Episode 22

1535 Words

"Monique." Napalingon si Shaira nang tawagin siya ni Yna habang gumagawa siya ng sandwich dito sa kusina. Nagugutom na kasi siya kaya gusto na niyang kumain ng almusal. "Bakit po, Ate Yna?" "Ang totoo niyan, hindi ko naman talaga kaarawan ngayon, eh," pag-amin nito. Pasensiya ka na, ha? Nagustuhan ko kasi 'yong niluto mo kaya nagsinungaling ako sa 'yo." Ngumiti siya sa kapatid ni Ivan. "Ayos lang po sa akin 'yon. Wala pong kaso sa akin 'yon kahit hindi niyo po kaarawan ngayon. Ipagluluto ko pa rin po kayo ng mga pagkain na gusto niyo habang nandito ako sa mansiyon niyo." Alam naman niya na hindi nito kaarawan base sa mga sinabi ni Ivan sa kaniya. Speaking of Ivan. Hindi niya pa pala nakikita ang lalaki simula nang halikan niya ito kahapon. Siguro galit na naman ito kaya hindi ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD