Episode 11

2037 Words

"Hi, Kuya!" Nagulat si Ivan nang pabalyang bumukas ang pinto ng opisina niya at iniluwa noon ang asawa ng kapatid niya na si Ethan. Kasama nito ang dalawa nitong matalik na kaibigan na sina Nick at Vince. "Kuya, may problema ba? Bakit sinabi mo na isama ko sina Vince at Nick? May kinalaman ba sila sa pag-uusapan nating dalawa?" Alam niya kasi na matutulungan siya ng mga ito dahil sagana ang mga ito kalokohan. "Yes." "Ano'ng meron, Kuya?" tanong ulit ni Ethan. "May problema ba ang company natin? At ano naman ang kinalaman ng mga kaibigan ko sa problema ng company natin?" "Walang problema ang kompanya natin kung 'yon ang inaalala mo, Ethan. Ang kompanya na iniwan sa atin ng mga magulang mo ay mananatiling nakatayo at namamayagpag hangga't nabubuhay ako kaya ipanatag mo 'yang loob mo."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD