Episode 23

2122 Words

"Ate Yna, ano'ng paboritong pagkain ng kapatid mong masungit?" tanong ni Shaira kay Yna habang nakatingin siya kay Ivan. Nakaupo ang lalaki sa sala habang nagbabasa ito ng dyaryo. Tapos na kasi niyang mailuto ang mga pagkain na ni-request ni Yna sa kaniya. Ang mga kaibigan naman ni Ethan ay inaasikaso na ang lamesa. "Lahat naman kinakain niyan, eh. Wala rin naman kasing nababanggit 'yan kung ano ba talaga ang paborito niyang pagkain. Kung ano kasi ang nakahain sa lamesa, 'yon din ang kinakain ni Kuya Ivan. Hindi naman kasi mapili sa pagkain 'yan, Monique. Hindi siya kagaya ng iba na nagpapaluto pa ng pagkain kahit may mga nailuto na ang mga kasambahay." Napaisip siya. Imposibleng walang paboritong pagkain si Ivan. Oo nga pala! Madalas nga pala nitong order-in sa restaurant niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD