Chapter 2

1094 Words
Sean "That was fun pare! Iba ka talaga!" Natatawang sabi ni Vincent sa kanya ng magkita sila ng kaibigan sa campus. Kinuwento n"ya rito kung paano s'ya nakatakas sa bahay ni Ashley, isang 1st year college student sa SMU. Hindi n"ya maalala kung ano ang course nito, o sadyang hindi n'ya alam, dahil nakilala lang n'ya si Ashley sa party ng pinsan n'yang si Bryan. Pagkatapos non, niyaya na s'ya nitong pumunta sa bahay nito. Hindi naman s'ya bata pa para hindi malaman kung bakit s'ya niyaya ni Ashley sa bahay nito. Bakit pa ba s'ya tatanggi grasya na nga ang lumalapit. "Paano kung nahuli ka di lagot ka sa Daddy n'ya!" Natatawang sabi pa ni Vincent. "Lagot talaga! Baka ma pikot pa ko!" Iritang sagot n-ya. Malalagot talaga s'ya kung hindi s'ya mabilis na nakatakbo palabas ng bahay nila Ashley. Buti na lang kaagad s'yang nakakita ng bakod na pwede n'yang lusutan. Dahil sa katakawan n'ya ng babae, kung anu-ano na nangyayari sa kanya. Napangiti s'ya ng maalala ang pagtalon n'ya ng bakod, dahil nakita n'ya si Samantha sa kabilang bakod. Hindi n'ya ito kilala, pero nakakasigurado s'yang dito sa SMU nag-aaral si Samantha. Nabasa lang n'ya sa malaking banner ang Happy Birthday Samantha, kaya nalaman n'yang Samantha ang pangalan ng babaeng nakita nya sa may kabilang bakod. Lalong lumalim ang ngiti n'ya ng maalalang hinalikan n'ya ito, wala sa loob na napahawak pa s'ya sa mga labi sa ala-alang 'yon. "Napaka manyak mo talaga!" Sabi ni Vincent at binato s'ya ng papel. "Iba ang manyak sa walang grasyang tinatanggihan," sagot n'ya at napansin ang babaeng naglalakad sa malawak na campus. Mag-isa lang itong naglalakad, nakalugay ang katamtamang haba ng itim na buhok. Naka nerdy glasses ito, pero hindi mukhang nerd or weird. Bumagay rito ang frame ng chicky nerdy glasses nito, may katangkaran ito. Hindi ganoon kaputi, tama lang pero halatang makinis ang balat. Nakasuot ito ng hindi naman modernong damit, sadyang hindi lang siguro panahon ang suot nito. Simpleng puting polo sleeve at skirt na lagpas sa tuhod nito, at white keds shoes. Kumunot ang noo n'ya at pinagpatuloy ang pagsuri sa babae. May bitbit itong mga libro at may malaking bag pa na nakasabit sa balikat nito. "Don't tell me pare you want her to be your next victim," narinig n'yang sabi ni Vincent. Nakasunod pala ng tingin sa tinitignan n'ya. "Ah...," tanging nasabi n'ya at nilingon ang kaibigan. "I know you pare," nakangiting sabi nito. "Weird lang kasi, hindi sya mukhang nerd although she is trying to look nerd," sagot n'ya at liningon muli ang babae. Pero wala na ito sa campus. Nilingon-lingon pa n'ya ang paligid, pero hindi na n'ya ito makita. Nagkibit balikat lang s'ya at naupo sa tabi ni Vincent. "You know her?" Tanong n'ya rito. "Pare hindi ako notorious na tulad mo, lahat na lang ng babae kilala mo" "Kababalik ko lang pare, kailangan ko ng bagong kalaro," "Tumigil ka na nga sa paglalaro na 'yan, baka ma karma ka" "Nope, actually I really like Aya, kaso iniiwas ni Joshua eh," sabi n'ya, at naglabas nga stick ng sigarilyo. "Non smoking area to," saway ni Vincent. "Kung ako ang kapatid ni Aya, iiwas ko din s'ya sa notorious na tulad mo," Dagdag pa nito at inagaw ang stick ng sigarilyo sa kamay nya. Alam naman n'yang bawal manigarilyo sa loob ng campus. Hindi naman n'ya sisindihan 'yon, paglalaruan lang naman n'ya sa bibig. "As if naman kakataluhin ko kayo ni Joshua," sagot n'ya. "Eh bakit mo dinidikitan?" "Mama ni Joshua ang nagsasabi sa aking pwede kong ligawan si Aya," Sagot n'ya. Dahil 'yon naman ang totoo, kahit s'ya nagtataka bakit todo tulak ang Mama ni Joshua sa kanya na ligawan n'ya si Aya, kahit napakabata pa nito. 15 palang si Aya, pero dalaga na ito kung magkikilos. Kahit sinasabi nilang notorious s'ya at lahat pinapatulan n'ya. Hindi naman n'ya sisirain ang pagkakaibigan nila ni Joshua. Pagkatapos ng klase kaagad n'yang nakita si Ashley sa tapat ng sports car n'ya. Matapos ng mga nangyari kagabi ayaw na n'ya rito. Isa pa ano pa ba gagawin nya rito eh tapos na s'ya rito. Nakuha na n'ya ito ng ilang beses. "Hi, Sean," Bati nito sa kanya ng makalapit na s'ya sa kotse n'yang sinasandalan ni Ashley. Alam n'yang sadya s'yang hinihintay ni Ashley sa kotse n'ya. "What are you doing here?" Matamlay na tanong n'ya para ipakita na hindi s'ya interesado, na tapos na sila nito. "Don't you miss me?" Maarteng tanong nito at hinawakan ang kwelyo ng polo shirt n'ya. Mabilis n'yang inalis ang kamay nito. "Don't you know my rules?" "What rules Sean?" Kunot noong tanong nito. "Once is enough, twice is too much" Sagot n'ya. "What do you mean?" "Game over Ashley, find another guy, I will find a new girl," sagot n'ya at ngumiti pa rito, bago tinalikuran ito. At sumakay sa kotse. Kitang-kita pa n'ya ang gulat sa mga mata ni Ashley. Sanay na s'ya sa mga tulad ni Ashley, alam n'yang ang mga tulad nito ang nagsusubok na ma hook s'ya. Pero mas matalino s'ya rito. Pasimula palang ito, tapos na sa kanya. Papalabas na s'ya ng gate ng campus ng makita nanaman ang babaeng umagaw ng atensyon nya kanina. Nakaupo ito sa guard house, marahil naghihintay ng sundo. Binagalan n'ya ang pagmamaneho para makita ng mas matagal ang babae. Mas malapitan ito ngayon, kaya kitang-kita n'ya kung gaano kaganda ang mga mata nito. Bilog na bilog ang mga mata nito, at may kakapalan ang kilay, matangos ang ilong nito at may makapal na labi, na syang usung-uso sa mga celebrities ngayon. Karamihan nga nagpaparetoke pa, para lang ma achieved ang magandang pout lips na meron ang babaing tinitignan n'ya ngayon. Isama pa na naka braces ang mga ngipin nito. Ayaw n'ya sa mga babaing may braces. Pero kagabi ng halikan n'ya si Samantha masasabi n'yang type na n'ya ang mga babaeng may braces. Alam nyang hindi aware ang babaing tinitignan n'ya kung gaano ito kaganda even without make up. Mas gusto n'ya sa babae ang natural beauty, hindi 'yong halos foundation nalang ang mukha. "Is that Samantha?" Tanong n'ya. Dahil tila may pagkakahawig ang babaing kanina pa umaagaw ng atensyon n'ya sa babaing hinalikan n'ya sa may kabilang bakod ng bahay ni Ashley. Gusto pa sana n'yang pagmasdang mabuti ang babae, pero nabibingi na s'ya sa mga busina sa likod nya. Kaya naman binilisan na n'ya ang pagpapatakbo ng sasakyan. Marami pa namang araw para makilala n'ya ito, at kung ito nga si Samantha well, he found his new playmate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD