Sean
Kanina pa naka park sa gilid ang kotse nya. Halos kalahating oras na s'yang nag-aabang sa babaing nakita n'ya sa campus kanina. Gusto n'yang matiyak kung ito nga si Samantha na nakatira sa bahay na tinitignan n'ya ngayon, katabi ng bahay ni Ashley. Naiinip na nga s'ya dahil para na s-yang tangang, sulyap ng sulyap sa may gate ng bahay. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay pero moderno, hindi rin ganoon kalawak ang bakuran non, tulad nang naaalala nya ng gabing tumalon sya sa bakod. Ewan ba n'ya kung bakit curious na curious s'ya sa Samantha na nahalikan n'ya. Hindi tuloy ito mawala sa isip n'ya, at kung sakaling ang babaing nakita n'ya sa campus at si Samantha na nahalikan nya ay iisa. Hindi na s'ya magsasayang ng panahon, lalapitan na n'ya ito agad at gagawa ng paraan para mahulog ito sa kanya. Alam n'yang malayo sa mga tipo nya at itsura ng babaing nakita n'ya sa campus kanina.
Unang-una ayaw n'ya sa babaing may braces sa ngipin, mahirap halikan ang mga 'yon, ayaw n'ya ng may istorbo, pero nasubukan na n'yang halikan si Samantha, at masasabi n'yang hindi naman s'ya nahirapan. Well brief kiss lang naman 'yon kaya hindi pa s'ya ganoon ka sigurado. Marami na s'yang naka date na babae, wala s'yang pinipili bata man o matanda sa kanya, basta hot at game ok sa kanya. Pero wala pa s'yang naka date na may braces, dahil ayaw n'ya sa mga may braces.
Pangalawa, ayaw n'ya sa style nitong manamit. Hindi moderno, mas type n'ya yung naka skirt at medyo litaw ang kaluluwa para naman ganaan sya.
Pangatlo, ayaw din n'ya sa nerdy glasses nito, although bagay naman rito at alam nitong dalhin 'yon.
Pang apat, ayaw n'ya sa babaing pag naglalakad sa campus hindi tumitingin sa paligid. Dahil alam n'yang mababa ang confident ng mga babaing ganoon, at turn off sa kanya ang babaing walang tiwala sa sarili.
Well, marami man s'yang ayaw pa sa babaing nakita sa campus, andito pa rin s'ya sa di kalayuan sa inaasahan nyang bahay nito, para masagot ang curiousity n"ya kung ito nga ba si Samantha na nahalikan n'ya. Ilang beses na s'yang napatingin sa mamahaling wrist watch at naiinip na rin s'ya, pero wala pa ring Samantha sa gate.
Bumuntong hininga s'ya, naiinip na talaga s'ya at hindi ang tipo n'ya ang mahaba ang pasensya. Inis na binuhay ang makina ng kotse, marahil hindi si Samantha ang babaing nakita n'ya sa campus kanina, marahil may pagkakahawig pero hindi ito iisang tao.
Paalis na s'ya ng may mapansing itim na Montero na huminto sa tapat ng gate na binabantayan n'ya. Mabilis n'yang pinatay muli ang makina ng kotse at inilapit ang mukha sa tinted na salamin. Hindi naman s'ya makikita ng mga ito.
Unang lumabas ang lalaking nasa driver seat, kaagad n'ya itong nakilalang si Harvey Dela Serna. Ang mga Dela Serna ang nagmamay-ari ng mga H.Dela Serna Bank sa San Miguel. Kilala n'ya ito dahil may magandang kapatid itong babae, na si Hainna Dela Serna na dating pinopormahan ng pinsan nyang si Bryan. Pero hindi umubra ang pinsan sa tinatawag ng lahat na Dela Serna Princess, dahil ito ang nag-iisang anak na babae ng mga Dela Serna.
Napakunot noo s'ya kung bakit isang Dela Serna ang naroon sa tapat ng bahay nila Samantha. Nagmasid pa s'ya at nakita na n'yang bumaba ang babaing sakay ng passenger seat. Humugot s'ya ng malalim na paghinga ng makita ang babaing nakita n'ya sa campus ang bumaba sa magarang sasakyan ni Dela Serna.
Nakakasigurado na s'yang si Samantha ang babaing umagaw ng pansin n'ya kanina sa campus. Lumalim lalo ang kunot sa noo n'ya habang nakatingin sa dalawa. Maaari kayang may relasyon ang mga ito? Kilala n'ya si Dela Serna madalas din sa mga party pero hindi n'ya ito katulad na matakaw sa babae. Pero hindi n'ya inaasahan kay Dela Serna na isang simpleng babae lang ang idine-date nito. Well s'ya nga din naman hindi n'ya inaasahan sa sarili na bumalik sa bahay ni Samantha at maghintay rito ng halos isang oras.
Matagal pang nag-usap ang dalawa bago nagpaalam si Dela Serna kay Samantha. Hinihintay n'yang halikan ni Harvey si Samantha pero hindi 'yon nangyari. Simpleng kaway lang ang ginawa ng mga ito. Napasandal s'ya sa upuan ng kotse at hindi inaalis ang mga mata kay Samantha.
Simple pero malakas ang dating ni Samantha. Kahit s'ya nagtataka sa sarili kung bakit at paano nagawa ni Samantha na makuha ang atensyon n'ya. Kailangan n'yang mapalapit kay Samantha, wala s'yang pakialam kung isang Dela Serna ang makakabangga n'ya, hindi naman rin s'ya isang simpleng tao lang sa San Miguel, isa s'yang Monteverde. Kinikilala din ng mga taga San Miguel ang mga Monteverde, dahil sa malalaking negosyo nila sa ibang bansa at sa Maynila. Masasabing sa loob ng San Miguel wala silang negosyo pero alam ng lahat kung anu-ano ang meron sila sa labas ng San Miguel.
"Where have you been?" Tanong ni Joshua ng gabing nagkita-kita sila sa VincElla hotel sa bar na pinapagawa na ni Vincent sa ground floor ng VincElla hotel.
"May dinaanan lang ako," Tipid na sagot n'ya dahil halata sa mukha ni Joshua ang irita sa kanya. Alam naman n'ya ang dahilan nito si Aya. Over protective si Joshua kay Aya, kahit sabihin na hindi naman nito tunay na kapatid si Aya.
"Babae nanaman," sabi ni Vincent at inabutan s-ya ng bote ng beer.
"Sort of," nakangiting sagot n'ya rito at pasimpleng sinulyapan si Joshua na walang ekspresyon ang mukha.
"Who's the unlucky girl?" Tanong ni Vincent ng maupo sa kabilang silya.
"You mean lucky," Pag tatama pa n'ya rito.
"Kababalik mo lang Sean, pero nag iingay kana sa San Miguel," sabat ni Joshua.
"San Miguel girls are better than London girls," sagot n'ya sabay inom ng alak sa bote.
"I know," sagot ni Joshua at sumilip sa cellphone na umilaw.
"I have to go," paalam ni Joshua matapos may mabasa sa cellphone nito.
"Kararating lang ni Sean, nagsisimula palang tayo," sabi ni Vincent, na nais pigilan si Joshua.
Hindi s'ya kumibo at dumukot ng sigarilyo sa bulsa, sinindian n'ya 'yon at inilagay sa bibig. Sa kanilang tatlo s'ya lang ang naninigarilyo, nakuha n'ya ang paninigarilyo ng magtagal sya sa Londo, at doon nag-aral ng highschool. Nabarkada rin s'ya kaya pinabalik s'ya ng Papa't Mama n'ya sa San Migue.l Baka daw hindi s'ya maka graduate kung doon n'ya ipagpapatuloy ang pag-aaral.
"Busy man," sagot ni Joshua at nagpaalam na sa kanila. Tumango lang s'ya rito at nagbuga ng usok sa taas.
"So, ano nakilala mo na sya?" Vincent asked.
"Sino?" Tanong n'ya. At umitit sa sigarilyo.
"The un-modern chick," natatawang sagot ni Vincent sa kanya. Natawa pa s'ya sa tinuring nito kay Samantha un-modern chick.
"She is Samantha," Sagot n'ya at inilapag ang stick ng sigarilyo sa ashtray.
"Even her name sounds un-modern,"
"But she's beautiful right?"
"Yeah she is, but I know she is not your type"
"There is nothing wrong, if I'm going to try something new. New for my taste," sagot n'ya kay Vincent at muling umitit ng sigarilyo.
"Well, goodluck," sabi nito at sinuntok pa s'ya nito sa balikat.
"I saw her with Dela Serna," sabi n'ya, at uminom ng alak sa bote.
"Which Dela Serna?"
"Harvey Dela Serna,"
"Oh..." tanging nasagot ni Vincent.
Marahil alam din nito na hindi basta-basta ang mga Dela Serna. At kung sakaling hawak nga ni Dela Serna si Samantha, wala syang magagawa, kundi agawin ito rito. What Sean Monteverde wants, Sean Monteverde gets.
"what is your plan? How will you snatch her from Dela Serna?" Tanong ni Vincent. At inabutan s'ya muli ng bote ng beer. Hindi n'ya namalayan ubos na pala ang hawak n'ya.
"I'm going to have a party this friday night. Sa bahay and I'm going to invite Dela Serna and this girl Samantha," Sagot n'ya.