Chapter 3

1301 Words
Samantha "Sorry, Sam ang tagal kasi ni Mr.Perez magpalabas eh," bungad ni Harvey ng lapitan s'ya nito sa may guard house. Sam ang karamihan na tawag sa kanya ng mga malapit sa kanya, pati ilang mga ka eskwela. Bihirang-bihirang may tumatawag sa kanyang Samantha. May usapan kasi sila ni Harvey na magkikita sa guardhouse, para magpunta ng Ice Cream House at sabay ihahatid na rin sya nito. "It's ok," nakangiting sagot n'ya at ngumiti rito. Kaibigan n'ya si Harvey Dela Serna, mula pa pagkabata magkaibigan na sila. Minsan nga tinutukso na ng Mommy n'ya si Harvey sa kanya. Pero pareho nalang nilang hindi pinapansin 'yon ni Harvey. Dahil ayaw nilang magkailangan sa isat-isa. Magkapatid ang turingan nila sa isat-isa, isa pa maraming magagalit sa kanya pag naging sila ni Harvey. Isang engineering student si Harvey at nasa 3rd year college na ito mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon. Alam n'yang maraming naghahabol na mga babae kay Harvey Hindi lang dahil gwapo ito, may kaya din ito sa buhay at masasabi n'yang mabait ito, gentleman at hindi ganoong kababaero. Siguro dahil na rin sa may kapatid itong babae si Hainna Dela Serna, nunso sa tatlong magkakapatid na Dela Serna. "Let's go," anyaya nito sa kanya at dinampot ang mga libro n'ya sa may mesa. "Sorry pala last saturday hindi ako naka attend sa debut mo. Sii Hainna kasi nagpasama sa Maynila, ang trapik kaya hindi na ko naka abot," paumanhin nito habang naglalakad sila palapit sa Montero nito. Kahit papano nalungkot s'ya ng hindi ito, naka attend sa birthday n'ya, pero ganoon pa man may isang pangyayari naman ng gabing 'yon ang hindi n'ya makakalimutan kahit kailan. Her first kiss with Mr. Sean Monteverde. Napahawak pa s'ya sa mga labi ng maalala ang paghalik ni Sean sa kanya. Napangiti s'ya at napasulyap sa labas ng bintana. Alam n'yang balewala lang kay Sean ang paghalik nito sa kanya, dahil sa napakababaero nito. Baka nga hindi na maalala pa ni Sean na nahalikan s'ya nito. Pero ikinatuwa n'ya ng sabihin ni Sean ang pangalan n'ya, Samantha. Nagtaka pa s'ya kung bakit alam nito ang pangalan n'ya, hindi naman s'ya hot tulad ng mga kilala nito sa SMU. Pero labis n'yang ikinatuwa 'yon. "Why are you smiling?" Tanong ni Harvey. Nilingon n'ya ito na nakangiti habang nakatingin sa kanya. "Nothing," saot n'ya na hindi pa rin mawala sa mga labi ang ngiti. Inayos pa n'ya ang salamin sa mata, at muling binalik sa labas ng bintana ang tingin. "Did I missed something at your party?" Tanong ni Harvey pagdating nila sa Ice Cream House. "Nothing special," mabilis na sagot n'ya. Kahit kaibigan n'ya si Harvey hindi pa rin n'ya basta-basta masasabi rito ang tungkol kay Sean. Nahihiya s'ya rito, isa pa lalaki ito, baka sabihin n'ya na bakit kailangang big deal pa sa kanya ang simpleng halik ni Sean. "Wala ka bang nakilalang espesyal birthday mo?" "Huh?" Nagulat pa s'ya at muntik ng masamid sa tanong nito. "Bakit gulat na gulat ka?" Natatawang tanong nito habang kumakain ng ice cream. "Wala, wala naman," mabilis na sagot n'ya. Sino ba naman ang makikilala n'ya sa debut n'ya, eh lahat ng mga umattend ka eskwela lang n'ya at ilang mga anak mayaman na sadyang inimbita ng Mommy't Daddy n'ya, para naman daw makilala s'ya at baka sakaling mapansin sya. Ang bagay na 'yon ang madalas n-yang ikinaiinis sa mga magulang, parang atat na atat ang mga ito na magka boyfriend s'ya ng mayaman. Hindi naman siguro sila gagapang sa hirap kung sakaling mahirap lang ang maging boyfriend n'ya. "Akala ko pa naman may ikukwento ka na sa aking manliligaw mo," sagot nito at kumuha ng ice cream sa bowl n'ya. Hindi n'ya ito sinaway, sanay na s"ya sa mga ganoong kilos ni Harvey. "Asa ka pa! Eh mukhang wala na nga akong pag-asa eh," nakasimangot na sagot n'ya, at nilayo ang bowl ng ice cream sa kanya. Nawalan na s'ya ng ganang kumain. Pakiramdam kasi n'ya walang nagkakamaling magka gusto sa kanya. Hindi naman s'ya pangit, 'yun nga lang hindi rin s'ya maganda, tulad ng mga naggagandahan sa SMU, na parang mga model kung manamit at magdala ng mga sarili. Samantalang s'ya, walang lakas loob na magsuot ng mga modernong damit. Masaya naman s'ya sa kung ano lang ang nasusuot n'ya dahil at least kumportable s'ya sa suot nya. Pero syempre minsan pangarap din n'yang pagtinginan ng mga gwapong ka eskwela habang naglalakad sa campus nila. Parang ang sarap kasi sa pakiramdam non. Pero syempre isa lang 'yon sa libong pangarap n'ya sa buhay. "Sam, you're beautiful with classy attitude," sabi nito at pinisil pa sy'a sa pisngi. "If I am beautiful, then why hanggang ngayon wala pang nanliligaw sa akin?" N Nakasimangot na tanong n'ya. Dahil gusto na n'ya talagang maranasan ang maligawan, 'yun bang may pupunta sa bahay nila at magdadala ng mga bulaklak at chocolates. Pagkatapos ihahatid at susunduin s'ya sa SMU, o di kaya 'yung kakain sila sa labas bago umuwi. Parang ang sarap sa pakiramdam ng ganon, pero kailan ba n'ya 'yon mararanasan? "Come on, 18 ka palang huwag kang magmadali, who know's parating na si Prince charming mo," "Paasa ka naman eh! Ilang taon muna bang sinasabi sa akin yan?" Taas kilay na tanong n'ya rito. Dahil sa tuwing mag-uusap sila nito tungkol sa mga ganitong bagay, lagi nalang isinasagot nito na huwag syang magmadali, parating na si Prince Charming mga pampalubag loob na sagot nito sa kanya. "Sam, hindi kita pinapaasa lang. Darating din s'ya soon," sagot nito at kinindatan pa s'ya. "Ewan ko sa iyo," Nakasimangot na sagot n'ya. Si Harvey lang ang kaibigan n'ya, wala syang kaibigan na babae, kaya naman nagtitiyaga lang sya rito na magsabi ng mga feelings nya, kahit madalas hindi sya nito naiintindihan. Ewan ba n'ya kung bakit parang ang hirap sa kanya ang makipag kaibigan sa mga kaklaseng babae. Para s'yang walang tiwala sa mga ito, o tamang sabihin na na iinsecure s'ya sa kapwa nya babae, lalo na't pag maganda ito at malakas ang dating. Kaya naman hindi nalang s'ya nakikipag kaibigan. Bamahay eskwela lang s-ya at kung mamamasyal sa labas tiyak si Harvey lang ang kasama n'ya wala ng iba. Tulad ngayon nasa Ice Cream House. Para silang nag de-date dahil karamihan ng mga naroon mga couples, sila naman friendly date. At nagpapasalamat s'ya dahil laging may oras sa kanya si Harvey. "Bye, Harvey thank you for the ride" Paalam n'ya kay Harvey ng makababa na ng kotse nito. "Anytime," sagot nito at nagpaalam na rin sa kanya, kaya naman tumalikod na s'ya para pumasok sa gate ng bahay nila. Napasulyap pa s'ya sa kapitbahay nila na si Ashley na kabababa lang ng magarang sasakyan sa tapat ng gate nito. Napatingin s'ya rito at naalala si Sean Marahil si Ashley ang kasama ni Sean ng gabing tumalon ito sa bakod nila. p Pasimple pa n'yang sinilip kung si Sean ang naghatid kay Ashley pero hindi, ibang lalake ang kasama nito. Napalunok sya habang pinagmamasdan si Ashley. Maganda ito blonde ang kulot na mahabang buhok nito. Nakasuot ito ng fitted white blouse with leather jacket, black skirt with black stocking and red killer heels shoes. Marahil mga ganito ang tipo ni Sean fashionista at halos litaw na ang kaluluwa. Humugot s'ya ng malalim na paghinga at nalipat sa lalaking kausap ni Ashley ang mga mata. Gwapo din ito, funky ang style, malayo sa neat but astig na style ni Sean. "What do you want?" Mataray na tanong ni Ashley. Marahil napansin nito na kanina pa s'ya nakatitig sa mga ito. "Ah... nothing," Umiiling na sagot n'ya at mabilis na tinulak ang gate papasok. "Loser," narinig pa n'yang sabi ni Ashley bago s'ya tuluyang nakapasok ng gate. "b***h," Mahinang bulong n'ya at natuptop pa ang sariling bibig, nabigla sa nasabi n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD