MASAYANG NAG-IMPAKE NG mga gamit Charlotte dahil excited na syang muling mag-out of town. Lalo ngayon na sa ancestral house ng Daddy nya sila pupunta.
Tumunog ang cellphone nya at kaagad na sinagot ang tawag. Si Amelia iyon. Ang isa sa kanyang mga pinsan na naninirahan sa Bulacan.
"Kailan kayo pupunta? Grabe, nagulat naman ako na uuwi kayo. Akala ko niloloko lang ako ni Olivia at ni Elijah!" anito sa kabilang linya.
"Baka Sunday? But I am not sure. Depende kina mommy at daddy kung kailan. Excited na nga ako umuwi dyan!"
"Kami rin dito! Ang dami nating pwedeng gawin habang nagbabakasyon ka. Naku, maraming bagong bukas na pwedeng puntahan dito! Siguradong mag-eenjoy tayo!" bakas sa tinig nito ang pananabik.
"Nice nice! Bukas magpapagupit muna ako dahil nabibigatan na ako sa buhok ko," aniya saka sinilip sa salamin ang kanyang itim na buhok.
Hanggang balakang kasi ang haba noon at unat na unat. Plano nya magpa-salon muna para naman kapag umuwi sila sa Bulacan, bagong ayos na ang kanyang buhok.
"Magpapagupit ka?"
"Oo. Para may bago lang—gano'n!" Tumawa pa sya pagkaraan.
Marami pa silang pinagplanuhan na gagawin oras na mauwi siya ng probinsya. Hindi na nya maitatanggi ang pagkasabik
KINABUKASAN, araw ng Sabado. Alas nueve pa lang nang umaga ay nagpaalam si Charlotte sa kanyang mommy na aalis muna. Ngayong araw nya papaayusan ang buhok.
Nagsasawa na kasi sya sa simpleng ayos nito at gusto naman nya lagyan at bigyan ng bagong style.
Pumunta si Charlotte sa salon na pag-aari ng Tita nya sa side ng kanyang mommy. Dinetalye nya rito kung anong pagbabago ang gusto nyang kalabasan ng kanyang buhok.
Nakangiti syang naupo sa harapan ng malaking salamin bago nagsimulang gupitan.
Hindi naman nagtagal ay natapos din ang paggupit at pagkukulay sa kanyang buhok. Malapad na napangiti si Charlotte nang makita ang sariling repleksyon sa salamin.
Ang dating mahabang buhok na hanggang balakang, ngayon ay hanggang balikat na lang. Kung noon ay kulay itim ito, ngayon naman pinalagyan nya ng highlights na blue and violet. Bahagya nya rin itong pina-curl.
"Wow! Thank you, Tita for doing this. Napakaganda! I love it!" aniya sa tita nyang gumupit at magtyagang umasikaso sa kanya.
"Walang anuman, hija. Masaya ako dahil nagustuhan mo ang kinalabasan ng buhok mo. For sure, matutuwa si Ate Carol kapag nakita kanya!" malapad ang ngiti sa labi nito habang inaayos ang buhok nyang medyo nagulo.
"For sure, magugulat iyon, tita kasi hindi naman po ako nagsabi na rito ako pupunta. Balak ko kasi silang surpresahin ni Daddy since matagal na nang huli akong magpagupit sa iyon. Taon na, di ba?"
Tila nag-isip naman ito. "Oo nga, no? Nasa secondary ka pa lang yata noon, e! Ngayon, nasa college."
"Kaya nga po."
"Anyway, tuloy ba kayo sa pag-uwi sa Bulacan?"
Tumango sya. "Yes, tita. Excited na nga ako kasi ang tagal ko nang hindi nauuwi. Sakto naman po na Semestral break namin so makakapag-enjoya ko."
Ngumiti nang matamis ang kanyang tita. "Mabuti naman kung ganoon."
Hindi na sya nagtagal sa salon ng kanyang tita. Lumabas na sya at kaagad na may tinawagan.
"Nasaan na kayo? Papunta na ako sa shop." Nagpalinga-linga si Charlotte sa paligid. Maraming tao sa mall at hindi nya makita ang mga taong katatagpuin.
"Nasa CR lang kami, Char. Wait mo na lang kami sa coffeeshop."
"Sige," aniya saka pinatay ang tawag.
Kaagad nyang pinuntahan ang coffeeshop kung saan may dadaluhan syang mini event. Napangiti sya nang matanaw mula sa labas ang mga nakapalamuti sa loob noon.
May mga lobo na kulay rose quartz and serenity. May mga larawan ng myembro ng SEVENTEEN. Natanawan sya ng isang staff mula sa loob kaya kinawayan sya. Nakangiti naman syang gumanti rito.
"Muntik na kitang hindi makilala!" ani Alice habang pinagmamasdan sya. "Bagay pala sa iyo ang ganyang buhok!"
"Salamat, Ate Alice. Gusto ko lang po kasing magbago ng hairstyle since uuwi kami sa ancestral house namin sa Bulacan. Para may bago lang."
Tumawa ito. "Pero bakit kulay Blue at violet yang kulay ng buhok mo? Himala at hindi yata kulay ng Carat?"
"Para lang din po maiba." Sinundan nya iyon ng tawa.
Ginala nya ang mga mata at pinag-aralan ang buong coffeeshop. Ngayon ang advance celebration nila para sa anniversary ng fandom ng SEVENTEEN—ang Carat—kasabay ng kanyang kaarawan. February 14 ang birthday nya at nasa Bulacan na sya nang mga araw na iyon.
"Thank you po pala sa pag-organize ng event na ito," aniya habang inaayos ang mga cupsleeve na ipamimigay nila sa mga Carat na mapapasyal dito mamaya.
"Walang ano man. Alam mo namang para na rin kitang kapatid."
"Thank you, Ate—" Hindi na nya naituloy ang sasabihin dahil biglang may party popper ang syang pumutok sa bandang likod nya.
Pagkaharap nya roon, ang mga kaklase nyang sina Ailla, Marchie at Nicole ang nakita nya. Si Ailla ang nagpaputok ng party popper. Si Marchie ang may hawak ng cake at si Nicole, lobo naman ang dala.
Kumanta ang tatlo ng 'happy birthday' song. Nang lumingon sya kay Ate Alice nya, sumasabay na rin ito sa pagkanta at kinabitan pa sya ng party hat.
"Thank you!" aniya saka tinanggap ang cake na dala ni Marchie.
"Mag-wish ka muna bago mo hipan iyang cake mo."
Tumango sya saka pumikit. Nanalangin sya ng maiksing dasal bago humiling. Pagkadilat nya ay saka nya hinipan ang kandila sa ibabaw ng hugis diamond na cake.
"Pasabog tong surprise ninyo, ah!" aniya sa mga kaibigan.
"Mas pasabog iyang bagong hairstyle mo!" ani Nicole saka sya niyakap. "Happy birthday. Sana sa concert ng SEVENTEEN, nandito ka para makapanood tayong apat."
"Of course, nandito na kami no'n. Hindi naman matagal ang sembreak natin."
Pinagpatuloy nila ang event nang buong araw na iyon. Sobrang saya nya dahil kasama nya ang mga matatalik na kaibigan bilang pag-celebrate ng kanyang birthday kahit na sa susunod na linggo pa naman iyon.
UMUWI SI CHARLOTTE sa kanilang bahay na may ngiti sa mga labi. Pero mas lalo syang napangiti nang makita nya ang itsura ng kanyang mga magulang nang makita nag bagong style buhok nya.
"A-anak... Bakit ka nagpagupit? Broken hearted ka ba?"
Natawa sya. "Broken hearted? Mommy naman. Uuwi po tayo sa Bulacan, di ba? Gusto ko lang ng bagong hairstyle pang-surprise sa mga pinsan ko. Bagay po ba?"
"Aba, syempre naman, anak! Lahat naman ay bagay sa iyo," ani Daddy nya saka tiningnan ang mga hawak nyang regalo at lobo. Dala rin nya ang cake na bigay ng mga kaibigan nya. "Kumusta ang advance birthday celebration mo kasama ng mga kaibigan mo? Nag-enjoy ka ba?"
Tumango sya. "Yes, daddy. Ipapanhik ko lang po itong mga gamit tapos maliligo. Sasabay po ako magdinner sa inyo, ah!"
"Oo naman. Aayusin ko na ang lamesa," wika ng mommy nya.
Walang pagsidla ang saya sa kanyang puso. Masaya syang uuwi sa Bulacan kinabukasan nang walang iniisip na problema.