Episode 32

2317 Words

Pakiramdam ni Ivan ay umiikot na ang nasa paligid niya kaya naman naisipan niyang umakyat muna sa taas para ipahinga ang katawan niya. Humiga muna siya sa kama niya at sandaling ipinikit ang mga mata niya. Hindi niya akalain na ang pagpikit niya ay mauuwi sa mahabang tulog at ang malala pa ay hapon na siya nagising. Hindi na niya nagawang ayusin ang mga pinaghigaan niya dahil agad siyang lumabas mula sa kuwarto niya. Ang una niyang pinuntahan ay ang kusina dahil kumakalam na ang sikmura niya. Alam niya kasi na may makakain siya dahil ipinagluto siya ni Shaira kanina. Napahinto siya sa akmang pagbubukas ng ref niya nang mapansin niya na may note na nakadikit sa pinto nito. Pangit kong kapitbahay na Ivan ang pangalan, Paggising mo, kumain ka kaagad dahil ang pangit mo na. Sinarapan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD