Episode 21

2107 Words

Abala ngayon sa pag-uusap sina Ivan, Alonzo at Calixto tungkol sa pinaplanong nilang pagpapatayo ng mga libreng pabahay para sa mga mahihirap. Marami raw kasing kliyente si Calixto na ganoon ang kaso kaya humingi ito ng tulong sa kanilang dalawa ni Alonzo. "Napakabait niyo namang dalawa. Hindi man lang kayo nagdalawang-isip na tumulong," gagad ni Calixto sa kanilang dalawa ni Alonzo. "Nakakaawa kasi 'yang pagmumukha mo, eh," sagot ni Alonzo sa kaibigan nila. "Nararamdaman ko na tutulo na 'yang mga luha mo kapag tinanggihan ka namin ni Ivan." "Ano'ng akala mo sa akin, iyakin?" "Nagdududa nga ako, eh. Iniisip ko kung bakit bigla ka na lang naging matulungin," wika niya. "Oh, baka naman girlfriend mo ang isa sa mga gusto mong tulungan. Hindi ka naman kasi dating ganiyan, eh. Wala ka nam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD