Huwag Mo Akong Pinagloloko!

1117 Words
Tuloy-tuloy akong lumabas ng bahay ko. Hindi na ako nagpahatid sa aking driver papunta sa lugar na aking sinilangan. Lalo baka may makakita sa akin na mga tao sa Sta. Rosal, habang nakasakay ng kotse. Mas mabuti na ang nag-iingat. Nang may dumaang taxi ay agad ko itong pinara. Huminto naman ito sa tapat ko. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng sasakyan. At nagpahatid sa terminal ng bus papuntang Probinsya ng Sta. Rosal. Sumandal ako sa upuan ng taxi at mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Parang kailan lang mula nang umalis ako sa bahay namin. Maraming taon na rin pala ang lumipas nang tuluyan na akong manirahan dito sa lunsod. Pakiramdam ko’y wala akong pamilya. Kasa kahit umuwi ako sa lugar namin ay feeling ko ang layo-layo ng loob ng pamilya ko sa akin. Kung ako lang ang masusunod hindi talaga ako uuwi sa amin dahil ayaw kong makipag-plastikan sa mga tao roon. Ngunit nag-request ang Mommy ko. Kaya kailangan ko siyang pagbigyan. Nalaman ko rin buhat sa aking Ina na nagwaging Mayor ng Sta. Rosal ang aking Ama, kaya double celebration ang mangyayari sa bahay namin dahil kaarawan din ng aking Mommy. Pagdating sa terminal ng bus ay agad naman akong nakakuha ng ticket at tuluyang sumakay ng bus. Ilang minuto lang ang nagdaan nang tumakbo na ang sasakyan. Subalit halos isang oras palang na tumatakbo ang bus ay biglang itong huminto dahil sa mga armadong lalaki ang nakaharang sa daan. Nakatutok din ang hawak nilang baril. Pasimple ko tuloy kinuha ang aking face mask at shade. Sumandal na lamang ako sa upuan at nakiramdam sa buong paligid. Mayamaya pa’y narinig kong bumukas ang pinto ng bus na aking sinasakyan. “Kung magiging mababait kayo at susunod sa gusto namin ay walang mapapahamak sa inyo. Huwag kayong mag-alala, hindi namin kayo sasaktan!” narinig kong sigaw ng isang lalaki. Pasimple akong tumingin sa mga armadong lalaki. At base sa mukha nila ay hindi sila basta ordinaryong mga taong halang ang kaluluwa. Ano kayang pakay nila rito sa loob ng bus. “Kung gusto pa ninyong mabuhay ang mga anak ninyo ay mas mabuti pang ibigay ninyo ng maayos sa amin ng mga bata at ang mga baby. Iyan lang ang kailangan namin kaya pumasok kami sa bus na ito. Pinangangako namin sa inyo na aalagaan namin ang mga anak ninyo!” sigaw g ng pinakang leader ng mga armadong lalaki. “Huwag ang aming anak. Maawa naman kayo! Limang buwan palang ang anak ko!” sigaw ng isang babae habang umiiyak. Subalit malakas na tumawa ng pinakang leader ng mga armadong lalaki. “Kung hindi mo ibibigay ang anak mo. Mapipilitan akong patayin na lamang siya!” galit na sigaw ng lalaking leader. Inuntos na rin nito ang pagkuha ng sapilitan sa mga bata. Tanging pagtangis ng mga Ina ang naririnig ko rito sa loob ng bus, kasabay rin ang pag-iyak ng mga bata at mga sanggol na sapilitan na kinukuha mula sa mga bisig ng mga Ina nila. Mabilis kong tinapik ang aking tainga dahil labis akong nag-iingayan. Kaya naman agad akong tumayo para lumapit sa pinakang leader nila. Hindi nila namalayan ang paglapit ko sa kanya. Agad kong hinawakan ang pulsuhan nito at ubod lakas kong pinilipit. Gigil na gigil ako sa lalaki. Imbes kasi na nandoon na sana ako sa Sta. Rosal ngunit mga epal pa ang ito. Mahigpit kong hinawakan ang batok ng lalaking leader at sapilitan kong dinala papalapit sa bintana ng bus at ubod lakas ko itong inuntog. Inangat ko rin ang isang paa ko para sipain ang isa pang lalaki na papalapit sa akin at halos gumulong ito sa ibaba ng bus. Muli akong tumingin sa lalaking leader na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ang batok nito. Kitang-kita ko naman ang noo nitong umaagos ang dugo. Dahil sa labis na inis ko ay malakas ko rin itong sinuntok sa mukha niya isa pang tadyak ang ibinigay ko sa lalaki. Sumadsad ito papalapit sa driver. Nakita kong lalapitan pa ako ng kasamahan nito ngunit agad kong kinuha ang granadang nakalagay sa bulsa ng suot ko jacket. Nanlalaki ang mga mata nila. Ngunit ngumisi lamang sa kanila. Gusto kong tumawa nang makita kong halos madapa sila para lang makalabas ng bus na ito. Sinundan ko sila hanggang sa pinto ng sasakyan. Parang mga nakakita ng multo dahil sa bilis nang takbo nila papasok sa loob ng kakahuyan. Simpre! Baliw rin ako minsan at walang makakapigil sa aking kabaliwan. Mabilis ko lang naman inalis ang pin ng granadang hawak ko at pagkatapos ay basta ko na lang binato papunta sa mga lalaking tumatakbo papalayo. Napangisi tuloy ako nang makitan kong sumabog ang granada, muntik pa ngang mahagip ang isang lalaki, mabuti nakaiwas. Marahas na lamang akong napahinga at nagdesisyon na bumalik sa kinauupuan ko. Naririnig ko rin ang labis na pasasalamat nila sa akin. Marahan lamang akong tumango sa mga pasahero. Mayamaya pa’y muling nagpatuloy sa pagtakbo ang bus. Bandang alas-otso ng gabi na ako nakarating sa bahay namin. Pagbaba ko pa lang ng tricycle ay narinig ko na agad ang musik na nanggagaling sa loob ng bakuran namin. Bukas naman ang gate kaya tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob. Nakita pa nga ako ng security guard na nakatalaga sa gate namin. “Magandang gabi po, Ms. Leda,” pagbati niya sa akin ng mamukhaan ako. Kilala pa rin ako nito kahit na matagal na akong hindi umuuwi rito. “Good evening din po, Manong,” magalang na sabi ko. Hanggang sa nagpaalam na rin ako rito para pumasok sa loob ng bahay. Napansin kong maraming bisita sina Mommy at Daddy. Mamaya na lang ako magpapakita sa kanila. Tuloy-tuloy akong pumanhik sa hagdan para pumunta sa aking kwarto. “So, dumating na pala ang anak ni tito? Ano’ng nakain mo? Di ba suwail ka? Bakit umuwi ka rito, Leda? Hindi ka naman kailangan dito.” Mabilis akong bumaling sa babaeng matalas ang bibig walang iba kundi ang pamangkin ni Daddy. Ito lang naman ang pinsan kong plastik! Dapat talaga nagdala ako ng gas para mawala na ang mga plastik sa bahay ba ito. “Naku! Bukas-bukas talaga ay bibili na ako ng sampung galon na gas at posporo para mawala na ang mga plastik sa bahay ito!” mariing sabi ko. Hanggang sa lampasan ko ito para pumunta sa aking kwarto. Balak ko na sanang buksan ang pinto ng kwarto ko nang humarang sa aking ang babae. “Hindi na riyan ang kwarto mo Leda. Akin na ang kwarto na ‘yan. Ang sabi ni tito ay roon ka na raw matutulog sa maid quarter kasama ng mga kasambahay---” “What?! Huwag mo akong pinagloloko Devon!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD