Hindi ako nagsalita ngunit parang naririnig ko na ang pangalan na Ravo Escuder na isang senator raw, hindi ko naman ito binibigay ng pansin noon lalo at hindi naman ako interessado rito. Sa araw-araw na nabubuhay ako sa mundong ibabaw ay wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid ko dahil sa dami kong gawain sa buhay ko.
Ngunit hindi naman ako papayag sa gusto ni Daddy ang magpakasal sa lalaking ‘di ko kilala. Wala akong pakialam kahit magalit pa siya sa akin o itakwil niya ako. Ngunit hindi ako papayag sa gusto niya. Hanggang sa tumingin ako kay Mommy kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nito.
“Anak, patawarin mo ako kung wala man lang akong nagawa. Hindi man lang kita kayang ipagtangol sa Daddy mo,” anas ulit ng aking Ina.
Mahigpit ko na lang siyang niyakap. Nauunawaan ko ito. Ngunit ramdam kong mahal ako ni Mommy, takot lang talaga ito na suwayin ang asawa niya. Hinaplos-haplos ko na lang ang likod ng ni Mommy. Hanggang sa tumingin ulit ito sa akin.
“Kung ano’ng magiging desisyon mo, Leda ay susuportahan kita. Alam mo bang noong una ay kay Ravo Escuder ka ipapakasal, subalit tumanggi ang lalaki dahil may nobya na raw siya at magpapakasal na rin. Kaya napag-usapan ng pamilya Escuder at ang Daddy mo na kay Aris Escuder ka na lang ipakasal,” muling anas ng aking Ina sa akin. Kitang-kita ko sa mukha ni Mommy ang labis na pag-aalala para sa akin.
“Nandito ba ang pamilya Escuder, Mommy? At ngayon din ba sasabihin ang tungkol sa kasal?” muling tanong ko sa aking Ina.
“Oo anak, kaya sinabi ko na sa ‘yo ngayon para hindi ka na magulat mamaya. Patawad anak. Ngunit alam kong kayang-kaya mo iyang malampasan. Ikaw yata ang aking anak na hindi basta nagpapasindak.” At muli akong niyakap ng Mommy ko.
Agad na rin akong nagpaalam sa aking Ina. Ngunit muli akong bumalik sa aking kwarto. Agad kong pinalitan ang aking kasuotan. Kinuha ko ang dala-dala kong kulay itim na dress. Hanggang legs ko ang haba nito. Nang masuot ko na ang dress ay agad akong lumapit sa harap ng salamin. Ang sexy ko talaga. Medyo tumalikod din ako kaya kitang-kita ang matambok kong pang-upo. Kitang-kita rin ang aking makinis na likod. Tiyak ako na halos isumpa ako ng aking Daddy oras na makita ako.
Mas lalo ko pang pinakapal ang lipstick ko para ma-disappoint sa akin si Daddy oras na makita ang itsura ko. At nang makita kong maganda na ako ay agad akong lumabas ng aking kwarto. Tuloy-tuloy akong bumaba ng hagdan. Paglabas ng kabahayan ay nakita kong puro sila nakasuot ng maskara at ako lang yata ang hindi.
Walang pakialam na naglakad ako papunta sa bulwagan na kung saan ginaganap ang party. Napansin kong nakatingin sa aking ang ibang mga bisita. Naghanap ako ng puwede kong ma-pwestuhan, nakakita naman ako at ito’y malapit sa dalim. Agad akong naupo. May nagdala ka agad sa akin ng pagkain.
“Wala bang alak?” tanong ko sa waiter.
“Mamaya pa po ang alak, Ma’am,” sagot ng lalaki sa akin. Hindi na lamang ako nagsalita. Nagsimula na lamang akong kumain. Ngunit biglang nag-angat ang ulo ko nang may lumapit sa table na kung saan ako nakaupo. Mabilis akong nag-angat ng tingin, hanggang sa makita ko si Daddy. Hindi maipinta ang mukha nito.
“Oh! Dad,” anas ko ka agad dito.
“Ang tigas talaga ng ulo mo, Leda. Hindi ka talaga marunong sumunod sa akin!” galit na anas ni Daddy sa akin.
Napahilot ko tuloy ang aking noo.
“Dad, wala naman akong ginagawa na masama, ano na naman ba ang problema mo?” kakamot-kamot pa ako sa aking ulo nang magtanong sa aking Ama.
“Palitan mo ang kasuotan mo, Leda. Ano na lang ang sasabihin ng mga business partner ko na may anak akong pokpok!” galit na sabi ni Daddy sa akin. Napataas naman ang kilay ko dahil sa tinuran niya. Ngunit hindi ako nagsalita at nagpatuloy na lamang sa paglamon.
Mayamaya pa’y bigla na lang tumalikod si Daddy sa akin. Alam kong high blood na naman ito sa akin. Anong magagawa ko? Eh, ganito talaga ako. Hindi naman porket nagsuot ako ng ganitong kasuotan ay pokpok na agad. Ang sakit talagang magsalita ni Daddy. Saka, kahit ganito ang style ko sa pagsusuot ng damit ay virgin pa kaya ako.
Nang matapos akong kumain ay agad akong tumayo. Ngunit kukuha lang ako ng alak. Muli akong bumalik sa table ko. Walang pakialam na tinungga ko ang bote na may lamang alak. Mayamaya pa’y bigla akong napahinto sa paglaklak ng alak, dahil naramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid, ngunit wala naman akong makitang kakaibang tao. Guni-guni ko lang yata ‘yun.
Mayamaya pa’y may umakyat sa stage. Tumingin ako rito at nakita ko si Daddy ang nagsasalita. Mukhang sasabihin na nito ang tungkol sa pagpapakasal ko kay Mr. Aris Escuder. Tingin talaga ni Daddy ay papayag ako sa balak niya.
“Good evening everyone, thank you for coming here to celebrate us Leny Vega 57th birthday. Let’s make a toss for my wife,” saad ni Daddy.
Lumapit din si Mommy kay Dad. Kitang-kita ko ang sweetness nilang mag-asawa. Sabagay mabait naman si Daddy, ang nakakainis lang kay Daddy ay ang masyado niya kaming hinihigpitan at ang gusto ay siya palagi ang nasusunod at bawal na bawal suwayin. Isang marahas na buntonghininga na lamang ang aking ginawa hanggang sa muli akong uminom ng alak.
Napatingin naman ako sa stage nang muling magsalita si Daddy.
“Everyone, I have an special announcement,” narinig kong anas ni Daddy. Lalo namang tumaas ang kilay ko dahil mukhang sasabihin ni Daddy ang tungol sa napagkasunduan nilang kasal ng pamilya Escuder.
“Gusto ko lang ipaalam sa lahat ang nalalapit na kasal ng aking bunsong anak na si Leda Vega kay Aris Escuder na anak ng aking kaibigan. Ang kasal ay gaganapin sa sunod na buwan.” Halos mahulog naman ako sa aking kinauupuan dahil next month ka agad ang kasal. Anak ng tukwa, oh! Wala man lang akong kaalam-alam sa kasal na ‘yun. Mariing ko tuloy naikuyom ang aking kamao.
Lumapit din si Mommy para dalhin ako sa stage. Hindi tuloy maipinta ang mukha ko. Napatingin din ako sa lalaking magiging asawa ko raw. Yes, aaminin kong gwapo ito. Ngunit wala akong ma-feel nakilig dito. Nakatungo lamang ito at mukhang napilitan lamang din ito sa kasal na gusto ng pamilya niya.
Walang kangiti-ngiti na tumingin ako sa mga tao. Wala akong pakialam kung masabihin akong maldita. Nauna na rin akong bumaba ng stage at wala akong pakialam sa mga taong bumabati sa akin ng congratulations daw. Bumalik ako sa aking pwesto! At agad kong tinungga ang alak. Ngunit kailangan kong magpunta sa banyo kaya tumayo muna ako.
Naramdaman ko na parang umiikot na yata ang buong paligid. Muntik pa nga akong matumba, kaya lang may mga bisig na sumalo sa akin.
“Mukhang lasing ka na pretty lady...” Parang nagtayuan ang balahibo ko sa aking katawan lalo at inilapit pa nito ang kayang bibig sa punong tainga ko.