“Hindi kita niloloko, Leda! Totoo ang sinasabi ko sa ‘yo na ako na ang nagmamay-ari ng silid na iyan. Sinabi ko na kay tito, pumayag naman siya. Saka, taon ka naman bago umuwi rito sa bahay, kaya dapat lang na roon ka sa maid quarter!” nakataas ang kilay na anas ni Devon sa akin.
Iiling-iling na tumingin ako sa aking pinsan na hilaw. Agad kong humakbang papalapit dito. Ito naman ay mapa-urong habang papalapit ako sa kanya.
“Huwag mong hintayin na itapon ko ang mga damit mo sa labas ng bahay Devon. Ipapaalala ko lang sa ‘yo. Ako ang anak at ikaw ay pamangkin ka lang! Huwag mong ubusin ang pasensya ko ay may paglalagyan ka sa akin!” galit na sabi ko sa babae.
“Hindi ako natatakot sa pagbabanta mo Leda. Tingin mo ba ikaw ang kakampihan ni tito? Sige itapon mo ang mga gamit ko sa labas. Tingnan natin kung saan ka pupulutin---” Hindi na natapos ni Devon ang sasabihin niya dahil mabilis kong sinakal ang leeg niya. Pagkatapos ay agad kong inilabas ang granada at pinakita sa babae.
“Gusto mo bang isaksak ko sa bibig mo ito, Devon? Nang maalis na ang kayabangan mo!” At inilapit ko pa talaga sa bibig ng babae ang granada. Kitang-kita ko naman ang panlalaki ng mga mata nito.
“Tingin mo ba matutuwa si tito oras na malaman niya ang ginagawa mo sa akin? Kung tama ang aking hinala ay lalo lang ‘yung magagalit sa ‘yo, Leda!” galit na sabi ko sa babae.
Ngumisi muna ako rito. “Wala akong pakialam kung magalit sa aking si Daddy. Ang mahalaga ay maisaksak ko sa bibig mo ang granada na ito!” galit na sabi ko sa babae. Pagkatapos ay pinilit ko talagang ibuka ang bibig nito Ngunit nagpumiglas naman ito para makawala sa akin.
Marahas ko itong itinulak, hanggang sa mapaupo si Devon. Isang masamang tingin ang ibinigay ko rito at tuloy na akong pumasok sa aking kwarto. Lalo akong napika nang makita kong nandito na nga sa kwarto ko ang mga gamit ni Devon.
Ngunit bago ko itapon papalabas ang mga gamit nito ay agad ko munang itinago ang baril at granada kong dala-dala. Nakakatiyak kasi ako na magsusumbong ang babaeng ‘yun kay Daddy.
Nang mailagay ko na sa tamang lugar ang aking mga gamit ay lumapit ako sa tatlong maleta na nandito sa kwarto ko. Ang ibig sabihin lang ay kanina lang nito inilagay ang mga gamit niya rito sa aking kwarto. Noong nalaman siguro na uuwi ako ay nagmamadali nitong inilagay sa silid ko ang gamit niya. Agad kong binuksan ang binata ng silid ko dahil dito ko itatapon ang mga gamit ni Devon. Akala niya siguro nagbibiro ako.
Tangka na sana akong hihiga sa kama nang bumukas ang pinto at pumasok si Daddy kasunod niya si Devon na umiiyak. Sobrang dilim ng mukha ni Daddy habang nakatingin sa akin. Ngunit wala akong makapang takot sa akin dibdib dahil sanay na ako rito.
“Leda, kararating mo lang ngunit gumawa ka na agad ng gulo? At ano itong sinasabi ni Devon na may hawak ka raw na granada, ha?!” galit na tanong sa akin ni Daddy.
“Granada? Saan naman ako kukuha ng granada, Daddy? Alam naman natin na wala akong pera? Isa lang aking pulubi sa lunsod---” Tumaas pa ang kilay ko habang nakatingin sa aking Ama.
“Hindi ako puwedeng magkamali Tito, granada ang hawak niya at balak pa ngang ipasok sa aking bibig. Ang sabi rin ni Leda ay papasabugin daw niya ang buong bahay!” anas ng babae. At nagdagdag pa ng kwento para lalong magalit sa akin ni Daddy. Nagkibit balikat naman ako.
“Saan ang granada, Leda?” tanong sa akin ni Daddy.
“Daddy, wala akong granada. Kahit nabaliktarin mo pa ang buong kwarto ko ay wala kang makikitang granada rito.” Hindi nagsalita ang aking Ama. Ngunit nagbabanta ang tingin nito sa akin. Nagkibit balikat lamang ako.
“Tito, ‘yung mga gamit ko itinapon ni Leda sa labas ng bahay,” muling sumbong ni Devon sa aking Ama.
“Ipakuha mo lang sa mga kasambahay, Devon. Ilang beses na kitang sinabihan na huwag mong gagamitin ang kwarto ni Leda, ngunit hindi mo pa rin ako pinakinggan. Tiyak na magagalit ang tita mo oras na malaman ito. Sige na lumabas ka na para kuhanin ang mga gamit mo sa labas ng bahay,” pagtataboy ni Daddy kay Devon.
Pasimple tuloy akong ngumisi kay Devon. Kaya ayon galit na galit sa akin. Bigla ko namang itinukom ang aking bibig nang makita kong lilingon sa akin si Daddy. Nakita kong umiling-iling ang aking Ama ngunit hindi muna nagsalita. Hanggang sa tuluyang lumabas ang pinsan ko.
“Mabuti naman at nakarating ka, Leda. Noong nakaraang araw ka pa hinihintay ng Mommy mo. Siya nga pala, kailangan mong magbihis ng maayos. Ipapadala ko na lang dito ang mga damit. Pagkatapos ay lumabas ka na dahil may mahalaga akong sasabihin sa ‘yo at sa mga tao.” Agad na tumalikod si Daddy at hindi na ako hinintay magsalita.
Nagkibit balikat na lamang ako. Muli na naman akong napatingin sa pinto ng bumukas ‘yun. At pumasok ang kasambahay namin. Agad na ibinigay sa akin ang dala-dala nitong paper bag.
Nang umalis ang kasambahay ay agad kong inayos ang aking sarili. Medyo napangiwi na lamang ako nang makita ko ang damit na aking isusuot. Hanggang ngayon ay mas gusto pa rin ni Daddy ang mga ganitong kasuotan. Umabot na nga hanggang sahig ang haba ng palda kong suot ngayon. Ang sarap tuloy gupitin. Nakakaloko talaga si Daddy.
Kaya ang ginawa ko’y binawi ko na lang sa paglalagay ng makeup ko. Tiyak na magwawala naman nito si Daddy oras na makita ang itsura ko. Bahala siya ako pa rin ang masusunod. Lumapit din ako sa aking bag para kuhanin ang regalo kay Mommy. Tiyak na matutuwa si Mom sa gift ko sa kanya. Hanggang sa lumabas na ako ng kwarto ko.
Sa kwarto nina Mommy ako unang pumunta. Maingat akong kumatok sa pinto. Mayamaya pa’y bumakas ang pinto at tumambad sa harapan ko si Mom.
Tuwang-tuwa naman ito nang makita ako. Napangiti ako ng matamis dahil mahigpit akong niyakap ng aking Ina. Ramdam ko ang kasiyahan nito. Hanggang sa kumalas ito sa pagkakayakap niya sa akin.
“Happy Birthday, Mom,” anas ko sa aking Mommy. Agad ko ring inabot dito ang regalo ko. Tuwang-tuwa si Mommy na binuksan ang gift ko sa kanya. Hanggang sa biglang nanlalaki ang mga mata ito nang makita ang regalo ko.
“Oh! My Gosh! Totoo ba ito, Leda anak? Mahal ang kwentas na ito. Ito ‘yung bagong labas ng LD Jewelry. Nakita ko ito noong nagpunta ako sa lunsod. Totoo ba ito? Pero anak, milyon ang halaga nito? Saan ka kumuha ng milyon para mabili ang kwentas na ito sa LD Jewelry?” sunod-sunod na tanong ni Mommy sa akin.
Bigla tuloy akong napakamot sa aking ulo. Sabi na nga ba at magtatanong sa akin si Mom. . . Yes, tama si Mommy, nakita niya ang kwentas na ito sa LD Jewelry na ako naman ang may-ari. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa akin ‘yun. Dahil ang alam ng pamilya ko ay isang lang akong janitress sa lunsod.
“Hmmmm! Pinag-ipunan ko po iyan, Mommy. Lahat ng klase ng trabaho sa lunsod ay ginawa ko para mabigyan kita ng magandang regalo. Huwag kang mag-alala, Mommy. Hindi ko iyan ninakaw.” Kinuha ko ang kwentas sa kamay nito at ako na mismo ang naglagay sa leeg nito. Hinila ko ito papunta sa harap ng salamin para ipakita rito ang ganda ng kwentas.
Kitang-kita ko naman na halos maluha si Mommy. Hanggang sa muli akong niyakap nito. Ngunit biglang nawala ang magandang ngiti ni Mommy at seryosong tumingin sa akin.
“I’m really sorry, Leda. Hindi ko kayang pigilan ang Daddy mo. Sasabihin ko na sa ‘yo upang hindi ka na magulat mamaya kapag sinabi na ng ‘yung ama.”
Kumunot ang aking noo. Lalo at biglang huminto sa pagsasalita si Mommy. Ngunit naghintay pa rin ako nang sasabihin ni Mommy sa akin.
“Leda, anak balak kang ipakasal ng Daddy mo kay Aris Escuder.”
“What? Hindi ako papayag doon Mommy. Sino si Aris Escuder?” tanong ko sa aking Mommy. Parang pamilyar kasi ang apelyido nitong Escuder saan ko ba narinig ‘yun.
“Patawad anak, kung wala akong lakas ng loob ng sawayin ang Daddy mo. Natatakot akong magalit siya sa akin,” umiiyak na sabi ng Mommy ko.
Nagbuntonghininga ako. Nauunawaan ko si Mommy. Dahil dati pa naman ay parang tau-tauhan lang ito ng Daddy ko. Katulad din ng mga kapatid ko. Takot suwayin ang aking Ama. Ako lang yata ang malakas ang loob na suwayin si Daddy.
“Ako na po ang bahala, Mommy. Ngunit sino po ba itong si Aris Escuder, pamilyar kasi ang apelyido niya sa akin.”
“Si Aris Escuder ay kapatid ni Senator Ravo Escuder---“