Samantha
Happy birthday Samantha!
Lahat na lang 'yan ang nariring n'ya sa mga nakakasalubong. Nagpapasalamat naman s'ya at nginingitian ang mga bumabati sa kanya.
S'ya pala si Samantha Cruz, 18th birthday n'ya ngayon, at hindi n'ya inaasahan na malaking party pala ang ibibigay sa kanya ng mga proud parents n'ya. Hiniling n'ya sa mga ito, na simpleng debut lang masaya na s'ya. Pero isang engrandeng debut ang inayos ng mga ito. Hindi na s'ya nagulat pa.She know her parents, they always wanted to get attention.
Sa malawak na bakuran nila ginawa ang engrande debut n'ya, nakaayos ang buong paligid, blue and pink ang motifs. Ang mga balloons, mesa, upuan, lahat ng pwedeng may kulay blue at pink, pati ang dalawa n'yang gown pink and blue din. Napilitan pa s'yang magsuot ng high heels, sa kauna-unaang pagkakataon. Ayaw na ayaw n'yang nagsusuot ng mga ganoong sapatos, mas gusto pa n'yang isuot ang keds shoes n'ya o di kaya converse, tulad ng lagi n'yang isinusuot sa kahit anong okasyon. Isama pa na inayusan s'ya na lalong ikinaiirita n'ya, dahil pakiramdam n'ya ang kapal-kapal ng make up sa mukha nya, lalo na sa mga mata n'ya. Hindi s'ya sanay sa mga ganoong ayos, pati ang mahabang buhok n'5ya na tuwid lang, inayusan din na ewan n'ya at pakiramdam n'ya ang bigat ng ulo n'ya.
Kanina pa nanakit ang mga paa n'ya sa suot na high heels. Kanina pa kasi s'ya sinasayaw ng mga bisita. Kasama ang mga ka eskwela at ilang mga kilala sa Bayan ng San Miguel. Sa Munisipyo ng San Miguel nagtatrabaho ang Daddy n'ya at isang nurse naman ang Mommy n'ya sa Donya Feliza Hospital. Hindi sila ganoon kayaman pero pinipilit ng mga magulang n'ya na maging mayaman at makasabay sa mga mayayamang kapitbahay. Last year lumipat sila ng bahay sa Tragora Subdivision isang exclusive subdivison sa San Miguel, na pang mamay-ari ng mga Tragora, ang pinaka mayaman sa Bayan ng San Miguel. Alam n'yang matagal ng pangarap ng mga magulang na makatira sa Tragora Subdivision kaya naman todo sikap ang mga ito. Hindi naman nabigo ang mga ito dahil, eto na sila halos mag-iisang taon na silang nakatira sa Tragora Subdivision, kasama ang dalawa n'yang kapatid, na nasa elementarya at highskul. Habang s'ya naman nasa 2nd year college na sa kursong tourism. Sa San Miguel University sila nag-aaral tatlo, dahil kahit kapos ang mga magulang n'ya pinipilit pa rin ng mga ito na maipasok sila sa pinaka magandang paaralan sa bayan nila. Madalas pa ngang sabihin ng Mommy n'ya na kaya sila doon pinapaaral para makipag salamuha sa mga mayayaman sa bayan nila. Madalas pa nga pinipilit s'ya ng Mommy n'ya na mag-ayos at magpaganda sa tuwing papasok sa SMU, para naman daw may mayamang makapansin sa kanya, o di naman daw kaya mapansin s'ya ni Joshua Tragora, ang nag-iisang taga pagmana ng mga Tragora. Kilala n'ya si Joshua, lahat naman ng mga babae ito ang pinapangarap, dahil gwapo at mayaman ito. Pero hindi s'ya umaasa na mapansin nito.
Minsan naiisip n'ya na parang may mali sa mga ginagawa ng mga magulang n'ya. Tulad na lang ngayon ang laking gastos ng debut n'ya, samantalang alam naman n'yang kapos sila sa pera. Para sa kanya kahit simpleng debut na lang sana pwede na. Pero para sa mga magulang n'ya na halos inimbita lahat ng mayayamang kapitbahay, ok lang ang gumastos ng malaki para sa munting palabas ng mga ito at mapansin ng mga mayayamang kapitbahay.
Bumuntong hininga s'ya at naupo sa gilid ng flower box ng Mommy n'ya, kanina pa s'ya napapagod sa suot na high heels. Isa pa naiinis na s'yang panoorin ang mga magulang na nagpupumilit na makipagsabayan sa mga bisitang mayayaman.
"Aray!" Bulong n'ya at itinaas ang isang paa. Minasahe n'ya 'yon dahil hindi talaga s'ya sanay magsuot ng mataas. Kung hindi lang nakabantay ang Mommy n'ya kanina sigurado 'yung puting keds na sapatos n'ya ang isusuot. Sa haba naman ng gown n'ya hindi naman makikita ng mga ito ang suot na sapatos.
