Aratiles POV. Nandito kami ngayon sa School ni Andie kasama si Yaya Erly. May Award kasi na matatanggap ang si Andie, bilang isa sa mga may pinakamataas na karangalan ng section nila. Sobrang proud ako sa kanya dahil nakaya niyang makipag sabayan sa mga kaklase niya. Kahit na bihira ko lang na maturuan ito ay nagawa niyang mag top. Most of the time ay si Yaya Erly ang nag-follow up sa mga takdang aralin niya kaya sobrang pasasalamat ko din kay Yaya dahil hands on ito kay Andie. "Mommy, thank you for coming." Wika ni Andie sa akin. "Of course, baby. Para mo ngayon kaya ilalaan ko ang oras ko. Para sayo." sabi ko sa kanya. Saka inayos ang buhok niya na medyo na gulo. Magkatabi kami sa upuan. Kaharap namin ang stage kung saan gaganapin ang recognition ceremony. Kasama rin ang ilang mga