Sa unang pagkakataon sa buhay ko... Nakaramdam ako ng takot kay Xceron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD