"X-Xceron!"
Napatayo ako sa gulat dahil sa ginawa ni Xceron. Kahit si Michael ay halatang natigilan din, halos natulala na lang ito sa phone n'ya na sinira ni Xceron. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan na gagawin n'ya ang ganoong bagay!
"How dare you flirt with my girl... you f*****g asshole?" malamig na tanong ni Xceron saka agad na kinwelyuhan si Michael.
"X-Xceron, tama na! W-wala siyang ginagawang masama. Ano ba'ng problema mo?!" asik ko saka buong lakas na itinulak siya palayo kay Michael.
Napakunot ang noo n'ya, tila hindi n'ya nagustuhan ang pagtatanggol ko kay Michael. "Hindi ko inaasahan na ito ang maabutan ko, Denise," sabi ni Xceron, umigting ang panga n'ya sa galit.
"Wala nga kaming ginagawang masama! Wala ka bang tiwala sa 'kin? Nagkataon lang na nagkita kami rito." Napakuyom ang kamao ko, pilit akong hindi nagtataas ng boses dahil may mga tao sa paligid.
Napatayo si Michael saka napakamot sa kilay n'ya... Hindi naman siya mukhang nagalit, palagi naman talaga siyang kalmado kahit noon pa kaya ngumiti na lang siya sa akin saka kinuha ang cellphone n'ya na nasira mula sa baso at pinunasan 'yon. "It's okay, Denise. I'm not sure if this can be fixed though... It's alright." Tumingin naman siya kay Xceron. "Calm down, bro."
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. "S-sorry, Michael. M-medyo seloso lang talaga si Xceron. I'm really sorry," hinging paumanhin ko.
Tumango si Michael. "It's fine. Pag-usapan n'yo munang dalawa ang problema n'yo. Aalis na ako," sabi na lang n'ya at tinapik ang balikat ko bago umalis.
Inis na tumingin ako kay Xceron. Tiningnan ko siya nang masama saka hinawakan ang kamay n'ya at naiinis na hinila siya palabas ng coffee shop. Nanginginig ang kamay ko sa galit. Mas nakakagalit lalo dahil hindi siya mukhang nakonsensya man lang sa ginawa n'ya kay Michael.
"Ano ba'ng problema mo, Xceron?!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses nang nasa kotse na n'ya kami.
Hindi nagsalita si Xceron at nag-drive na lang. Mas lalong nag-init ang ulo ko sa ginawa n'ya. Halatang wala siyang pakialam sa sinasabi ko o sa galit na nararamdaman ko ngayon.
"Ngayon ka na nga lang nagpakita, gagawa ka pa ng gano'ng bagay! Hindi ka na nahiya roon sa tao, ni hindi ka man lang nag-sorry! Wala na sa lugar ang pagseselos mo, Xceron!"
Hindi pa rin siya nagsalita. Napakuyom ang kamao ko. Halos magkiskisan na ang mga ngipin ko dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Kumikitib na rin ang ulo ko sa sobrang galit sa kan'ya. Ngayon na lang yata ako nagalit ng ganito kay Xceron, hinding hindi ko mapapalagpas 'to.
"Itigil mo ang sasakyan at ibaba mo ako sa gilid! Kung wala kang balak makinig sa akin, wala na tayong dapat pag-usapan!" galit na asik ko.
Hindi nakinig si Xceron sa sinabi ko. Naiinis na napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napatingin sa bintana, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Hindi na lang din ako nagsalita dahil mukhang magsasayang lang ako ng energy sa kan'ya.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa bahay ni Xceron. Imbis na dalhin n'ya ako sa unit ko, sa bahay n'ya kami dumiretso. Hindi na lang ako nagsalita nang makapasok na kami sa loob. Agad na bumaba ng kotse si Xceron at pinagbuksan ako. Padabog na bumaba ako ng kotse n'ya at naunang pumasok sa loob ng bahay n'ya.
Naramdaman kong sumunod siya sa akin pero hindi ako nagsalita... Sa totoo lang ay miss na miss ko na siya pero hindi maganda ang ginawa n'ya kanina. Hindi ko na alam kung may mukha pa akong ihaharap kay Michael pagkatapos ng nangyari.
Natigilan lang ako nang maramdamang yumakap siya mula sa likuran ko saka isinubsob ang mukha sa kurba ng leeg ko. Napapikit ako nang mariin at napabuga ng hangin.
"Denise... I'm sorry," anas n'ya.
"Hindi ka dapat sa akin mag-sorry kundi kay Michael," malamig na sabi ko.
"It's just... my mind went blank when I saw you with him. Natatakot ako na baka ipagpalit mo ako sa kan'ya dahil siya ang nasa tabi mo. Natatakot ako na baka magsawa ka sa akin dahil matagal akong nawala," bulong n'ya saka mas niyakap ako nang mahigpit.
"Xceron..." Inalis ko ang pagkakayakap n'ya sa akin saka hinarap siya. Seryosong tiningnan ko siya sa mga mata... Nanlambot ang kaninang matigas n'yang ekspresyon. "Gano'n ba talaga ang tingin mo sa 'kin? Na basta na lang ako magsasawa at lalandi sa iba? Gano'n bang kababa ang tingin mo sa 'kin? Gano'n bang kababaw ang tingin mo sa pagmamahal ko sa'yo, ha Xceron?"
Natahimik si Xceron. Humawak siya sa kamay ko saka napaiwas na lang ng tingin sa akin. "I-it's not like that, Denise... I trust you."
"Iyon naman pala, e. Bakit ginawa mo 'yon kay Michael kanina? Nakakahiya roon sa tao!" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses.
"I know he's your ex-boyfriend... that's why I acted like that. I'm sorry... I-I will apologize to him too, so please, forgive me now, hmm? I missed you so much."
Napatingin ako sa mga mata n'ya. Mukha namang sincere siya sa paghingi ng tawad... Napabuntonghininga ako. "Alam kong nadala ka lang ng galit at selos mo, Xceron, pero hindi ibig sabihin no'n na okay lang ang ginawa mo. Dapat lang na humingi ka ng tawad sa ginawa mo kay Michael."
Tumango na lang si Xceron saka yumakap sa akin. Napabuntonghininga na lang ako dahil lumambot din naman ako sa kan'ya at yumakap pabalik. Mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni Xceron. "Hindi na ako aalis ulit, Denise... I will always stay with you from now on. I love you so much."
Bahagyang napangiti na lang ako dahil nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi n'ya. Sana ay totoo na 'yon. Sana hindi na siya umalis ulit at mawala nang matagal. Hindi ako napapakali kapag wala siya... palagi akong nag-aalala.
"I love you too," bulong ko na lang saka marahang hinaplos ang likod n'ya. "Mag-sorry ka kay Michael at palitan mo ang nasirang phone n'ya, hmm?"
Tumango si Xceron saka isinubsob ang mukha sa leeg ko. Matagal din kami sa ganoong posisyon bago marahang kumalas si Xceron sa pagkakayakap sa akin saka tumitig sa mukha ko. Titig na titig siya sa akin na para bang mawawala ako sa paningin n'ya.
Napapikit na lang ako nang siilin n'ya ng halik ang labi ko. Yumakap ako sa batok n'ya at tinugon ang halik n'ya. Humawak si Xceron sa baywang ko at marahan akong binuhat habang patuloy ang mainit na halikan namin. Agad ko namang iniyakap ang mga hita ko sa baywang n'ya.
Kahit na nainis ako sa kan'ya, hindi ko maikakaila na talagang na-miss ko siya. Siguro mamaya na lang ulit ako maiinis sa kan'ya... mas mahalaga 'to.
Hindi ko na namalayan na nasa kwarto na kami. Marahan n'ya akong inihiga sa kama habang patuloy ang halikan namin... para bang halik pa lang, malalaman na kung gaano namin na-miss ang isa't isa.
"I love you so much, Denise..." anas ni Xceron habang hinuhubad ang mga damit ko.
"I love you too... please, h'wag ka ng umalis ulit. Please, Xceron..." anas ko nang bumaba sa leeg ko ang halik n'ya nang mahubad na n'ya ang mga damit ko.
Parehas kaming nawawalan ng ulirat dahil sa pagkasabik sa isa't isa. Parehas na kaming walang damit. Halos hinalikan n'ya ang bawat parte ng katawan ko... Wala akong ibang nagawa kundi ang mapa-ungol at napakapit sa kan'ya dahil sa tindi ng sensasyon na lumulukob sa buong katawan ko. Umaabot sa p********e ko ang kiliti na dulot ng bawat haplos at halik n'ya.
Napakapit na lang ako nang mahigpit sa braso n'ya nang ibuka n'ya ang mga hita ko at tila sabik na ipinasok ang p*********i sa lagusan ko. Napa-arko ang likod ko kasabay ng pagbaon ng mga kuko ko sa matipuno at matigas na braso n'ya. "X-Xceron! Aahhh..."
"Denise..." Mas ibinaon n'ya ang p*********i. "H-Hindi ako papayag na iwan mo 'ko," anas n'ya saka nagsimulang umulos nang mabilis sa pagitan ng mga hita ko.
Napalunok ako, humawak ako sa pisngi n'ya saka marahang hinaplos 'yon. "Hindi naman kita iiwan," bulong ko.
Isinubsob ni Xceron ang mukha sa leeg ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napapikit saka sinabayan ang pag-ulos n'ya. Humawak siya sa balakang ko saka tila sabik na sabik na inilabas-pasok ang p*********i sa loob ko. Literal na nangatog ang mga tuhod ko malalim na pagbaon ng matigas n'yang p*********i. Impit na napadaing na lang ako habang pilit na sinasabayan ang bawat ulos n'ya.
"f**k, Denise... I love you so damn much," anas n'ya sa tainga ko.
Hindi ko na alam kung gaano katagal kami nanatili sa kama. Halos hindi na rin naman ako nakakilos pagkatapos. Tila binuhos na naming dalawa kung gaano namin na-miss ang isa't isa... Kahit ano'ng gawin ko, kahit na ano'ng sabihin ko o isipin ko... mahina pa rin ako pagdating kay Xceron. Kahinaan ko talaga siya.
"Xceron... Hindi ka na ba talaga aalis?" tanong ko habang nakaunan sa braso n'ya at nakayakap sa baywang n'ya.
Tumingin sa 'kin si Xceron saka tipid na ngumiti. "Hindi na 'ko aalis."
Napangiti ako saka marahang hinaplos ang pisngi n'ya. "P-pwede kang magsabi sa akin. Kung hindi mo na kaya, kung nahihirapan ka, kung kailangan mo ng tulong ko... pwede kang magsabi sa akin. Hindi mo kailangang kimkimin lahat sa sarili mo." Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Kagaya ng palagi mong pagtulong sa akin, sana hayaan mo rin ako na tulungan ka."
Hinawakan ni Xceron ang kamay ko na nakalapat sa pisngi n'ya saka dinampian 'yon nang magaan na halik. Tumango na lang siya sa sinabi ko at hindi na nagsalita pa... Hindi na lang ako namilit kahit alam kong hindi pa buo sa loob ang sinabi n'yang 'yon. Napabuga na lang ako ng hangin at dinampian ng halik ang labi n'ya.
"Mahal na mahal kita, Xceron..."
"Mahal na mahal din kita." Muli n'yang dinampian ng halik ang kamay ko. "Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa'kin." Titig na titig siya sa mga mata ko at halos matunaw ako sa matiim na titig n'ya. "Denise... sa akin ka lang, diba? Please stay here with me... forever. Dito ka na lang sa akin habang buhay... hindi na ako aalis, wala ng aalis."
Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakaramdam ng tuwa sa sinabi n'ya... pilit kong pinakiramdaman ang sarili ko. Bakit parang hindi nakagaan ng loob ko ang tono ng boses ni Xceron?
Hindi na lang ako nagsalita at yumakap sa kan'ya. Natigilan lang ako nang maramdamang mas hinila ako ni Xceron palapit sa kan'ya. "Why aren't you answering?" he asked in a soft tone.
"Mahal kita, Xceron... pero alam mo naman na ayaw kong nasasakal ako diba? Hahayaan mo naman ako sa mga bagay na gusto ko at sa magpapasaya sa akin, diba? Napag-usapan na natin 'to," bulong ko habang nakatitig sa gwapong mukha n'ya.
Hindi sumagot si Xceron at yumakap na lang sa akin. Napabuga na lang ako ng hangin at yumakap na lang din sa kan'ya.
HINDI MUNA AKO pumasok sa trabaho na naintindihan naman ni Sir Xanthos. Balak ko muna na makasama si Xceron nang matagal dahil talagang na-miss ko siya. Wala kaming ibang ginawa kundi manood ng movies, maglaro, magkwentuhan, kumain, at mag-s*x.
"Denise..."
Natigilan ako sa panonood ng Game of Thrones at napatingin kay Xceron. Nakahiga ang ulo ko sa kandungan n'ya habang nanonood kami. Hinaplos n'ya ang pisngi ko habang nakatitig sa akin.
"Are you still taking your pills?" biglang tanong n'ya.
Napakunot ang noo ko. "Oo naman. Bakit mo naitanong?"
Saglit siyang natahimik bago muling nagsalita. "Ayaw mo bang magka-anak tayo?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong n'ya. Napatitig ako sa mukha n'ya para tingnan kung seryoso ba siya o nagbibiro lang... Natigilan ako nang ma-realize ko na seryoso siya sa tanong n'ya.
"Hindi pa ako handa na magka-anak, Xceron. Sa lagay nating dalawa, parehas tayong hindi pa handa. Saka diba sinabi ko gusto ko maging model? Hindi naman natin kailangang madaliin ang ganoong bagay," paliwanag ko sa kan'ya.
Matalinong tao si Xceron, pero may mga pagkakataon na parang inosente siya sa ibang bagay... lalo sa realidad.
"Does having a child will hinder you from being a model? And besides, having a child will be good for us... talagang magiging sigurado tayo sa isa't sa. Hindi natin iiwan ang isa't isa kung--"
"Xceron..." Agad kong pinutol ang sasabihin n'ya saka napabangon. Seryosong tumingin ako sa mukha n'ya. Napaiwas na lang siya ng tingin sa akin. "Hindi ginagawang assurance ang bata para sa relasyon. Ayoko pa magka-anak dahil hindi pa ako handa. Gusto ko kapag nagkaroon na tayo ng anak, maayos na lahat. Gusto kong mabigyan ng maayos na buhay ang magiging anak ko, Xceron. Hindi pa tayo handang maging magulang, anak lang din natin ang mahihirapan kapag ipinilit natin nang hindi pa tayo handa."
Hindi nakapagsalita si Xceron sa sinabi ko. Napatitig na lang sya sa sahig saka napabuga ng hangin. "I'm sorry, I was just scared..."
Humawak ako sa kamay n'ya. "Ano ba'ng kinakatakot mo? Hindi ko malalaman at hindi kita maiintindihan kung hindi mo sasabihin sa akin... Pakiramdam ko palaging may bumabagabag sa isip mo. Hindi mo ba talaga pwedeng sabihin sa'kin?"
Tumingin sa'kin si Xceron saka tipid na ngumiti. Kinuha n'ya ang kamay ko saka dinampian ng halik 'yon. "Walang problema, Denise. Gusto ko lang talaga makasiguro na hindi tayo maghihiwalay."
"Hindi naman tayo maghihiwalay... kung walang gagawa nang matinding pagkakamali sa ating dalawa. H'wag kang mag-isip ng kung ano-ano," anas ko saka dinampian nang magaan na halik ang pisngi n'ya.
Tipid na ngumiti na lang si Xceron at tumango. Yumakap na lang siya sa akin saka isinubsob ang mukha sa leeg ko. Hindi na lang ako nagsalita pa at niyakap siya pabalik... Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko pa siya bibigyan ng assurance. Pakiramdam ko hindi sapat ang ibinibigay ko para mapanatag siya.
NAKALIPAS ANG TATLONG araw. Masaya naman kaming pareho ni Xceron at talagang nilubos namin ang mga araw na na-miss namin ang isa't isa. Pero kailangan ko ng bumalik sa trabaho bukas. Hindi lang nagsasalita si Sir Xanthos pero siguradong kailangan na ako no'n sa kompanya.
Ayos naman si Xceron... pero may mga pagkakataon lang na parang napa-praning siya kahit sa maliit na bagay. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano, napapakiusapan din naman nang ayos si Xceron.
"I can talk to Xanthos... let's spend more time together," ungot ni Xceron saka mas nagsumiksik sa dibdib ko. Pinisil n'ya pa talaga 'yon!
"Hindi pwede. Kailangan ko na talagang bumalik sa trabaho bukas. H'wag kang mag-alala kasi pagkatapos ko naman sa trabaho, ikaw naman ang aasikasuhin ko. Saka may trabaho ka rin na kailangang gawin diba? Hindi pwedeng palagi tayong pasarap."
Hindi na lang nagsalita si Xceron at yumakap na lang sa akin. Hindi na lang din ako nagsalita pa at pumikit na lang.
Hindi ako makatulog, nanatili lang akong nakapikit. Hindi ko alam kung bakit hindi ako dinadapuan ng antok. Natigilan lang ako nang maramdamang kumalas si Xceron sa pagkakayakap sa akin saka bumangon sa kama.
Hindi ako dumilat o kumilos, pinakiramdaman ko lang ang bawat galaw ni Xceron habang nagpapanggap na tulog. Naramdaman kong binuksan n'ya ang bag ko na nasa bedside table at tila may kinuha roon bago lumabas ng kwarto ko.
Napabangon ako nang umalis na siya. Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto para hanapin si Xceron... Hindi ko alam kung bakit ako nagtatago... iba ang nararamdaman ko sa kinilos ni Xceron.
Naabutan ko siya sa living room at may kausap sa phone. Alam kong malakas ang pakiramdam n'ya kaya nagtago ako sa malapit na cabinet at pasimpleng sumilip sa kan'ya.
"You don't have to worry about me, Xanthos. I'm completely fine," sabi ni Xceron sa kausap sa phone n'ya... Mukhang si Sir Xanthos ang kausap niya.
Natigilan ako nang mapatingin sa hawak n'ya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang birth control pills ko iyon... Nanigas na lang ang buong katawan ko na ang itapon n'ya 'yon sa maliit na trash bin. Kinuha n'ya ang lighter mula sa bulsa n'ya at binuksan 'yon saka sinunog ang loob ng trash bin. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig ko. Bakit n'ya ginawa 'yon?!