Samantha
Nagulat s'ya ng pagbukas ng locker may nakaipit na pulang papel doon. Kunot noong n'yang kinuha 'yon at binasa. Lalong lumalim ang kunot sa noo n'ya ng mabasang invitation 'yon sa party ni Sean Monteverde. Sa mismong bahay nito sa Tragora Subdivision. Hindi naman kalayuan mula sa bahay nila.
"What?" Tanong nya sa sarili at napasandal sa locker.
"Hey, Sam what's up?" Nakangiting bati ni Harvey sa kanya ng makalapit ito sa kanya.
"Hey" Sabi n'ya at winagayway ang hawak na pulang invitation.
"That's Sean Monteverde invitation," sabi nito ng makita ang hawak n'ya, at may dinukot din ito sa likod ng bulsa ng pantalon nito.
"I'm invited too, " sabi nito at pinakita ang invitation card tulad ng hawak n'ya.
"Weird," bulong n'ya.
Alam n'yang madalas umattend ng party ni Sean si Harvey, minsan nga sinubukan s-ya nitong isama kaso tumanggi s'ya. Dahil alam naman n'yang ma a-out of place lang s-ya doon. Alam n'yang maliban kay Harvey wala ng iba pang papansin sa kanya.
"Why?" Tanong nito.
"This is my first party invitation," sagot n'ya. Dahil 'yonn ang totoo. Si Sean Monteverde ang unang nagbigay sa kanya ng invitation. Tuwing friday night halos nag pa-party ang mga kasing edaran n'ya sa San Miguel, pero ni minsan hindi pa sya na invite. At ngayon sa party pa ni Sean s'ya unang na invite na lubos n'yang pinagtatakhan. Hindi kaya nakilala na s'ya ni Sean matapos ang insedente sa likod bahay nila, nang gabi ng debut n'ya?
"Don't think too much, umattend ka nalang para ma experience mo. Beside kasama mo naman ako," sabi ni Harvey sa kanya bago ito nagpaalam, dahil may klase pa ito. Tumango nalang s'ya para hindi na humaba pa ang usapan nila.
"Samantha,"
Tawag mula sa likuran n'ya habang naglalakad papunta sa next classroom nya. Nilingon n'ya ang tumawag at nanlaki ang mga mata n'ya ng makita si Sean sa may likuran. Nakasuot lang ito ng puting shirt, ripped jeans at itim na chuck taylor. Napalunok pa s'ya matapos masuri ang napaka simpleng suot nito pero ang lakas ng dating.
"Hi," nakangiting bati ni Sean.
"Ah... Hi," alanganing bati n'ya rito.
Ngayon lang n'ya ito napagmasdan ng malapitan at maliwanag, hindi tulad ng gabi sa likod bahay nila. Napalunok s'ya muli habang pinaglalandas sa gwapong mukha ng kaharap ang mga mata. Napa nganga pa s'ya ng mapatitig sa mga magagandang mga mata nito. May pagkakahawig pala si Sean sa actor na si James Dean.
"Are you ok?" Tanong nito na marahil nagtataka sa weird na kinikilos n'ya.
"Ah...." tanging nasabi n'ya, at nagbawi ng tingin rito. Inayos pa n'ya ang salamin sa mga mata na parang nalalaglag na rin sa sobra titig n'ya kay Sean. Tumigas ang likod n'ya at tumayo ng tuwid. Alam n'yang hindi ganoon kaganda ang suot n'yang bestida na umabot sa lagpas tuhod n'ya, at puting keds na paborito n'yang isuot.
"Did you got my invatation?" He asked.
"Ah... yeah," tipid na sagot n'ya. Hindi n'ya alam kung paano mag react sa napaka intimidating na kaharap.
"I hope maka attend ka. I really want to talk to you," sabi nito. Kumurap-kurap pa s'ya at pinipilit na huwag tignan ito para hindi s'ya ma distract.
"Talk to me about what?" Tanong n'ya, at lihim na dinadasal na hindi sana tungkol sa paghalik nito sa kanya. Sa kanya importante 'yon, pero alam n'yang balewala na 'yon kay Sean.
"About what happened at your birthday party," sagot nito. Nagbuka s'ya ng bibig pero walang salitang lumabas sa bibig n'ya. Naramdaman n'ya ang pamumula ng magkabilang pisngi n'ya.
"I guess you want to talk about it too," P
patuloy nito. Nanatili lang s'yang walang kibo, hindi alam ang isasagot.
"Ah....-"
"Hi Sean!"
Bati ng isang magandang babae na huminto pa sa mismong tabi ni Sean. Ang umagaw sa atenayon nila. Hindi n'ya tuloy natuloy ang sasabihin sana n'ya kay Sean.
"Hey, Ruby!" bati ni Sean sa katabing babae nito. Sinulyapan s'ya ni Sean. Nagkibit balikat lang s'ya at sinulyapan ang babaing confident na nakatayo sa tabi ni Sean.
Naka fitted dress ang babae at masasabi naman n'yang maganda ang katawan nito, may malaki itong hinaharap at tamang laki ng pang upo, na lalong nagpa hubog sa suot nitong apit na mini dress. Maiksi lang buhok nito, pero bagay naman rito o sadyang alam lang nito dalhin ang ganoong hairstyle. Nakaramdam nanaman s'ya ng panliliit sa sarili dahil walang-wala s'ya sa magandang katawan ng babae sa tabi ni Sean.
"About the party sa friday night, can I bring some of my squad?" Maarteng tanong ng babae na tinawag ni Sean na Ruby.
"Yeah, sure, sure why not," polite na sagot ni Sean, at sinulyapan s'ya na napaka awkward nakatayo sa harapan ng mga ito.
"Thank you Sean," sabi pa ng babae at hinawakan sa chin si Sean, with appealing beard na lalong nagpapa astig sa dating nito. Bumuntong hininga s'ya dahil halatang-halata n'ya na nag pi-flirt ang babae kay Sean. Pinaikot lang n'ya ang mga mata at mabigat ang loob na tinalikuran ang dalawa.
"Ah.. Samantha wait,"
Narinig pa n'yang pigil ni Sean sa kanya. Masasabi n'yang may kakaiba s'yang nararamdaman sa tuwing tinatawag ni Sean ang pangalan n'ya. Hindi s'ya sanay na tawaging Samantha o sadyang may kakaibang dating lang talaga pag si Sean ang tumatawag sa pangalan nya.
"Why?" Mahinang tanong n'ya at humarap. Nagulat pa s'ya ng nasa harapan na n'ya si Sean. Nilingon n'ya si Ruby na masamang nakatingin sa kanya, at dali-daling tumalikod at naglakad palayo. Hinayaan lang n'ya ito at binalik kay Sean ang atensyon.
"I haven't introduce myself yet," sabi ni Sean, at dahil sa sobrang lapit nito sa kanya, naamoy n'ya ang mabangong pabango nito, at ang sarap nitong amuyin.
"I'm Sean Monteverde," nakangiting pakilala nito at inilahad pa ang kamay para makipag kamay ito sa kanya. Napasulyap s'ya sa malapad na kamay nito. Hindi n'ya alam kung gaano nagtagal ang mga mata n'ya sa mga kamay ni Sean, basta nagulat pa s'ya ng biglang tumikhim si Sean at napa angat sya ng mukha, deretso sa mga magagandang mata nito.
"You're Samantha right?" Tanong nito.
"Ah... I'm Samantha Cruz," porrmal na pakilala n'ya. Nagdalawang isip pa kung makikipag kamay s'ya kay Sean, pero dahil ayaw n'yang makahalata ito na may kakaiba s'yang nararamdaman, iniabot na n'ya ang kamay nya rito. Kaagad n'yang naramdaman ang mainit na palad nito na yumakap sa kamay n'ya.
"Nice meeting you Samantha," He said and there was something unusal about Sean saying her name. He truly can felt him under her skin.
"You can call me Sam," sabi n'ya at pasimpleng binawi ang kamay na hawak parin nito. Ngumiti lang ito sa kanya at inilagay sa dalawang bulsa sa likod ang mga kamay nito.
"So see you, friday night Samantha," sabi nito na parang hindi narinig ang sinabi n'yang Sam nalang ang itawag sa kanya. Tulad ng tawag sa kanya ng karamihan, dahil may kakaiba syang nararamdam sa simpleng pag banggit lang ni Sean sa buong pangalan n'ya.
"Goodbye Samantha," Paalam pa nito at tumalikod na.
Naiwan s'yang nakasunod ng tingin pa rin kay Sean, at parang nag e-echo sa buong pasilyo ang boses ni Sean na tinatawag s'yang Samantha.