Episode 31

2105 Words

Hindi namalayan ni Shaira na nakatulog na pala siya sa sofa ni Ivan pagkatapos niyang maghatid ng pagkain dito. Alas-tres na pala ng madaling-araw. Nasaan na kaya si Ivan? Hindi niya namalayan na nilagyan pala siya nito ng kumot at unan. May taglay din pa lang ka-sweet-an ang lalaki sa katawan nito. Ang akala niya kasi ay puro pagsusuplado lang ang alam ng lalaking 'yon. Ang mga pinaglagyan niya rin ng mga pagkain kanina ay malinis na rin at nakalagay na sa paper bag. Nakapatong ang mga iyon sa center table kaya napangiti siya. Napatingin siya sa gawi ng kusina nang may marinig siya na parang may taong naglalakad-lakad mula roon kaya maingat siyang naglakad papunta sa kusina. Nakatalikod mula sa gawi niya si Ivan. Nakaharap ito sa lababo na parang may hinahalo base sa kilos nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD