***Hera's POV***
-
As they say "You never give up on someone you truly love. That's why it's called unconditional Love."
At iyan ang panata ko mula nung ikinasal kami ni Draeven na kailan man hindi ko sya susukuan. Walang hinihingin na kahit ano man kapalit ang pagmamahal ko sa kanya. Maiparamdam ko lang sa kanya kung gaano ko sya kamahal ay masaya na ako. Iyan ang klaseng pagmamahal meron ako para kay Draeven.
Malapad ang ngiti ko, ngayon palang kasi nag- request si Draeven na ipagluto ko sya muli. I tried to do it before pero sama ng loob at insulto lang ang napala ko mula sa kanya. Mula nung hindi na sya kailanman kumain sa mga iniluto ko para sa kanya. Pagdating nya sa bahay, tapos na syang kumain lagi. Madalas din naman syang late kung umuwi at maaga din syang umaalis. Kaya ako ang nag- adjust para magkikita parin kaming dalawa. Hindi ako natutulog ng maaga, hihintayin ko talaga sya kahit anong oras pa sya umuuwi, kahit pa minsan maaabutan na ako ng umaga dahil hindi naman sya umuuwi. Maaga din akong gumigising para ipagluto sya ng agahan kahit hindi naman talaga nya kinakain ang mga niluluto ko. Baka kasi maisipan din nyang kumain kaya lagi talaga akong naghahanda.
Sobrang excited ako ngayon. Gusto ko nang ipatikim kay Draeven ang niluto kong afritada, alam ko kasi na ito ang paborito nyang pagkain. Dahil sa laki sa hirap si Draeven kaya simple lang din ang hilig nya sa pagkain, at talagang mahilig sya sa rice. Isa din sa mga dahilan kaya excited ako ngayon kasi talagang nag- aaral ako sa pagluluto. 6 months akong nag- aaral sa pagluluto sa isang culinary school.
Masaya ako nang narinig ang ugong ng kotse na pumapasok sa gate ng bahay namin ni Draeven. Simple lang din ang bahay namin ni Draeven at wala kaming katulong. Ano naman daw ang silbi ko kung may katulong kaming dalawa?
Agad akong lumapit sa may pinto para pagbuksan ng pinto si Draeven.
"Magandang gabi!" nakangiting bati ko sa asawa ko. Ang sarap siguro sa pakiramdam na sinasalubong ko sya ng yakap at halik pero hindi ko ito pwedeng gawin.
"Walang maganda sa gabi ko, Hera. Buong araw akong makipagdeal sa mga iba't- ibang walang kwentang investors. Pagod ako at gutom narin. Kaya kahit ayaw ko, wala akong choice kundi ang kainin ang niluto mo. Wala na akong time para kumain pa sa labas. Bakit ba kasi ang dami mong kakulangan? At sa lahat, yong galing pa sa pagluluto ang wala sayo."
Mahabang sabi nya, halata na wala sa mood. Pero nanatili parin ang ngiti ko sa kanya. Ang mabuting asawa ay hindi dapat sinasabayan ang galit ng asawa nya. Dapat meron isa na kalmado lang.
"Magaling na akong magluto ngayon, Draeven. Hindi mo lang alam na nag- aaral talaga ako ng pagluluto ng anim na buwan."
"At nagsasayang ka na naman ng pera para sa walang kwentang bagay. Pati pagtitipid, hindi mo kayang gawin. Ang simple lang naman magtipid." aniya habang hinuhubad ang suot na polo. Kinuha ko naman ang polong suot nya para ilagay ito sa lagayan. Naghubad din sya ng suot nyang medyas. Kinuha ko din ito.
Pagkatapos nyang gawin ito, pumanhik na sya papunta sa may kusina. Ako naman ay pumunta sa likod bahay para ilagay ang mga nahubad ni Draeven sa laundry basket.
"Hera! Hera!"
Napapitlag ako bigla nang narinig ang malakas na pagtawag ni Draeven sa pangalan ko. Mabilis akong napatakbo papunta sa kusina.
"Bakit?" tanong ko agad sa kanya.
"Anong bakit? Akala ko ba nag- aaral ka sa culinary school? Tapos, hindi mo man lang ako magawang ipagluto ng masarap na ulam. Isang taon na, Hera. Isang taon na-- pero hanggang ngayon wala ka parin natutunan. Paano ka magiging mabuting asawa na tulad ng pinangako mo kung lagi kang walang silbi sa akin?" galit na galit nyang sambit. Nag- init agad ang bawat sulok ng mga mata ko.
Galit nyang hinampas ang mesa kaya tumalsik ang mainit na soup na inihanda ko din para sa kanya. Tumalsik ang mainit na sabaw nito. Natamaan ako kaya bahagya akong napahiyaw dahil sa init.
"You're useless. Always useless!" aniya saka ako tinalikuran. At iniwan na nya ako. Wala akong nagawa kundi sundan sya ng tingin. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ang luha ko.
I did my best. I always did my best. Ginawa ko naman ang tama. Ang tamang ingredients, at ang mga tamang sukat ng mga pampalasa na tulad sa natutunan ko sa culinary school. Pero bakit hindi parin nya nagugustuhan?
Wala akong nagawa kundi ang ligpitin nalang ang mga pagkain na inihanda ko. Habang ginagawa ko ito, wala din tigil sa pagtulo ang luha ko.
Pagkatapos kong magligpit, napagpasyahan ko na pumanhik na sa itaas. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Draeven, plano ko sana syang katukin. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil sa palpak na naman ako. Pero natatakot ako na baka mas lalo pa syang magalit sa akin.
Kaya dumiretso nalang ako sa kwarto ko. Magkaiba kami ng kwarto ni Draeven. Mula nung ikinasal kami, hindi pa talaga kami nagtabi sa pagtulog. Wala pa ngang nangyayari sa aming dalawa kahit isang beses. Handa naman akong ibigay sa kanya ang bagay na yon kahit hindi nya ako mahal. Obligasyon ko naman yon bilang asawa nya pero hindi nya hiningi sa akin ang bagay na yon.
------
------
"C'mon Hera, kailan ka ba magising sa pagkahibang mo sa walang kwenta kong kapatid?" si Denver, nasa isang kapeteria kami. Malapit kami ni Denver sa isa't- isa.
Hindi ko sya sinagot. Hindi ako nahihibang. Mahal ko si Draeven at pag mahal mo ang isang tao, handa kang magtiis para sa taong ito.
"Kung pinili mo lang sana ako, hindi ka sana nagtitiis ngayon. Hindi ka masasaktan na pati sa physical, at hahayaan kitang gawin ang gusto mo. I will let you chase your dreams unlike my brother.Pinahinto ka pa talaga nya sa pag- aaral para pagsilbihan sya, hindi naman nya na- appreciate lahat ng ginagawa mo para sa kanya. He always asked you for an annulment tapos pinutol nya ang pagkakataon mo para maging successful."
Totoo naman ito. 2nd year college palang ako nung ikinasal kami ni Draeven. Pinahinto nga ako ni Draeven sa pag- aaral. Na ginawa ko naman.
"Hindi naman ako sinasaktan ni Draeven physically." kontra ko sa sinabi ni Denver.
"Anong hindi? Anong tawag mo dyan?" ang tinutukoy nito ay ang maliit na paso sa ibabang braso ko.
"Hindi sinasadya ni Draeven ito. Hindi kasi nya nagustuhan ang niluto ko." napangiwi ito sa sinabi ko. Saka ako napaisip. "Denver, sa tingin mo, ano kayang problema at hindi talaga nagugustuhan ni Denver ang mga niluto ko? Sabi naman sa akin ng professor ko, masarap na. Sinunod ko naman ang tamang procedure." Hindi ko napigilan tanong.
"Dahil lasang pang- karenderia ang asawa mo, hindi lasang pang- restaurant. Halata nga kahit sa tipo nya sa babae."
"Grabe ka naman sa kapatid mo."
"Totoo naman Hera, hindi sya lumaki na tulad sa atin. Kaya kahit anong effort mo, hindi nya magugustuhan ang pagkain na ihahanda mo kasi iba ang taste nya. Hindi ikaw ang may problema, you did your best, ipinagluto mo sya kahit wala ka naman talagang panlasa."
Totoo naman ito. Wala talaga akong panlasa. Ito ang dahilan kaya kung ano yong nakasanayan kong mga kainin ay syang kinakain ko lang. Isa ito sa kinaiinisan ni Draeven sa akin, masyado daw akong maarte. Hindi kasi ako kumakain ng mga pagkain na hindi pamilyar sa akin. Pero hindi naman ako galit kay Draeven kung maarte ang tingin nya sa akin, hindi naman kasi nya alam na wala pala akong panlasa. At kinakain ko lang ang isang pagkain pag nagustuhan ko ang amoy nito.
"You know what, I hated my brother. Hindi dahil sa anak sya sa labas kundi dahil sa hindi sya marunong magpasalamat, hindi marunong mag- appreciate. There are lot of good things that happened to him after he married you. Marrying you is the reason why he is now the CEO of Montessa- Montenegro Enterprises. Kaya nga siguro ayaw nyang mag- aral ka dahil sa ayaw nyang mapalitan ang posisyon nya sa share company ng mga Lolo natin."
"Grabe ka naman. Hindi ganun si Draeven. May mga napatunayan naman sya. May mga sariling business naman sya." pagtatanggol ko sa asawa ko.
"Maybe. But marrying you is the reason kung bakit nakapasok sya sa corporate world. It's now easy for him to get investors of his other businesses dahil sa kilala syang CEO. And maybe, he already proving that he is perfect in the position but let's face it Hera-- hindi nya mararating ang narating nya ngayon kung hindi sayo. Kung hindi kayo nagiging mag- asawa, marami pa syang bigas na kakainin para mapatunayan lang ang sarili nya. Lolo won't put him in the CEO position kung hindi kayo ikinasal. Hindi sya maging youngest CEO ngayon. I don't care naman kasi may sariling kompanya naman si daddy para sa aming dalawa ni Kendrick. What I hated is, my asshole brother doesn't know how to appreciate you. He doesn't saw your value as a wife and as a woman. But he is now living the value of being your husband. Napakawalang- kwenta nyang tao."
"Hindi totoong walang kwenta si Draeven."
"It's okay Hera, ipagtanggol mo pa ang asawa mo. Depend him even though he doesn't appreciate you. For him, you just nothing, you are just his worthless wife. He doesn't-----"
Para may itinusok sa puso ko dahil sa sinabi ni Denver. Napakasakit pala talagang marinig kahit sa ibang tao ang lagi kong naririnig mula kay Draeven. Kaya hindi ko napigilan ang tuluyang pamamasa ng mga mata ko.
Napatigil naman si Denver sa pagsasalita nang nakita ang naging reaksyon ko.
"I'm sorry. I didn't mean to hurt you, Hera. I just want to wake you up. I'm sorry if I already crossed the line." ramdam ko naman ang pagsisisi nito sa boses nito.
"I'm not sleeping, Draeven. Dilat na dilat ang mga mata ko. Mahal ko si Draeven. Iyan ang totoo at hindi magbabago iyon." tuluyan nang napatulo ang luha ko. Bakit ko ba minahal si Draeven? Hindi ko alam ang rason, basta nalang akong nagising na sya lang ang gusto. Na gusto ko lang paikutin ang mundo ko para kay Draeven.
Sandaling nakanganga na nakatitig sa akin si Draeven.
"Okay. I'm sorry. I am really sorry." he said it very seriously.
Nasa loob na kami ng kotse, ihahatid ako ni Denver sa bahay namin ng asawa ko. Inihinto nito ang kotse sa labas ng gate nang tuluyan na ako nitong naihatid.
"Salamat Denver!" nakangiti kong sabi dito.
Ngiti lang ang isinagot ni Denver sa akin.
Paglabas ko ng kotse ni Denver, nanlaki ang mga mata ko nang sumalubong sa paningin ko si Draeven, nakasandal sya sa gilid ng gate at nakacrossed arms sya.
Nakauwi na pala sya. Hindi ko inaasahan na maaga pala syang uuwi ngayon. Ano kaya ang ginagawa nya dito sa labas?
"Saan ka galing? Ito ba ang oras na uwian ng isang matinong asawa?" tanong agad ni Draeven sa akin.
"Ano----" parang may bumara sa lalamunan ko. Sinamahan ako ni Denver kanina sa pagpunta sa puntod ng lolo ko, birthday kasi ng lolo ko. Tapos pumayag narin ako sa sinabi nito na kakain na kami sa labas. Hindi ko naman lubos akalain na may maghihintay pala sa akin.
"I invited Hera for dinner. Pumapayat na kasi sya masyado, mukhang wala na syang sapat na kain." si Denver ang sumagot.
"You can go now." walang ka- emosyon- emosyon sabi ni Draeven sa kapatid.
"Goodnight Hera, hindi na ako magtatagal. Tawagan mo lang kung may kailangan ka. You know I always here for you!"
Tumango lang ako at ngumiti kay Denver. Nang nakaalis na si Denver saka palang ako napaharap muli kay Draeven. Kahit pa hindi masyadong maliwanag, pero kitang- kita ko parin ang madilim na anyo ni Draeven. Nakaigting pa nga ang panga nito at matalim ang titig sa akin.
"P- Pasensya kana kung naghihintay ka sa akin, hindi ko kasi-----"
"Naghihintay? Sa tingin mo, baliw ako para gawin yan? May hinihintay nga ako pero sigurado ako na hindi ikaw yon."
Saka naman may huminto na taxi. At mula doon lumabas ang isang seksi at magandang babae.
"Darling, you are so lovely tonight. Kanina pa ako naghihintay sayo." masayang bulalas ni Draeven at nakangiti syang lumapit sa magandang babae at agad na yumakap dito, saka hinalikan ito sa pisngi.
Nag- init ang bawat sulok ng mga mata ko at hindi din nagtagal, agad din tumulo ang luha ko. Sino ang babaeng ito? May mga naririnig ako na may babae daw si Draeven pero ngayon palang sya nagpapunta ng babae dito sa bahay namin. At parang paulit- ulit na sinasaksak ang puso ko habang nakatingin kay Draeven at sa babaeng tinatawag nyang Trixie.