Maharot na tugtugin ang naririnig sa buong paligid ng disco bar na ‘to, kaya walang humpay na gumigiling ang buong katawan ko. Wala akong pakialam sa mga taong nasa paligid ko dahil ang tanging gusto ko lang ay magpakasaya ngayon gabi.
Dahil bukas ay babalik ako sa mundong kinagisnan ko. At ang tingin sa akin ng mga tao roon ay isang babaeng mahinhin at may takot sa Diyos, na ang akala ng lahat kahit lamok ay hindi kayang pumatay.
Napailing-iling na lamang ako dahil sa mga nilalaman ng utak ko. At nang magsawa ang katawan ko sa kakaindak ay muli akong bumalik sa table ko na kung saan ako naka-pwesto kasama ng kaibigan kong si Farah.
“Leda, enjoy na enjoy kang sumayaw, ah? Halos ayaw mong maupo, ah?” nakataas ang kilay na tanong sa akin ng kaibigan ko.
“Kailangan kong mag-enjoy ngayon gabi, dahil bukas ay kailangan kong maging Maria Clara, dahil uuwi ako sa Sta. Rosal. Alam mo naman na hindi puwede sa pamilya ko ang mga ginagawa ko rito sa lunsod. Tiyak na itatakwil na talaga ako nila, oras na malaman nila ang mga pinaggagawa ko rito,” tuloy-tuloy na litanya ko. Sabay kuha ng alak at inisang lagok ko lang ito.
Malakas namang tumawa si Farah, hinamapas din nito ang ibabaw ng table. Kaya naman pinitik ko ang noo nito para matauhan sa kakatawa.
“Kailangan mo pa lang magsuot ng mahabang saya at makapal na salamin sa iyong mga mata?” muling usisa ng babae sa akin.
“Yes, wala akong choice, hindi ako puwedeng magsuot ng katulad na suot ko ngayon.” Sabay tingin sa aking dress na hanggang hita ang haba. Halos dumungaw na rin ang dalawang pisngi ng boobs ko.
“Poor, secret weapon…” pabulong na anas ni Farah, ngunit sapat lang para marinig ko. Ngumisi pa nga ito sa akin na tila inaasar ako.
“Hindi naman ako magtatagal doon, pagbibigyan ko lang ang hiling ni Mommy na dumalo ako sa birthday niya, nagtatampo na kasi ito sa akin, dahil ilang kaarawan na ang sumapit ngunit wala ako,” anas ko at nagbuntonghininga pa ng malalim.
“Paano kung sa pag-uwi mo sa lugar ninyo, ay muling ipilit sa ‘yo ng daddy at mommy mo ang tungkol sa gusto nila para sa ‘yo--- ang maging isang madre?”
Hindi ka agad ako nakaimik sa tanong ni Farah sa akin. Ang babaeng ito lang kasi ang mga pinagsabihan ko tungkol sa gusto ng magulang ko para sa akin.
Sa totoo lang kaya ako umalis sa lugar na kinalakihan ko dahil nasasakal na ako sa mga magulang ko, hindi ko kayang maging sunod-sunuran sa kanila lalo sa Daddy ko na ang tingin yata sa kanyang sarili ay batas. Ngunit iba ako sa mga kapatid ko, kung sila handang sundin ang gusto ni Daddy ako, hindi ko kaya, dahil may sariling pag-iisip ako.
Kaya nga umalis ako ng Sta. Rosal dahil kay Daddy, ang gusto nito ay magmadre ako na labis kong tinutulan, kaya ayon, galit na galit sa akin. Ang sabi rin sa akin ni Daddy ako lang daw ang anak niyang pinakamatigas ang ulo.
Hindi na rin ako pinagtapos ng pag-aaral ni Daddy, dahil suwail daw akong anak. Wala namang magawa si Mommy sa mga tagubilin ng Ama ko, dahil para itong hari kung manduhin kami. Kahit pasaway ako ay kailangan ko pa ring kumilos na naaayon sa gusto ng Pamilya ko, lalo na si Daddy. Kailangan ko pa ring maging mabuting anak sa harap ng tao. Baka tuluyan na akong itakwil ng Daddy ko.
Kaya nang magpaalam ako sa mga magulang ko na pupunta sa lunsod ay agad naman akong pinayagan ng Daddy ko. Tutal naman daw ay mayabang ako kaya bahala na raw ako sa buhay ko.
Ngunit mahal pa rin ako ng Daddy ko, dahil binigyan pa rin niya ako ng sapat na halaga. Ngunit bago ako umalis sa lugar ng Sta. Rosal ay sinabi ng aking Ama na kaya niya ako pinayagan na umalis ay baka raw dahil sa akin ay masira ang pamilyang iniingatan nito.
Medyo masakit ang mga katagang sinabi ni Daddy, ngunit pabor rin naman sa akin ang umalis sa poder nila dahil sakal na sakal na ko. Kailangan ko pang magpanggap na mabuting anak sa harap ng mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw.
Marahas na lamang akong napahinga ng malalim.
“Ang lalim noon, Leda, ah?” biglang usisa ng babae sa akin.
Hindi ako sumagot, ngunit muli kong tinungga ang alak na nasa aking harapan. Hanggang sa ito’y maubos ko. Muli akong tumayo sa aking kinauupuan para sumayaw na tila wala ng bukas.
Nang mapagod ang buong katawan ko sa kakasayaw ay agad kong niyaya si Farah na umuwi na kami. Medyo tinatablan na rin ako ng alak. Naghiwalay lamang kami ng kaibigan ko nang sumakay na kami nang kanya-kanyang sasakyan namin.
Matulin ko namang pinatakbo ang sasakyan ko para makarating ka agad sa bahay ko. Pagdating sa aking tahanan ay tuloy-tuloy akong bumaba ng kotse at agad na pumasok sa aking silid. Agad akong nahiga sa kama. Hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng antok.
Kinabukasan nagising ako sa alarm clock. Kahit antok na antok pa’y napilitan akong bumangon. Dahil ngayon pala ang punta ko sa lugar ng mga taong mga feeling Santa o Santo.
Nang matapos akong maligo ay nagmamadali na akong naglagay ng damit sa katawan ko. Kinuha ko rin ang cellphone ko para tawagan si Boss Zach.
Ito lang naman ang taong tumulong sa akin noong wala akong mapuntahan dito sa lunsod. Kamuntik na akong magahasa noon, dahil sa lansangan lang ako natutulog. Ngunit may isang Zach Fuentebella ang tumulong sa akin, siya ang dahilan kung na saan ako ngayon at kung anong mayroon ako ngayon. Hindi kasi ito nagdalawang isip na tanggapin ako bilang Secret Weapon Ng Bansa.
“Leda,” narinig ko ang boses ng big boss ko.
“Boss, bakasyon muna ako, sana naman ay umabot ako ng dalawang linggo sa akin bakasyon.”
“Puwede naman, saka, katatapos mo lang naman ng misyon kaya walang problema kahit magtatlong linggo ka pa, Leda.”
“Tatlong linggo? Tunay ba iyan, boss?”
“Yes, tunay na tunay, no worries, Leda, hindi kita tatawagan hangga’t wala ka pang misyon.”
Bigla naman akong napangiwi sa mga pinagsasabi nito. Sana lang ay tunay na nga ang mga tinuran ng boss ko na hindi ako tatawagan. Kailangan ko yatang magdasal ng sampung beses para mangyari iyon.
Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin ni boss Zach, lalo at may gagawin pa raw ito.
Isang marahas na paghinga ang pinakawalan ko, bago ako lumapit sa harap ng salamin upang tingnan ko ang aking sarili. Isang mahabang long sleeve at mahabang palda ang suot ko. Kinuha ko rin ang kulay puti na salamin na walang grado at inilagay ko sa aking mga mata.
Kailangan kong ilugay ang aking buhok upang hindi makita ang tattoo ko sa aking batok. Kailangan ko ring takpan ng buhok ko ang hikaw ko sa punong tainga ko. Ang hikaw na ito ay simbolo na pagiging secret weapon ng bansa.
Nang muli kong tingnan ang sarili ko sa harap ng salamin ay napangisi ako, dahil mukha na akong Santa.