"Anong oras ba matatapos ang party?" Tanong pa n'ya sa sarili habang laylay ang mga balikat na tinatanggal ang sapatos na suot. Lumayo muna s'ya sa maingay at pang mayamang birthday party n'ya dahil masakit na talaga ang mga paa n'ya.
"Damn"
Nagulat s'ya ng may biglang narinig na nagsalita at tila may tumalon mula sa bakod nila. Napalingon s'ya sa lumikha ng ingay at may naaninag s-yang lalake sa may pader nila. Napatili s'ya at umagaw ng atensyon sa lalaking tumalon mula sa pader. Sinulyapan lang s'ya nito, at nanlalaki ang mga mata n'ya habang nakatingin rito. Wala itong damit pang itaas at sinasara pa nito ang zipper ng pantalon.Kasunod non isinuot nito ang t-shirt at sinuklay ang buhok nitong nagulo.
"What are you doing?" Nanlalaking mga matang tanong n'ya sa lalake, na walang pakialam sa kanya na nagbibihis mismo sa harapan n'ya. Medyo madilim na kaya hindi n'ya masyadong nakikita ang hubad na katawan nito. Tumayo s'ya mula sa pagkakaupo para makita ng mas malapitan ang lalake.
"Hi sweetheart," nakangiting bati nito, at humakbang palapit sa kanya, na nanlalaki pa rin ang mga mata na nakatingin sa lalake.
"Sweetheart?" Ulit n'ya sa tinawag nito sa kanya.
"Sorry ha naistorbo ba kita?" Tanong nito ng makalapit sa kanya. Hindi pinansin ang tanong n'ya habang panay suklay pa nito sa buhok. Sinulyapan pa nito ang bakod na pinanggalingan nito. Kumunot ang noo n'ya kung saan ito galing at bakit wala itong damit.
"Bakit ka tumalon sa bakod?" Tanong n'ya rito. Mula sa malilim na ilaw napagmasdan n'yang mabuti ang lalaki. Matangkad ito, may pagka chinito o sadyang maliit lang talaga ang mga mata nito. Nakakunot pa ang noo nito, matangos ang ilong at tamang kapal ng mga labi. Napasinghap pa s'ya ng tuluyang makilala ang kaharap. Estudyante ito sa SMU hindi lang n'ya alam kung anong kurso o year na ito, basta alam n'ya madalas itong kasama ni Joshua Tragora at kung hindi s'ya nagkakamali ito si Sean Monteverde. Isa sa notorious sa SMU, dahil sa mga bali-balitang halos naka date na nito ang halos kalahati ng mga estudyante sa SMU. Wala daw itong patawad kahit highschool pinapatulan daw nito basta babae't maganda.
"Long story sweetheart," Sagot nito, sabay kamot pa sa batok. Tinignan s'ya nito at para bang noon lang s'ya nito napansin na naka gown pala s'ya. Lumalim ang kunot nito sa noo habang nakatingin sa kanya.
"Bakit?" Iritang tanong n'ya rito at nagtaas pa ng kilay.
"Well, I thought I know you, I guess I was wrong," sagot nito, habang hawak-hawak pa nito ang ibabang labi. Sumimangot lang s'ya rito. Hindi na n'ya kailangan magpakilala pa rito. Isa pa sigurado naman s'ya na sa lunes hindi na s'ya nito makikilala kung magkasalubong man sila sa campus. Dahil iba ang itsura n'ya ngayong gabi. Hindi ito ang tunay n'yang anyo. Malayo to sa totoo n'yang itsura.
"Your birthday?" Tanong nito, at nilingon ang maliwanag na ilaw sa di kalayuan. At muling binalik sa kanya ang mga mata. Wala sa loob na tumango s'ya at pinagasalikop ang mga kamay sa may dibdib. Gusto n'yang itanong rito ulit kung bakit ito tumalon mula sa bakod nila? Bakit wala itong damit? Kung saan ito nangaling? At anong nangyari rito?
"I see, Happy birthday sweetheart," bati nito sa kanya. Nagulat s'ya ng hawakan s'ya nito sa mukha, at walang sabi-sabing hinalikan s'ya nito sa mga labi, saglit lang 'yon. Tamang naramdaman lang n'ya ang mga labi nito sa mga labi n'ya. Nanlalaki ang mga mata n'ya sa gulat at pagkabigla. Nang bitawan na s'ya nito natulala s'ya at hindi makapagsalita, nanatili lang s'yang nakatingin rito.
"Bye Samantha," paalam nito at tumakbo na palayo sa kanya.