Episode 33

1805 Words

Halos madilim na nang makauwi si Ivan mula sa paghatid kay Calixto dahil may kalayuan ang bahay ng lalaking 'yon. Bukod sa malayo na ay traffic pa pauwi. Pagbukas niya ng pinto ay agad naagaw ang pansin niya nang dalagang mahimbing na natutulog sa sofa niya kaya maingat niyang isinara ang pinto para hindi ito magising. Sumandal siya sa pader at humalukipkip. Ang sabi nito kanina ay may ka-date ito. Pero, bakit naabutan niya pa itong natutulog dito sa bahay niya? Kung ano ang hitsura nito kanina pag-alis niya ay iyon pa rin ang hitsura nito pagbalik niya. "Sino kaya ang sinasabi nitong bestfriend nito na dapat sana ay ka-date nito kanina? Babae kaya o lalaki ang tinutukoy nito? O baka naman, 'yong lalaki na naabutan niyang kainuman nito kagabi?" sunod-sunod na tanong ng isipan niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD