Naging busy pareho sina Aratiles at Timothy sa kani-kanilang Kumpanya nitong mga nakaraang araw. Ganun pa man hindi nakalimutang hatid sundo mi Timothy si Aratiles sa trabaho. Tulad ng nakagawian ay maaga pa lang ay maghihintay na si Timothy sa labas ng bahay ni Aratiles. Paglabas ni Aratiles ay agad itong sumakay sa sasakyan ni Timothy. "Let's go." Agad nitong sabi saka tumingin saglit sa gate na para bang tinitingnan muna. Saka lang ito nakahinga ng maluwag ng umusad na ang sasakyan. "May hinihintay ka bang lumabas mula sa bahay mo?" puna sa kanya ni Timothy. "Wala. Tiningnan ko lang kung sinarado ba ng maigi ni yaya ang gate." sagot naman ni Aratiles bago umiwas ng tingin kay Timothy. "Ah, okay." sabi ni Timothy na mukha namang naniniwala sa sinasabi nito. "Yeah." wika naman ni