WLR3: Unexpected Friendship!

1936 Words
***Hera's POV*** - "Draeven!" hindi ko mapigilan sambit nang dumaan si Draeven at ang kasama nyang babae sa bungad ko. Nakaakbay si Draeven sa babaeng kasama nya. Lalampasan lang sana ako ni Draeven nang huminto ang babae, kaya napahinto na rin si Draeven at sabay silang dalawa na napaharap sa akin. "Sino sya?" kunot- noo na tanong ng babaeng kasama ni Draeven. "She just--- nothing!" salitang katumbas ng libo- libong asperin na itinusok sa puso ko. "Don't mind her!" "Nothing?" ngumisi ang babae saka napailing. "Paano sya naging nothing kung halos maiiyak na syang nakatingin sa ating dalawa? Asawa mo ba sya?" "Ano naman sayo kung tama ang iniisip mo?" "Ano sa akin? Gago ka pala eh!" binalikwas ng babae ang braso ni Draeven na nakaakbay sa kanya. "What is your problema, huh?" nagalit na si Draeven sa babaeng kasama. "Isa ka lang naman bayarang babae? Makukonsensya ka ba kung magse- s*x tayong dalawa habang nasa labas lang ang asawa ko?" "At talagang gago ka noh! Tarantado! Oo. Bayaran akong babae pero may respeto ako sa mga asawa. At kahit karamihan sa mga naging customer ko ay may mga asawa na, lagi ko parin ipinaalala sa kanila na wag akong gamitin para saktan ang mga asawa nila." "Pwede ba wag ka ngang maghugas kamay dahil madumi kang babae. The moment that you decided to sleep with their husband, nasaktan mo na sila. Ano bang inayaw- ayaw mo?" "Bahala ka sa iniisip mo. Siguro nga. Pero hindi yong harap- harapan na parang isa akong kabit. " "Bweset! Bakit ba masyado kang concern sa babaeng yan? Wala naman yang kwenta? Walang kwenta yang asawa?" Hindi ako nagsasalita. Tulong luha lang akong nakatingin kina Draeven at sa babae. Masakit ang mga salitang binitiwan ni Draeven para sa akin. Tapos hanggang sa kaluluwa ko. "Walang kwenta? Bakit may kwenta ka ba? Hindi mo ba alam na ang hirap intindihin ng ugali mo? Mas pinili ng asawa mo na manatili sayo kahit sinasaktan mo sya. Wala bang kwenta yon? Ikaw ang walang kwenta, hindi ka marunong mag- appreciate ng pagsasakripisyo ng isang tao para sayo." "I didn't ask her to stay, I actually want her to leave. She ruined my life. Kung iyan ang gusto mong marinig. B*tch!" "B*tch na b*tch ako. Tanggap ko yan. Ikaw nga, asshole!" Nanlaki ang mga mata ko nang malakas na sinampal ni Draeven ang babae. Halos tumabingi ang mukha nito dahil sa ginawa ni Draeven. Naawa ako sa babae kaya hinarangan ko si Draeven at baka masaktan nya muli ang babae. "Draeven please, maawa ka sa kanya." tulong luha kong sabi. Napatingin si Draeven sa akin. Masama ang titig nya sa akin. Sa sobrang sama, pakiramdam ko gusto din nya akong sampalin. Saka sya napadura sa gilid na parang diring- diri sya sa aming dalawa ng babae. "B*tch to b*tch! Magsama kayong dalawa! Wala naman kayong pinagkaiba." pagalit na sabi ni Draeven saka nya kami tinalikuran nitong babae na nasampal nya. Tinulungan ko naman ang babae na ayusin ang sarili nito dahil alam ko na nasaktan ito dahil sa ginawa ni Draeven. Hindi man ito napaiyak pero kitang- kita ko sa mga mata nito ang sakit. Namumula nga pisngi nito. "Ang bait mo! Swerte ng walang lalaking iyon. Ako nga pala si Myla. Ikaw?" "Hera." matipid kong sagot. Kasalukuyang nasa ganito kaming pag- uusap nang mabilis kaming napatabi. Dumaan kasi si Draeven sakay ang kotse nito. Mabuti nalang mabilis kaming nakapunta sa tabi. Para kasing walang pakialam si Draeven kung masagaan nya kami ni Myla. "At talagang asshole yong asawa mo. Paano mo natiis na pakisamahan ang lalaking ganun?" si Myla nang tuluyan nang nakalayo si Draeven. Mula sa papalayong kotse ni Draeven, nabaling ang paningin ko kay Myla. Imbes na tumugon sa sinabi nya, inimbita ko sya na pumasok sa loob ng bahay. Nasa may kusina kami ngayon ni Myla. Kasalukuyan syang kumakain. Ininit ko lang ang niluto ko kagabi na hindi kinain ni Dreven, wala naman daw problema sa kanya. Hindi daw kasi sya umaayaw sa pagkain lalo na pag gutom sya. "Pasensya na kung tatanungin kita muli kahit alam kong wala naman akong karapatan. Pero paano mo ba nagawang pakisamahan ang asawa mo? Paano mo nakaya na tiisin lahat ng pananakit ng asawa mo?" kitang- kita ko sa mukha nya ang kuryusidad. Magkaharap kami. Pareho kaming nakaupo. Kumakain sya habang umiinom naman ako ng kape. Kung ang iba, umiinom ng kape para hindi makatulog, ako naman, ito ang pampatulog ko. Hindi ito ordinaryong kape, meron itong melatonin. Pampatulog ang melatonin. May insomnia kasi ako. "Hindi naman ako pinagbuhatan ng kamay ng asawa ko." ang lumabas sa labi ko. "Hindi nga. Pero para ka naman nyang pinapatay sa mga salita nya." tama nyang pagkakasabi. "Alam mo ba, masasabi ko battered wife ang nanay ko nung buhay pa sya. Sa tuwing malalasing kasi tatay ko, nanakit ito at ang nanay ko ang lagi nitong nasasaktan. Tapos isang araw, tinanong ko si nanay, bakit hindi nya magawang iwanan ang tatay ko. Mahal daw kasi nya ito at saka, okay lang naman daw sya, madali lang naman kasing gamutin ang pisikal na pananakit, ang mahalaga daw, hindi sya sinasaktan ng tatay ko ng emosyunal. Mas matagal daw kasing maghilom ang emotional pain kaysa physical pain. Meron din daw emotional pain na hindi talaga naghihilom kahit pa sa mahabang panahon. Iba daw kasi kung yong emosyon na natin ang nasasaktan ng sobra, hindi lang tayo parang sinasampal, tinatadyakan, para pa tayong pinapatay ng paulit- ulit. At saka yong tatay ko, pag hindi sya lasing, sobrang sweet sya sa nanay ko. Problema lang talaga pag nalalasing tatay ko, biglang naging ibang tao. Sakit na talaga ng tatay ko." kwento nya sa akin at nakikinig naman ako sa kanya. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.Tama man ang nanay nya, wala akong pakialam. Kahit kailan, kahit sobra na akong masaktan, hinding- hindi ko susukuan si Draeven. Pag mahal mo ang isang tao, hindi mo ito dapat sinusukuan. Hindi na ako tumugon sa sinabi nya, hinayaan ko sya na ipagpatuloy ang kwento nya. "Nung namatay tatay ko, akala ko makakawala na ang nanay ko mula sa pasakit ng tatay ko sa kanya. Pero na- depressed ng sobra ang nanay ko. Hindi ko talaga maiwasan isipin na baka mas mahal talaga nya tatay ko kaysa sa amin mga anak nya kasi ilang buwan lang sumunod din sya agad sa tatay ko. Kaya, naiwan sa pangangalaga ko ang lima kong kapatid, kakadebut ko lang nung. Kaya walang choice, ako yong eldest child at sa akin lang umaasa ang mga kapatid ko. Hindi ko sila pwedeng pabayaan kaya napunta ako sa ganitong trabaho. Pero no regrets naman, dahil sa trabahong ito, may isang kapatid na ako ngayon na napag- aral ko sa kolehiyo, nasa high school pa yong tatlo, tapos nasa elementary naman ang isa. Ambisyosa ako. Malaki ang pangarap ko sa mga kapatid ko. Ayaw kong matulad sila sa akin." Talagang nakakahanga ang mga babaeng katulad nya. Tunay nga na wag agad huhusga sa isang tao base lamang sa kung ano ang trabaho nila. At sa kung ano ang hitsura nila. Tulad nitong si Myla, prostitute at halos labas na ang kaluluwa sa suot pero mabuting tao at mabuting kapatid. "Mabuti ang kalooban mo, Myla. Balang araw magbabago din ang buhay mo at matutupad din ang mga pangarap mo." "At umaasa talaga ako dyan!" ngumiti sya pero may nakita akong lungkot sa mga mata nya. "Ang sarap nitong pagkain na niluto mo? Ano ba ito?" ngumiti sya muli. Medyo madami na nga ang nakain nya. "Afritada yan." matipid ko naman sagot. "Afritada ito?" laking mata nyang sambit. "Ito pala ang afritada na pang-mayaman. Ang sarap, huh! Ang swerte ng asawa mo sayo. Ang sarap mong magluto. Sabi nga nila 'The way to man's heart is through his stomach'. Dito palang hindi na idagdag ang hitsura mo ay sadyang kaibig- ibig ka na. Tanga talaga yong asawa mo." Pinilit kong ngumiti sa sinabi nya kahit mas lalong bumibigat ang dibdib ko. Kaya siguro hindi ako kaibig- ibig para kay Draeven dahil hindi ko makuha ang panlasa nito. "Hindi kasi nasasarapan asawa ko sa luto ko. Ikaw lang siguro ang nasasarapan sa luto ko." "Really? Ano bang panlasa ng asawa mo? Kung ayaw nya ng maalat, wag mong damihan ng asin, kung maalat naman gusto nya, damihan mo ng asin. Kung tama ang pagluluto mo, nasa pampalasa lang yan." aniya at wala parin tigil sa kakakain. "Hindi ko alam kung paano gawin yan. Natatakot akong magkamali at baka mas lalong sumama yong lasa." "Eh di, tikman mo! Ang dali lang naman!" "May problema ako sa panlasa ko. Wala akong panlasa." matipid kong sagot. "Really?" laking mata nyang sambit. "So, ibig sabihin, hindi mo alam ang lasa ng kapeng iniinom mo ngayon?" Tumango ako bilang kasagutan sa tanong nya. "Mukhang kakaiba ka. Gusto kita." masayang bulalas nya. "Bisita ka naman minsan sa club, meron kaming mga macho dancer doon. Para ma- triggered naman yong asawa mo. Maisip nya na kung kaya nyang pumunta sa isang club, kaya mo rin." napaawang ang labi ko sa sinabi nya. "Hindi kita tinuturuan na maglandi. Ganito kasi yon, baka naman kasi kaya ka gina-ganyan ng asawa mo kasi lagi mong ipinaramdam sa kanya na hindi sya kapalit- palit. Na hindi mo kayang maghanap ng iba. Na hindi mo sya kayang palitan. Kumakapal kasi ang mukha ng lalaki pag hindi sila na- cha- challenge. Kailangan pa kasing paselusin ang ibang lalaki para ma- realized nila na mahalaga sa kanila ang asawa nila. Na mahal pala nila ito. Iyan ang sabi sa akin ng isang customer ko noon. Saka palang nya na- realized na mahal na mahal pala nya ang girlfriend nya nung nagkaroon na sya ng karibal dito." "Ganun ba? Sa iba siguro, pwede yan pero sa aming dalawa ni Draeven, hindi yan uubra. Hindi ako mahal ng asawa ko. Kaya hindi maganda ang trato nya sa akin." "Anong hindi? Pakakasalan ka ba nung kung hindi? Hindi naman nawawala ang love, ito ay----" "Arranged marriage lang ang dahilan kaya kami ikinasal ni Draeven. Tinatakot sya ng lolo nya na walang makukuhang mana pag hindi nya ako pakakasalan." Sandaling napaawang ang labi nya. "Wow, iba din pala kayong mga mayayaman, ginagawa nyong laro- laro ang kasal lang. Hindi ba uso sa inyo ang marry the one that we love?" inosenteng pagkakasambit nya pero tagos talaga sa puso ko. Kung alam lang nya na kasalanan ko lahat kung bakit naikasal si Draeven sa akin. "Pero seriously, follow what I say. Subukan mong paselusin ang asawa mo. Malay mo, ma- realized nyang love ka pala nya. Hindi naman kasi magseselos ang isang lalaki kung wala syang gusto sa isang babae. Paraan mo na rin yan para ma- test mo kung may pag- asa ka bang mahalin ng asawa mo." Napatitig ako sa kanya. Ewan ko kung bakit napaisip pa ako sa sinabi nya. "Paano kung hindi magselos ang asawa ko?" baka naman kasi mas ikatuwa pa ni Draeven pag makita nitong may ibang lalaki akong pinagtuunan ng pansin. "Itatanong mo pa ba yan? Bumitaw ka! Sayang ang ganda mo kung maging martir ka lang dahil sa asshole na yon." "Hindi asshole si Draeven!" kontra ko sa kanya. "Mahal nga! Ipinagtanggol eh!" pa- sarkastik nyang sinasabi. "Alam mo wala ka nang pag- asawang magising. Hihintayin ko nalang na magkaroon ka ng amnesia para pwede ko nang pagtawanan ang Draeven na yon." Tama sya. Ito lang siguro ang solusyon ko para makalimutan si Draeven. Pero gustuhin ko ba talaga na magkaroon nito para makalimutan lang si Draeven? Ewan ko. Ayaw ko kasing kalimutan ang asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD