WLR1: The Wedding!

1870 Words
***Hera's POV*** - Happy marriages begin when we marry the ones we love, and they blossom when we love the ones we marry. Sana nga ganito . Sana nga matutunan akong mahalin ng lalaking naghihintay ngayon sa akin sa harapan ng altar. Na walang iba kundi ang lalaking minahal ko simula palang noon. Si Draeven Montenegro. Ang panganay na apo ni Mr. Henry Montenegro, ang umampon sa akin nung namatay ang lolo ko at syang namahala sa mga negosyong naiiwan para sa akin hanggang sa sasapit ako sa tamang edad na pwede ko nang pamunuan ang mga ito. Ako si Hera Lexy Montessa, isa akong orphan at lumaki sa pangangalaga ng lolo ko hanggang sa namatay ito. Ang pagkamatay ng lolo ko ay ang pinakamasakit na dagok na nangyari sa buhay ko. I felt sad and alone. Pakiramdam ko mag- isa na lamang ako sa mundo. I was crying nonstop hanggang sa may isang lalaki na lumapit sa akin. He gave me his handkerchief. And I used it to wipe my tears. Mula ng araw na iyon ay hindi ko na nakalimutan ang napakaguapong mukha ng lalaking iyon. Si Draeven. He was our driver's son. Then Mr. Henry took me. He is my grandfather's bestfriend and business partner. I know him ever since. Para ko na rin syang lolo. I am close to him. Sa totoo nga, close nga din ako sa dalawa nyang apo na sina Denver at Kendrick. I know ever since, dahil sinabi na sa akin ni lolo na isa sa kanila nina Denver at Kendrick ang maging asawa ko balang araw. Denver and Kendrick are like an older brother to me. Pero wala akong magagawa kasi isa itong kasunduan ng grandparents namin. I still remember how I met Draeven again, it was 5 years ago, when I was 15, dinala ako nung ni Mr. Henry sa party ng pamilya nila. I was shocked seeing Draeven again sa party na yon and this time he is wearing a high-class polo shirt and jeans, as if he is a part of Montenegro. Anak pala sya sa labas, older brother nina Denver at Kendrick. At ang party na iyon ay para ipakilala sya sa lahat bilang isang Montenegro. Draeven is always the man that I want. And I am a spoil- brat. When I want someone or something, talagang ginagawa ko ang halos lahat para mapasaakin ito. I am rich and I believe that I can have everything that I want. And I want Draeven. So, sinabi ko kay Mr. Henry na si Draeven ang gusto. Ayaw sana nya nung una kasi inaasahan nyang isa sa kanila nina Denver at Kendrick ang mapapangasawa ko. Illegitimate lang daw kasi si Draeven at hindi pa nya masyadong tanggap ito sa pamilya nila. Pero pumayag narin ni Mr. Henry kalaunan at nangako ito sa akin na gagawin nito ang lahat para makasal kaming dalawa ni Draeven. Nakipaglapit ako kay Draeven, we become friends. I believe na madali lang matanggap ni Draeven ang katotohanan na ako ang mapapangasawa nya kung magkaroon sya ng special na pagtingin sa akin tulad ng pagiging kaibigan. We become close. We have each other's back. But he saw me as his little sister, pero naniniwala ako na mababago ko pa ito. Limang taon ang tanda nya sa akin kaya siguro ganito nalang ang tingin nya sa akin. Pero nagising ako sa katotohanan bigla nang ipinakilala ko sa kanya ang childhood bestfriend kong si Cherry. He fell in love with Cherry at ganun din si Cherry sa kanya. Nagpaplano na ang dalawa na magpakasal balang araw. How my heart ache everytime na magkukwento sya sa akin about sa damdamin nya kay Cherry at ganun din si Cherry sa akin. Parang pinatay nila ako pareho ng paulit- ulit. Kaya nang napagpasyahan ni Mr. Henry na ipakasal na kaming dalawa ni Draeven, dahil sumapit na daw ako sa tamang edad na 20, walang pagdadalawang isip at pumayag ako. Yes. Isa akong kontrabida. Sarili ko lang ang iniisip ko. Sarili ko lang damdamin ang iniisip ko. Pareho kong kaibigan sina Cherry at Draeven pero ako ang dahilan kaya kailangan nilang maghiwalay. Pero mahal ko si Draeven at wala akong ibang gusto kundi ang makasama sya. Naniniwala ako na matutunan din nya akong mahalin balang araw pag magiging mabuting asawa ako sa kanya. Handa din akong gawin ang lahat para sa kanya. "No. I can't marry Hera. Hindi ko sya mahal. Si Cherry ang mahal ko. Isang kapatid lang ang tingin ko kay Hera." Hanggang ngayon, kahit naglalakad na ako sa aisle at natupad na ang pangarap ko na makasal kay Draeven, pabalik- balik parin sa isip ko kung paano ako tanggihan ni Draeven. "Hera, wag kang pumayag na ikasal tayong dalawa. You know that I don't love you. Pareho tayong hindi magiging masaya kung makasal tayong dalawa. Please, wag kang pumayag. Nakikiusap ako sayo. Alam mong mahal ko si Cherry." ang pakiusap ni Draeven sa akin. "I'm sorry Draeven pero pumapayag ako na makasal sayo." ito lang talaga ang pwedeng kong masabi. I know he was hurting but I am hurting too. Sa paulit- ulit nyang pagsasabi sa kung gaano nya kamahal si Cherry sa harapan ko ay paulit- ulit din nyang sinasaksak ang puso ko. Sa tuwing maririnig ko ang tahasan nyang pag- ayaw sa akin, para akong nanliit sa aking sarili. Para akong isang pagkain na hindi nya kayang kainin. "What?" "I love you, Draeven. Mahal na kita mula pa noon. Please, just give me a chance. Chance, para makapasok din ako sa puso mo. Tignan mo naman ako bilang isang babae na kaya mong mahalin nang higit pa sa isang kaibigan o kapatid. Ako ang laging nandito para sayo. Ako ang karamay mo mula pa noon. Pero bakit hindi mo ako nagawang mahalin ng tulad ng pagmamahal mo kay Cherry? Please, mahalin mo din ako. Please, ako nalang. I will be soon become your wife." halos mangiyak- ngiyak kong sambit. Sandaling napaawang ang labi ni Draeven. Saka sya napailing- iling. "You already know this. Alam mo na ito noon pa, diba? Kaya hindi ka man lang nagulat nung sinabi ni Lolo na magpapakasal tayong dalawa. Tama ba ako? Alam mo na talaga ito? Ginawa mo akong tanga. Na pinaniwala mo ako na tanging pagkakaibigan lang ang dahilan kaya lumapit ka sa akin. Na pina- ikot- ikot mo ako sa mga magagandang ginawa mo sa akin." Sandali akong napaurong. "Draeven. No. Hindi kita ginawang tanga. Mahal kita. Maniwala ka." panindigan ko sa damdamin ko sa kanya. "You know why I didn't love you? That I didn't learn to love you the way how I love Cherry? That's because, you're not worth it to be loved. You are nothing but a manipulator and a traitor. You betrayed me. Maliban pa dito, you didn't a change a bit. Katulad ka parin noon na sarili lang ang iniisip. Akala mo kaya mong makuha lahat dahil sa mayaman ka. Nagkakamali ka Hera. You can't get everything that you want. Dahil hindi mo makukuha ang pag- ibig ko! I would never ever love you! Isaksak mo yan, dyan sa isip mo." Huling sinabi ni Draeven saka nya ako iniwan. Sunod- sunod ang pagtulo ng luha ko. Parang tinusok ng libo- libong asperin ang puso ko. Kaya ko talikuran ang lahat makuha ko lang ang pagmamahal ni Draeven. Bakit ba kasi nasa akin na halos lahat pero yong pinakagusto ko at pinakapangarap ko ay kay hirap makuha? Walang saysay din naman lahat dahil sa hindi din naman ang mga ito ang magpapasaya sa akin. Napatingin ako kay Draeven habang naglalakad parin ako aisle. Wala akong nakikita na kahit anong emosyon sa kanya kundi ang kalamigan lamang ng titig nya sa akin. Sa sobrang lamig, parang nagdulot na ito ng ginaw sa katawan ko. Pero kahit pa man sa sobrang panlalaming ng titig ni Draeven, halatang inaantok parin ito. Wala daw kasi itong tulog dahil buong gabi itong nasa isang bar. Medyo lasing pa nga ito hanggang ngayon. Hanggang sa tuluyan na kaming nakalapit kay Draeven, katabi nya ang kapatid nyang si Denver na syang best man nya. Kasama ko naman si Mr. Henry, ito ang naghahatid sa akin papunta sa altar. "Umayos ka Draeven, wag mong ipahiya si Hera." madiin na sabi ni Mr. Henry sa apo sa mahinang boses lamang. Hindi sumagot si Draeven sa lolo nya. Imbes na sabay kaming lumapit dalawa ni Draeven sa pari, nagpasiuna syang humakbang sa akin. Napahiya ako sa ginawa nya pero okay lang. Kailangan kong magtiis, ginusto ko ito. Nagsimula na ang seremonya ng pari sa pagkakasal namin ni Draeven nang----- "Father, ano ba talaga ang meron sa impyerno?" tanong ni Draeven sa pari na nagkakasal sa amin, kaya napatigil ito sa pagsasalita. Narinig ko ang pagkasinghap ng mga saksi sa kasal namin. Kaya napatingin ako sa mga ito. Halata ang pagkagulat sa mga ito. Si Mr. Henry naman ay kuyom na kuyom ang kamao. "Bakit mo naman naitanong, Mr. Montenegro?" kalmadong tanong ng pari kay Draeven. "Because my bride here, she's always drag everyone that surrounds her to hell. With her selfishness and ego. Buong akala ko, ligtas ako na at hindi nya gagawin ito sa akin. But f*ck father, ilang araw na nya akong dinala sa impyerno. Wala naman palang apoy doon na tulad ng nababasa ko. Pero lahat ng negative na bagay at emosyon ay nandun. Kaya nga ngayon, bumabalot sa puso ko ang matinding galit at sama ng loob." tumawa pa si Draeven pero pag- uyam ang tawa nya. Lasing sya, amoy na amoy ko nga ang alak sa paghinga nya. Napanganga ang pari sa sinabi ni Draeven. Halatang hindi inaasahan nito ang mga nanulas sa bibig ni Draeven. "Draeven!" hindi na napigilan saway ni Mr. Henry sa apo. Lalapit sana ito sa amin pero pinigilan ito ng dalawang apo. Agad na nag- init ang bawat sulok ng mga mata ko. Hiyang- hiya ako sa ginawa ni Draeven. Alam ko naman na hindi magiging sobrang ganda ng kalalabasan ng kasal naming dalawa dahil sa nga napipilitan lang sya. Late at lasing pa syang dumating kanina. Pero hindi ko inaasahan na ganito ang gagawin nya sa akin. Tumingin si Draeven sa akin, nagkatama ang mga mata naming dalawa. Sobrang talim ng titig nya sa akin na parang kutsilyo na sinasaksak ang puso ko. Titig palang nya napakasakit na. "Napaisip ako kung nakapunta ka na ba sa impyerno, sa dami ng dinala mo doon. But if you're not, then be ready, because I promised that you will be living in hell with me. So welcome to hell with me. I promised to never love you until my last breath. To never look at you as my wife. I will do everything just to make your life miserable until sa ikaw na mismo ang kusang susuko. Tandaan mo yan. Dahil iyan ang vow ko ngayon sa nakakasakal na kasal na ito." Madiin na galit na pagkakasabi ni Draeven na nagdulot ng sobrang paninikip sa didbib ko kaya hindi ko napigilan ang tuluyang pagtulo ng luha ko. Dito palang, alam kong hindi maging maganda ang buhay ko kasama si Draeven. Pero wala parin sa plano kong umatras. Mahal ko sya at handa akong magtiis, makasama ko lang sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD