*******
Note: Magkarugtong lang ang Montenegro series 1 and series 2 sa book na ito. Dalawang story ang nasa book na ito.
-
Montrenegro Trilogy 1- Wife's Last Request (The Unbeloved Wife)- Draeven and Hera
-
Montenegro Trilogy 2- Wife's Deception (The Deceptive Wife)- Denver and Melody
-
Montenegro Trilogy 3- Unloved Wife's Redemption- Kendrick and Zamera
----
Read your own risk. Contain Mature Scene that are not suitable for young readers and sensitive type of person.
This story is not that 100% well written. There may be some errors that you meet while reading.
All the characters in this book have no existence whatsoever outside the imagination of the author and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author, and all the incidents are merely invention.
-
Overview (Prolugue)
-
Matamis akong ngumiti sa lalaking mula pa noon ay syang lahat sa akin. Ang lapad din ng ngiti nya sa akin. Gusto kong maiyak pero pinigilan ko ang aking sarili. Alam ko naman na lahat ng ipinapakita nya sa akin sa mga nakalipas na araw ay bahagi lamang ng usapan namin.
Ako si Hera Lexy Montessa- Montenegro, ngayon ang ikalawang taon ko bilang asawa si Draeven Montenegro. Tiningala ng ibang tao ang asawa ko dahil sa galing nya sa negosyo. Napatunayan nya ang kanyang sarili sa kabila ng pagiging bastardo nya. Maraming babae din ang halos sambahin ang aking asawa. Dahil kung ang physical na aspeto lang ang pag- uusapan, halos perpekto na syang lalaki.
I am a soul heiress of Montessa Incorporation. Nagmulat ako sa pangangalaga ng Lolo ko. Sabi nya sabay na namatay ang parents ko sa isang aksidente. When I was 15, namatay ang lolo ko sa sakit sa puso. Kinupkop ako ng matalik na kaibigan at kabusiness partner ng Lolo ko na si Mr. Henry Montenegro, Draeven's grandfather.
I know eversince that I am destined to get married one of Mr. Montenegro's grandsons. When I saw Draeven for the first time, I fell inlove with him. I chose him than his two brother kahit pa bastardo lamang sya.
Itinago ko ang katotohanan na ako ang babaeng nakatakda nyang pakasalan. Kinaibigan ko sya. We become close as bestfriend. Gusto kong magkaroon sya ng espesyal na pagtingin sa akin bago kami ikasal, pero nabigo ako. Nainlove sya sa iba at sa childhood bestfriend ko pa.
Sa takot na tuluyan syang mawala sa akin. Pumayag ako sa kagustuhan ni Mr. Henry Montenegro na ikasal na kami. Galit na galit sa akin si Draeven. Sa tingin nya, minapula ko sya at pinagtaksilan. Inagaw ko pa sya mula sa babaeng mahal nya. Naintindihan ko ang pinaghuhugutan ng galit nya sa akin.
He then married me, at dinala nya ako sa impyerno. He abused me physically, mentally and emotionally. He even cheated on me with my bestfriend. Lahat ng pasakit na tinamasa ko, tiniis ko dahil mahal ko sya. Umaasa ako balang araw magsasawa din sya sa pananakit nya sa akin at baka mahalin na din nya ako.
Tanga na ako at martir, pero ayaw kong sumuko. Ayaw pang sumuko ng puso ko, kahit matagal na nyang hiniling na maghiwalay na kaming dalawa. Hanggang ang katawan ko na ang kusang sumuko. I was diagnosed with brain cancer. I'm going to undergo an operation pero maliit lang ang chance ko na mabuhay.
I wanted Draeven to be happy, so I granted his wish for annulment. At dahil gusto ko din magkaroon ng magandang alaala bilang asawa nya na babaunin ko ano man ang maging kapalaran ko pagkatapos ng operasyon. May hiniling ako sa kanya na kapalit. He will act as my loving husband for one month.
Nagalit sya sa akin nung una, pero kalaunan pinagbigyan din nya ako. He did his act very well. Parang gusto ko nang maniwala na mahal nya talaga ako. Kaya masayang- masaya ako na ipinaramdam nya sa akin ang maging sobrang saya sa piling nya kahit sa maikling panahon lamang.
Magkaharap kami ngayon na nakaupo. I didn't expect him to invite me for a dinner date today. Ngayon palang nya ako idini- date mula nung ikinasal kami. Anyway, today is our 2nd wedding anniversary and I have the best gift for him.
"Happy 2nd wedding anniversary honey. I have a gift for you."matamis na ngiti ang pinakawalan nya sa akin.
"I have something for you, also."
Inilapag ko sa mesa ang isang folder. Napakunot- noo sya.
"What is that?"tanong nya.
"That's my best gift for you, Draeven. Open it and you will be happy."
Pinilit kong ngumiti kahit pa sobrang sakit ng puso ko ngayon. Pinigilan ko na magbagsakan ang mga luha ko.
Nakangiti syang kinuha ang folder at agad nya itong binuklat. Nabura ang kanyang ngiti sa nabasa. It's a prove document na wala ng bisa ang kasal naming dalawa.
"What is this, Hera?"
"That's my best gift for you, Draeven. Ang kalayaan at kaligayahan mo. Pwede mo nang pakasalan si Cherry. Hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa."
Nilakasan ko ang aking loob para masabi ang mga ito. Hindi ko ipinapakita sa kanya ang sakit na naramdaman ko sa mga sandaling ito.
Somehow, I am thankful that he didn't learn to love me. Dahil mawawala din naman pala ako agad. Ayaw ko syang iwan na luhaan at nasasaktan. Mawawala ako at masaya syang maiwan ko.
"Hera, let's talk about this honey! H-Hindi pa naman natapos ang isang buwan na usapan natin."
Hinawakan nya ang aking kamay. Gusto kong paniwalain ang aking sarili na baka minahal narin nya ako sa ginawa nyang ito ngayon. Pero,alam kong bahagi lang ito ng usapan namin.
Okay lang naman. Kung gaano ko kasi ipinagdarasal noon na mahalin din nya ako, ganun ko din ipinagpasalamat ngayon na hindi ako minahal ni Draeven.
Siguro kaya hindi ako minahal ni Draeven dahil hindi din naman ako magtatagal dito sa mundo. The Lord just saving him from too much heartache.
Binawi ko ang aking kamay na hinawakan nya. At matamis ko syang nginitian.
"It's okay, Draeven. Dalawang taon mong hinintay ito. I'm sorry for loving you too much that I'm become selfish. And thank you for granting my last request. I would never forget how you become a loving husband to me. I am letting you go. And I am letting myself go from heartache."
I hold my tears. I don't want to cry at his sight. I always did that, pero wala naman din syang pakialam. For the last time, gusto kong ibangon yong pride ko. Gusto kong ipakita sa kanya na disidido ako sa aking desisyon para walang guilt na mabuo sa kanyang puso.
"No Hera, please, let's talk about this. Please Honey!"
Napakunot noo ako. Bakit sya nagkaganito ngayon? Impossible naman na natutunan nya akong mahalin sa loob ng ilang araw lang. Hindi nga nangyari kahit dalawang taon kaming nagsama.
"It's okay." ngumiti ako. Saka ako tumayo. Nakanganga syang nakatingin sa akin. "Just be happy, Draeven."
Huli kong sinabi saka sya tinalikuran. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang aking mga luha.
"Hera!"narinig ko ang tawag nya pero hindi ko na syang nilingon. Baka makita pa nya na basang- basa na ng luha ang aking mga mata.
Puno ng luha ang aking mga mata nang palapit ako sa aking kotse.
"Hera!"
Napalingon ako. Nakita ko si Draeven na nakasunod sa akin. Nagkatama ang aming mga paningin. Tulong luha akong napailing. Ipinahiwatig ko sa kanya na wag nya akong sundan. Napatigil sya sa paglakad.
Tinalikuran ko sya muli. Mas nilakihan ko ang aking paghakbang.
"Hera, please!"
Agad kong binuksan ang aking kotse nang nakalapit na ako dito. Pumasok ako agad. Napasinghap ako nang may kumatok sa bintana ng kotse ko. Si Draeven. Kinatok- katok nya ako na para bang gusto nya akong palabasin.
May sinasabi sya pero hindi ko narinig. Hindi ko sya pinansin, at pinatakbo ko ang aking kotse. Nakita ko pa ang paghabol nya. Nang nawala sya sa aking paningin, agad kong inihinto ang kotse.
Tulong luha akong nakatingin sa kawalan. Hanggang sa napahiyaw ako sa kakaibang sakit na aking nadarama ngayon na dala ng sakit ko. Napaubo ako ng napaubo. Nakakita ako ng maraming dugo sa aking palad. Nanghihina ako at nahihilo.
Pero inalala ko pa rin si Draeven.
"Draeven, kung uulitin ko ang buhay ko. Ikaw parin ang mamahalin ko pero sa pagkakataon yong gagawin ko na ang tama. Hindi ko na ipagpilitan ang sarili ko sayo at hahayaan ko kayong maging masaya ni Cherry. Dahil na- realized ko na mas mahalaga pala ang kasiyahan mo." tulong luha kong bulong sa hangin.